Chapter 4

60 36 0
                                    

Bella.POV

Panibagong araw na naman, papasok na naman ako na masama ang tingin nang hari nang mga uranggutan. Nang makumpirma niya kay sir na magiging kaklase niya na ako, tinapunan lang niya ako nang masamang tingin.

Kong nakakamatay lang ang tingin niya sa'kin, aba ngayon nasa kabaong na ako nakahiga. Kaya pala niya hindi alam dahil ilang araw na pala siya'ng hindi pumasok. So kasalanan ko pa hindi siya updated.

Maaga akong gumising dahil para makapag luto. Ayaw ko nang mamatay sa gutom. Nagbihis na agad ako para marating nang maaga skwela. Simpleng gary tshirt at pantalon lang ang sout ko, wala pa kasi akong uniporme dahil hindi pa ako naka pag patahi.

Sa kabilang kalye lang ako dumaan baka kasi naka abang 'yung mga lalaki na nakawaay ko. Hindi naman sa takot ako sa kanila, gusto ko lang talagang iiwas ang sarili ko sa away. Kahit malayo ang kalye papunta sa skwela ay ayos lang din, maaga pa naman.

Nakarating din ako kaagad sa klassroom. Agad kong sinalampak ang katawan ko sa upuan dahil siguro sa pagod mag commute, ipinikit ko muna saglit ang mata ko nang biglang sumulpot si Iggy

"Ayos ka lang Bella?" Nag aalalang tanong niya.

Maayos naman talaga ko sadyang masakit lang talaga ang paa ko, dahil sa mahaba haba rin ang nilalakad ko. Nasanay kasi ako na si lolo parati ang naghahatid sakin. Namiss ko tuloy si Lolo.

Ang alam ni Lolo ay 'dun ako maninirahan sa bahay ni Tita Hiraya, kaso nahihiya ako sa kanya at takot ako kay kuya isama mo pa yung kapatid na parang galit sa mundo. Mabait naman si Tita at Tito kaso takot lang talaga ako sermunan ni Kuya.

"Oo naman, ako pa." Ngiting sagot ko. Ayaw kong mag-aalala sa'kin.

"Alam mo Bella ikaw lang ang babaeng na kapaglinis dito sa room." May iba pa bang babae bukod sa'kin. Bakit hindi ko sila nakikita.

"Kong ganun ay nasa'n sila hindi, baki-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang umiiyak si Iggy.

Bakit siya iiyak wala naman akong gingawa sa kanya. May nasabi ba akong mali.

"Hala! Bat ka umiiyak may nasabi ba akong mali." Tarantang tanong ko. Agad ko kinuha ang panyo ko sa bag at agad pinunasan ang luha niya. "Sorry kong may nasabi akong mali."

Bigla na lang siyang yumakap sa'kin at humagugol nang iyak kaya ginantihan ko din siya nang yakap. Hindi ko namalayan nakatingin na pala ang kaklase namin. Binigyan nila ako nang tingin 'kong anong nangyari.' Kaya kibit balikat lang ang naisagot ko.

Kumalas sa pagyakap sa'kin si Iggy at tinignan niya ang kabouan nang mukha ko. "Sana hindi ka katulad nila." Sabay punas nang luha niya.

Anong katulad sa kanila. Sino ba ang tinutukoy niya na kanila? May nagawa ba sila'ng masama kay Iggy para iyakan niya yung sinabi niya'ng 'sila.'

"Kong sino man ang tinutukoy mong nila, di hamak na maagas ako sa kanila." Wika ko. Bigla na lamang siya'ng tumawa na para bang hindi siya galing sa pag iyak. Ginagago ba ako nang batang to.

"Alam mo iba ka talaga sa kanila maangas ka." Pangungumpara niya sa'kin. "Pero kahit walang ka arte-arte sa katawan ay maganda ka parin." Binigyan niya ako nang nakakalokong tingin. "Ayiee, namula siya." Katyaw niya pa.

Agad ko naman iniwas ang mukha ko dahil baka narinig na mga kaklase namin sa lakas pa naman nang boses niya.

Kanina umiiyak siya sa harapan ko pero ngayon, binibiro na niya ako. Pero ayos lang na biruin niya ako, ayaw kong nakikita siyang umiiyak. Kahit nga nang bugbugin siya nang mga lalaki sa kanto ay panay lang ngiti niya kahit bugbog na ang katawan niya.

Double BarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon