Chapter 2

65 40 0
                                    


Bella.POV

Pagkatapos nang klase ay umuwi agad ako sa apartment ko. Simple lang lang naman ang apartment na ino-upaan ko yung kaya lang nang badget ko.

Pagdating ko sa apartment ay humiga agad ako para kasing pagod na pagod ako wala naman akong ginawa ngayong araw nato. Dahil malas ako ngayong araw nato sa mga bwisit kong kaklase.

Ang sakit nang ulo ko dahil panay ang bato nila sa'kin ang sarap pang suntukin. Pero joke lang magiging matino na ako. Hindi na muna ako nag bihis dahil pagod nang katawan ko isama mo pa ang ulo ko dahil sa lintik na mga kaklaseng yun. Matutulog muna ako kahit kunti.

----

Nagising na lamang ako dahil sa sinag nang araw kaya agad akong bumangon. Pumunta agad ako nang banyo para maligo, hindi pala ako nagbihis siguro ang baho ko na.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako, plain white tshirt, pantalon at ang sapatos kong converse. Siguro late na ako ngayon.

Hindi naman kasi ako sanay na walang gigising sa'kin. Na mimiss ko na tuloy si lolo na parating ginigising ako at lulutuan nang mga favorite kong pagkain. Dapat pala sanayin ko na ang sarili ko maaga gumising.

Umalis na ako nang apartment nang walang kain. Bahala na si Panda. Maglalakad lang naman kasi ako kaya hindi na ako kumain dun na lang ako kumain.

Habang sa paglalakad ko ay may natatanaw akong mga nakahigang lalaki. Pano ako dadaan kong nakaharang kayo sa daraanan ko. Malapit na ako sa kanila hindi ko maiwasan na hindi sila tignan.

Kingina ang dami nila tapos ang kalaban nila ang liit mga siraulo. Magiging matino na ako ayaw ko na nang gulo.

"Padaan." Wika ko sa kanila para makuha ang atensyon pero parang walang narinig. "Kingina!" Ayon narinig na nila ako.

"Ang ganda mo naman." Usal nang isang mukang manyakis dahil sa dami nang tatoo niya sa balikat. Tinignan ko lang siya na walang reaksyon.

"Ang dami niyo tapos isa lang ang kalaban niyo." Sarkastiko kong saad sa kanila. Bat ba kasi dito sila nag suntukan pwede naman sa ibang lugar.

"Paki mo ba." Na iirita niyang sabi. Para ata'ng siya ang leader dahil sa dami niyang hikaw sa tenga isama mo pa pati sa ilong niya.

Tinignan ko ang pinag tutulungan nilang bugbugin nang mapansin ko ang uniporme niya na katulad sa pinapasukan kong paaralan. May sugat siya sa labi at kilay niya, ngumiti siya sa'kin nang pilit.

Ang liit nang kalaban tapos ang dami nila mga siraulo.

"Umalis ka na nga dito!" Sigaw sa'kin nang isang binata.

Sino kayo para utusan ako. Bahala na si panda."Aalis ako kong kasama siya." Nguso ko sa binugbog nila.

"Sino ka para utusan kami?"

"Isang tao, babaeng tao." Pamilusopo kong sagot. Kaya kita ko agad na biglang nag iba ang awra niya.

"Hawakan niyo yan!" Utos niya sa kasamahan niya.

Bahala na si Panda sa'kin..

Sinipa ko agad sa dibdib ang isang lalaki kaya na pa atras siya sinuntok ko agad ang kasama niya, dugo agad ang labi.

"Babae lang yan hindi niyo kaya!" Sigaw na naman nang leader nila.

Akma na sanang lalapit sa'kin ang leader nila nang suntukin siya nang kalaban niya. Magaling din pala sa pakikipag laban kahit maliit siya. Nag silapitan sa kanya ang mga kasamahan niya para itayo siya.

Double BarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon