Bella.POV"Sino ang may gawa sa inyo niyan?"
"Putchaa! Ang pangit niyo na,"
"San ba kasi kayo galing."Nagising ako dahil sa ingaya nang kaklase ko. Pagkatapos ako maihatid ni kuya ay agad akong pumasok at natulog. Maaga pa naman kaya nakatulog ako.
Iniisip ko kong bakit sila pumunta sa apartment ko. Wala naman akong pinagsabihin nu'n, maliban kay Cason na nakapunta na dun pero hindi naman sila close sa isa't isa.
Napansin ko na biglang tumahimig ang paligid kaya inangat ko ang ulo ko para makita sila kong ano ang ginagawa nila. Kanina ang ingay nila ngayon para'ng ang siryuso nang pinag usapan nila. Asa'n ba kasi ang batang itlog bakit ang tagal niya.
Pinagmasdan ko lang sila habang nag uusap na takot marinig ang pinag usapan. Habang pinagmasdan ko sila ay naagaw nang pansin ko si Iggy na may pasa na naman.
San ba kasi galing ang batang itlog nato. Puro nalang siya mayroong pasa, hindi ba siya papagalitan nang magulang niya.
Agad kong kinuha sa bag ko ang alcohol at cotton. Araw araw akong may dala neto para kong may makaaway ako at nasugatan ay agad kong magamot. Lumapit ako sa gawi nila na hindi nila napapansin. Ganun ba talaga sila kaseryuso dahil hindi nila ako napapansin.
"Tabi!!" Pagtatabi ko sa kanila nasa akin na ngayon ang atensyon nila.
Agad akong lumapit kay Iggy na ngayon ay nakatingin sa'kin. May sugat siya sa kilay, gilid ng labi kunti lang naman ang sugat niya pero kahit kunti lang ay masakit 'din naman 'yun. Akala ko ba si Iggy lang may sugat bakit pati si Cv may sugat 'din sa labi. Ibinaling ko ang paningin ko sa mga kaklase ko ngayon ay nasa akin ang atensyon nila.
"Imbes na gamutin niyo sila ay mas ununa niyo pa ang pag tatanong niyo," bulyaw ko sabay pahid sa sugat ni Iggy. "Hinayaan niyo lang ang kasama niyo'ng may sugat." Sabi ko ulit.
Siguro nasanay na sila sa isa't isa na kong may sugat ay pabayaan nalang. Magkaklase sila dapat magtulungan sila hindi 'yung magpapabaya sila sa isa't isa.
"San ba kasi kayo galing bat may sugat kayo?" Baling ko kay Iggy na ngayon ay iniinda ang pagpahid ko.
"Papunta na kasi kami dito kaso hindi namin alam na may ginawa sila'ng patibong sa daraanan namin," sabi niya. "Bakit namamaga ang mukha mo Bella?"
Akala ko ba hindi to mapapansin, ang lakas naman kasi nang pagsuntok sa'kin, nang pinsan kong may galit sa mundo.
"Wala, sige kwento mo na ang nangyari." Tipid kong sagot.
"Ayun nga naglagay sila nang patibong. Tinira kami patalikod kaya may sugat kami hindi kasi agad kami nakaiwas." Sabi niya
"Ako nga tinira paharap hindi ko pa naiwasan." Bulong ko sa sarili ko.
Malay ko bang susuntukin pala ako nang pinsan kong may galit sa mundo. Okay lang 'din kwits na kami, nasuntok ko rin siya.
"May sinasabi kaba Bella?" Tanong nang batang itlog iling lang ang naging sagot ko.
Nang matapos na ako ay agad akong lumapit kay Cv na ngayon ay nakapikit ang mga mata, siguro pagod sa pakipag away. Hindi ko nalang siya ginising habang ginagamot ko siya, hindi rin naman niya naramdam habang ginagamot ko siya.
Natapos na ako sa ginagawa ko ay pansin ko nasa akin silang lahat nakatingin. Naiilang na talaga ako sa kanila. May ginawa na naman ba akong mali kasi kong makatingin sila sa'kin para bang may ginawa na naman akong mali. Nabalik lang ako sa ulirat nang hawakan ako nang batang itlog.
BINABASA MO ANG
Double Barrel
Non-FictionTRANSFER Sa isang highschool, laging merong transfer student na mula sa ibang lugar. Iba-iba ang dahilan nang paglipat nila. Ang pinaka-unang problema nang paglipat sa ibang paaralan ay ang salitang 'pakikisama'. Kailanga'ng makisama nang bagong li...