sixty four

61 6 0
                                    

Fleur
☘︎

Lumabas ako ng kotse para lumanghap ng sariwang hangin. Anak ng — ang bilis ng oras at alas quatro na pala nang hapon.

Hinugot ko ang phone ko sa bulsa sa hindi malamang dahilan. Nabobored na kasi ako sa loob ng kotse at telebabad lang naman si Nirvana at yung lalaki niya.

Iginala ko ang phone kasabay ng mga mata ko sa lugar nang may mailagay lang ako sa Instagram Story ko nang biglang mahagip nito ang side profile ng isang lalaking nakasuot ng black shirt na may logo ng isang banda at faded na jeans.

Napahinto ako sa pag-vvideo. "Nandyan ka pala,"

Nakangiti siyang lumingon siya sa'kin at sumandal sa kotse ni Nirvana.

"Malalim ata ang iniisip mo at 'di mo ako napansin." Napataas ang dalawang kilay ko.

Hindi naman ah? Sadyang hindi ko lang talaga siya napansin.



"Baka ikaw, may iniisip ka rin ba?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

Paano, halatang halata naman kasi sa mukha ni Koi na kinakabahan siya na hindi mawari. Sa bagay, kung ako rin naman kasi ang nasa kalagayan niya e, mababalisa rin ako na ewan.

"Paano kung hindi pala magustuhan nila ang Mama ang pagsundo ko sa kanila? Paano na lang kung itaboy tayo roon? Kung umuwi tayo nang 'di sila kasama? O ang mas malala pa, paano kung di naman pala sila doon tunay na nakatira?" Sunud sunod na tanong ni Koi habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong hininga.

"Actually hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa lahat ng tanong mo," I honestly told him at ibinalik ang tingin ko sa magandang view kung saan kami nags-stay.

Nakita ko ang pagtango at pagtungo niya sa sahig mula sa peripheral view ko.

"Ayos lang naman na nag-iisip ka ng mga posibilidad, pero mas makabubuti siguro kung hindi papangunahan." Umusog ako palapit nang kaunti sa tabi niya na siyang di naman niya pinansin.

"Hindi ko lang din maiwasan isipin, paano kung hindi na pala talaga kami mabubuo?"

Ramdam ko ang bigat at kalungkutan mula sa boses ni Koi ngayon. Sa bagay, kung ikaw ba naman mawalan ng ina at kapatid sa loob ng mahabang panahon...sino bang hindi maghahangad ng isang buong pamilya lalo pa't may chance kang maibalik kayo sa dati.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, yun ang totoo. Kaya naman hinila ko na lang siya para yakapin.

Alam kong ikagugulat niya 'yon pero wala akong balak kumalas.

Naramdaman ko ang unti-unting pagyakap ni Koi pabalik sa akin, pati na rin ang pagbagsak ng ulo niya sa balikat ko.

For sure, nahihirapan siya. Ang tangkad niya kaya!

Hinagod ko ang likod niya katulad nang ginawa niya para sa akin noong sinasaksak ako sa likod ng mga taong tinuring kong kaibigan.

Hindi naman niya kailangang umiyak para malaman kong nalulungkot at nabobother siya ngayon. "Alam ko marami kang fears at doubts, Koi. Pero nandito na tayo, e. Ngayon pa ba tayo aatras? Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan, okay?"

Hindi siya sumagot pero naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa akin.
"Subukan lang natin, gawin ang lahat ng makakaya. Kung wala e di...ipilit."

Mukhang hindi in-expect ni Koi ang huling parte ng sinabi ko dahilan para matawa siya nang kaunti.

"Masyado ka namang nag-eenjoy sa pagyapos sa akin." Pamumuna ko.

ForsakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon