Chapter 8

41 27 0
                                    

Bella.POV

Nagising ako sa malambot na kumot na 'ka balut sa katawan ko. Agad akong nabalikwas nang bangon ng mapansin ko na hindi ko pamilyar kong saan ako. Agad kong iginala ang paningin ko. Nasa'n ba ako? Sinundo na ba ako ni lolo? Hindi naman ganito ang kwarto ni lolo.

Nasa'n ba talaga ako?

Tinignan ko ang damit 'ko kong 'yun parin ba ang sout ko. Nakasout na ako ngayon nang pang patulog. Nasa'n na ba talaga ako.

"Wala kaming ginawa sayo. Damit mo lang ang ginalaw namin."

"Anak na-siraulo ka ba? Bat ka biglang sumu-mulpot diyan!" Inis kong sabi. Siraulo hindi ko namalayan na may tao na pala dyan.

Teka lang? Kong nandito siya sa harapan ko ibig sabihin nasa bahay niya ako? Pero pano ako napunta sa bahay niya? Ni hindi nga kami close sa isa't isa, pero nasa bahay niya ako.

"Ikaw pa nga 'yung tinulungan ikaw pa ang galit." Inis niyang sabi. Sinabihan ko ba siya'ng tulungan ako?

Ni hindi ko nga alam kong pano ako napunta dito. Sa presidente pa nang uranggutan pa talaga ako napunta. Baka may gagawin siya sa'kin, dahil sa ginawa ko sa linta niya'ng girlfriend.

"Sinabihan ba kita'ng tulungan moko? Hindi naman ah." Lintaya ko. Aba siya pa 'yong galit. "Teka lang pano ako napunta dito?" Mahinahon kong tanong.

Pano nga ba ako napunta dito?

"Ask your self." Nag tanong nga ako sa kanya, tapos sasabihin niya ask my self aba tindi. "Tanga ka kasi 'yan ang napala mo."

Ginagalit talaga niya ako.

"Hindi ako tanga! San na 'yung damit ko? uuwi na ako." Pasigaw kong sabi.

Bahala siya masira ang eardrums niya. Maka tanga sa'kin akala mo naman hindi naranasan maging tanga.

"Ikaw na nga 'yung tinulungan ikaw pa 'yung may ganang sumigaw!" Kingina sigawan ba naman ako. "Pasalamat ka hindi mga tambay ang nakakita sayo. Baka hubo't hubad kana ngayon!"

Ito naman kasi'ng bibig ko walang preno. Mabait naman pala ang Presidente nang mga urrangutan. Kong iba ang nakakita sa'kin siguro wala na akong saplot ngayon. Mabait naman pala si presidente.

"S-salamat." Sincere kong sabi. Marunong 'din naman ako mag pasalamat. Mabait naman pala siya. "ahm ano, pwede ko na bang makuha ang damit ko at makaalis na." Mahinahon kong sabi. Baka sumbatan pa niya ako.

Ayaw kong mag stay sa bahay nang presidente nang Uranggutan baka nandito 'yung girlfriend niyang linta.

"Makakabaw-"

"May kabayaran ang pagtulog ko sayo."sabay ngisi.

Anak nang binabawi ko na pala na mabait siya. Aanhin na niya ang pera eh, ang yaman na niya. Kwarto palang niya parang kwarto na ni lolo.

"Wala akong pera para pang bayad sayo." Walang emosyon kong sabi.

"Hindi pera ang gusto ko." Sabay tingin sa'kin nang may pagnanasa. Katulad ata siya nang girlfriend niya'ng linta.

Kong wala akong utang na loob sa kanya baka nasapak ko na siya. Katulad lang siya sa linta niya'ng girlfriend malandi.

Kong itutulad niya ako sa girlfriend niya'ng na parang linta. Makakatikim talaga siya sa'kin. Sayang ang ka gwapuhan kong--sinabi ko bang gwapo? Hindi siya gwapo manyak siya.

Gwapong manyak!

"Kong iba ang gusto mo, hindi ko 'yun mabibigay."

Agad siya'ng pumunta sa gawi ko na nakangisi. Iwan ko ba bakit naiinis ako kapag naka ngisi siya sa'kin, para kasin'g may gagawin siya'ng kalokohan.

Double BarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon