Bella.POV
Nang marining ko ang pangalan ni Iggy ay kumaripas na ako ng takbo. Ramdam ko din nakasunod lang sila sa'kin. Ano na naman ba ang ginawang kalokohan ng itlog na 'yon bakit para nalang pangalan niya ang naririnig ko 'kong ganitong eksena. Akala ko ba masakit ang tiyan niya. Aisshh iwan.
Nadatnan namin si Iggy na nakasalampak sa lupa akmang susuntukin na sana siya ng nagsalita ako. "Kalalaki mong tao pero pinapatulan mo 'yong maliit." Inis kong sabi na mas lalong nagsalubong ang kilay niya.
"Sino ka bang babaeng ka?" Inis niyang tanong.
"Wala ka ng pake dun kong sino ako. At pwede ba? Wag kang pumapatol sa hindi mo ka edad."
"Hindi mo alam ang nangyari! Kaya wag kang makialam!" Sigaw niya kaya nabaling ang atensyon ng ibang estudyanteng dumadaan.
"Dapat kasi kinausap mo! Hindi 'yong bigla ka nalang manunutok sa kanya!" Sigaw ko pabalik. Anong akala niya siya lang marunong sumigaw.
Lalapitan na sana niya ako nang mapansin niya ang nasa likod ko. Ang hilig pumatol sa maliliit takot naman pala sa mga kasama ko. Pumunta ako sa gawi ni Iggy at tinulungan siyang tumayo.
"Alam mo kong hindi ka lang sana babae baka kanina pa kita na sapak." Pigil galit niya.
"Sinong tinatakot mo?" Sarkastiko kong tugon.
Napapalibutan na kami ngayon ng mga studyante. At ramdam ko din ang nagtataka nilang tingin siguro dahil ngayon pa nila ako namumukhaan. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas ng room.
"Wag ka nga mangialam babae ka! Hindi mo alam kong ano ang ginawa ng lalaking yan sa kaibigan ko!!" Sigaw ng isang babaeng warka pansin ko din ang katabi niya umiiyak.
Teka! Bakit may kapareho...
"Edi ipaliwang mo ang nangyari." Pansin ko din ang mga kasamahan ko ay naghahantay lang din ng sagot.
"Yang lalaki na yan gustong gahasain ang pinsan ko. Ngayon mo sabihin na madadaan pa 'yan sa isang matinong usapan!" Ano?! Pano? Nangyari--aish nalilito ako kong totoo ba ang mga sinasabi niya.
"Pano--may ebidensya kaba?" Pano 'kong gumagawa lang sila nang mga kwento para lang pahiyain si Iggy.
Ramdam ko na may nakatingin sa'kin nang masama at hindi nga ako nagkakamali dahil salubong ang kilay niya at ang madilim niyang paningin sa'kin.
"Bella!" Ramdam ko ang galit sa boses niya habang tinawag ang pangalan ko.
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang braso ko kong saan ang sugat ko. Akmang lalapit sa'kin si Cv ng bigyan niya 'to nang masamang tingin wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa kinatayuan niya kanina.
"Pati ba naman dito Bella dadalhin mo ang pagiging barumbado mo." Ramdam ko ang galit sa nagliliyab niyang mata sa'kin lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa'kin.
Inilapit ko ang mukha ko na hindi niya inaasahan. "Kong wala kang sasabihing matino sa'kin, wag mo kong kausapin." Sabay agaw ko sa braso ko na kumirot dahil sa pagkahawak niya.
Hindi pa ako nakahakbang ay isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Uulitan pa sana ng babaeng warka ng may sumigaw.
"Sige ulitin mo pang sampalin si cute girl kakalimutan ko na babae ka!" Sino paba ang tumatawag sa'kin ng cute girl kundi ang lalaking baliw.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni baliw. Isang malakas na sampal din ang ginawa ko sa babaeng warka na sa harapan ko na ikinabigla ng lahat. Hindi naman ata pwede na sampalin na lang niya ako at hindi ako nakabawi.
BINABASA MO ANG
Double Barrel
No FicciónTRANSFER Sa isang highschool, laging merong transfer student na mula sa ibang lugar. Iba-iba ang dahilan nang paglipat nila. Ang pinaka-unang problema nang paglipat sa ibang paaralan ay ang salitang 'pakikisama'. Kailanga'ng makisama nang bagong li...