fifteen

106 9 1
                                    

☘︎
EIGHT YEARS AGO

Koi


Muskuvado · 7:14 PM

Ramiro
nagreview na kayo?

Koi
Oo

Gustavo
Oo sana ikaw rin Ramiro

Ramiro
./.
patutor naman sa physics

Gustavo
Kay Koi ka magpaturo
Top 1 natin yan e

Koi
Hoy
Hindi kaya
Antalino din ni Dmitri baka maungusan ako non

Gustavo
Threatened ka pa bro?
Ikaw naman lagi una
Apelido mo lagi nasa tuktok

Ramiro
onga kaya lagi pinagmamalaki ni tito

Koi
Pero Top 2 naman si Dmitri

Ramiro
pero top 1 ka

Koi
Pero top 2 siya

Gustavo
ILANG TAON NA TAYO MAGKAKLASE LAGI KA TOP 1 BRO

Koi
Kahit na
Sige na
Magrereview pa ko
Babye

Muskuvado · 10:29 AM

Gustavo
Koi
Nasaan ka na

Koi
Teka kinukuha ko pa gamit ko sa locker

Ramiro
nagugutom na ko
sa tapsihan tayo kain ah

Koi
May gagawin pa ko
Kaya baka di ako sumama

Gustavo
Luh ayoko na rin
Baka isipin mag jowa kami ni Ramiro

Ramiro
grabe sasamahan lang ako kumain e 😢😢

Gustavo
Pangit mo
Koi
Ang tagal mo naman bumaba

Ramiro
gutom na ko

Gustavo
KOIIIIIIIIIIII


11:14 AM

Haliyaah
Koi
Gusto mo bang sendan kita ng notes?

Koi
Ha? Wag na
Baka makaabala lang

Haliyaah
E paaao ka magrereview sa math niyan?

Koi
Kina Gustav na lang

Haliyaah
Sayang naman kasi yung notebook mo
May kasalanan ka ba kay Fleur?

Koi
Wala
Mainit lang talaga yung dugo non sa akin

Haliyaah
Napapansin ko nga rin
Grabe talagang nilubog niya sa timba yung math notebook mo
Sinubukan ko pang icheck kanina kung pwedeng patuyuin pero
Napunit ko lang lalo

Koi
Ayos lang
Wag mo na isipin
Kasalanan ko rin naman dahil walang kandado yung locker ko

Haliyaah
Kahit na walang padlock yung locker mo di pa rin dapat pinakialaman ni Fleur yon

Koi
Wala rin namang kwenta kung magalit ako dahil tapos na

Haliyaah
Tingin ba niya dahil sa ginawa niya magta-top 1 siya?

Koi
Haliyaah
Wag kang magsalita ng ganiyan

Haliyaah
Bakit mo ba yun pinagtatanggol e lagi ka ngang binubully?

Koi
Di ko naman pinagtatanggol
Hindi lang tama magsabi ng masasamang bagay tsaka akusahan si Dmitri

Haliyaah
E ano pa bang pwedeng dahilan kung bakit niya yon ginawa?

Koi
Hindi ko alam
At ayoko rin isipin

Haliyaah
Okay fine
Titigil na ko basta tanggapin mo yung isesend ko notes
Marami rami kaya yung rereviewhin sa math!!!!!

Koi
Sige
Magaral ka na rin
Salamat Haliyaah

Haliyaah
Kung may kailangan ka pa koi
Itext mo lang ako
One text away lang ako :>

ForsakenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon