☘︎
FIVE YEARS AGOKoi
Gagraduate na ako bukas.
Palihim akong napangiti dail sa wakas mag-c-college na ako! Hindi naman sa nagrereklamo ako sa dinagdag na dalawang taon sa bagong curriculum. Pakiramdam ko lang kung wala sanang dalawang taon e 'di pwede na akong kumayod para kina Mama.
Pero kung iisipin, makakatulong rin naman yung dalawang taong 'yon dahil kung halimbawang hindi ako makapag college (na h'wag naman sana) e may makukuha pa rin akong trabaho.
Tumakbo ako paakyat ng room dahil naiinitan na ako at gusto ko nang maligo sa bahay. Kailangan ko lang kunin 'yung toga ko sa locker, naiwan ko na naman kasi. Sabi ko kahapon sa sarili ko, iuuwi ko na 'yun pero nakalimutan ko lang ulit.
"Hoy nasa'n yung toga ko?"
Hinarap ako ni Gustavo at sa loob ng halos sampung segundo, nagtitigan lang kami. Tinapik ko ang balikat niya dahil mukhang nananaginip na naman siya ng gising. Hindi ko na rin siya kinausap dahil wala siya sa sarili, ibinaling ko na lang ang atensyon ko kay Ramiro at inulit ang tanong ko kanina.
"Promise, wala sa'kin. Cross my heart, hope to die, kahit ngayon pa e." Kahina-hinalang wika niya. Pinaningkitan ko lang siya ng mata pero wala agad akong maaninag, oo nga pala. Ang hirap naman maging singkit.
Maya-maya, umakto si Ramiro na parang biglang nahimatay. Nag-make face pa nga ang gago. Pabiro ko siyang inambahan at sa huli ay nagsitawanan lang kami. Wala akong nahita sa dalawang mokong kahit pag-b-black mail-in ko na.
Nganga.
Napabuntong hininga na lang ako ako at naupo sa silyang malapit sa kaliwa ko. Nilabas ko ang cellphone ko at nakipagtitigan doon.
Isang tao lang ang pumasok sa isip ko.
Siya kaya?
Sana hindi. Sana hindi. Pumikit ako ng mariin bago pa ako magsimulang mag-overthink ng malala. Isang taon na simula nung huling nausap kami. Kahit minsan na nakakasama ko siya sa ibang group activities, minamabuti ko na lang na iwasan siya. Mas mabuti na rin 'yon.
Hangga't wala kaming koneksyon ni Dmitri, mapayapa ang buhay ko. Tahimik at hindi kumplikado. Masasabi ko na masaya ako dahil hindi na niya ginagawa ang mga ginagawa niya noon sa akin. Malungkot nga lang kasi parang kahit kailan wala kaming chance na maging magkaibigan.
"Oy, Koi. Mauuna na kami, di ka pa ba uuwi?" Pagbabalik ni Gustav sa'kin sa reyalidad.
Napaangat ako ng tingin.
"Sige lang pre, mauna na kayo. Hahanapin ko pa 'yung toga ko," sumulado silang dalawa sa'kin. Dahilan para mapangiti ako kaya sumaludo ako pabalik.
Tinitigan ko muli ang cellphone ko at isang daang beses pinagisipan kung itetext ko ba siya. Hay, tangina. Hindi talaga ako sigurado sa gagawin pero sige. Bahala na si batman.
4:47 PM
Koi
Nasaan ka?Dmitri
Bakit? Na-miss mo ba 'ko?Koi
Dmitri, please
Wala akong oras makipagbiruan :)Dmitri
Nakakatakot naman 'yanKoi
Nasaan yung toga ko?Dmitri
What are you talking about?