Chapter 12

33 9 0
                                    

Bella.Pov

Madaling araw na 'kong nakauwi dahil hindi ko kaya pang umuwi kagabi. Dahil sa kalasingan ko ay dinala muna ako sa bahay nilang tito Thor. Hindi naman daw niya alam 'kong saan ako nakatira kaya dinala na muna niya ako sa bahay niya. Nalaman ko din na umalis si Cason dahil may importante'ng pinaggawa si tito sa kanya.

Shit! Ang sakit nang ulo ko...

Dahil lang sa pagsunod ko sa mga Uranggutan na 'yon ay nadamay pa ako sa gulo nila. Mabuti nalang nakatakas agad ako 'kong hindi baka ubos na 'tong buhok ko. Kaya hindi na rin ako pumasok kahapon dahil alam ko pupuntahan ako ni kamatayan.

Habang sa paglalakad ko, ramdam ko na may sumusunod sa'kin. Sa pagliko ko sa may kanto ay may tatlong lalaking may edad na nakasuot ng tuxedo na may hawak na baril. Ang ganda nang custome ah...

"Kanina ka pa namin hinihintay ba't ang tagal mo binibini." Sabi nang lalaking naka gitna.

Anong pinagsasabi neto? Ako ba ang tinutukoy nilang hinihintay eh hindi ko naman sila kilala.

"Ako ba ang tinutukoy niyong hinihintay ginoo." Gaya ko sa pananalita niya. Tango at ngiti lang ang naging sagot nila. "Bakit niyo naman ako hinihintay?"

"Dahil may 'DAPAT' kaming nais gawin sayo binibini." Diing salita niya sa 'DAPAT'.

Lahat nang lumalabas sa bibig niya ay may halong pananakot. Iba rin ang kutob ko sa tatlong lalaking na 'to. Bakit sa lugar na 'to dito ako makakanahanp nang kaaway. Katulad nang mapadaan ako dito nang makita ko si Iggy.

Dapat na ba akong matakot sa kanilang tatlo? Pero bakit naman ako matatakot kong wala naman akong ginawa sa kanila. Tatlo lang sila pwera nalang kong marami sila.

"Ano naman ang 'DAPAT' niyong gawin sa'kin ginoo." Ngiting wika ko.

"Ang paslangin ka binibini." Kasabay nang pag tutok nila sa'kin nang baril.

Tumayo ang balhibo ko nang maramdam ko sa aking leeg ang malamig na bakal. Ano naman ang motibo nila para patayin ako, ni hindi ko nga sila nakilala at ngayon ko palang sila nakilala. Ano na naman bang kamalasan 'to. Kong tatakbo ako saan naman ako dadaan kong pareho sila nakaharang.

"Ano naman ang motibo mo para ako'y inyong patayin?"

"Hindi mo kami guro para kami ay magpaliwanag sayo binibini. At wag ka na ulit magtanong pa baka ikaw ay aking mabaril." Tugon nang isang lalaking nasa gitna.

Anong gagawin ko kong pareho sila may hawak na baril. Ayaw kong mamatay sa lugar na to, na walang ka tao-tao baka hindi makita ang bangkay ko.

Mag isip ka Bella...

"Pwede ba akong humingi nang pabor, tutal papatayin niyo rin naman ako."

"Maaari binibini."

"Kong papatayin niyo ako ayaw ko yong bala ang tatapos  sa'kin, gusto ko sarili niyong kamao ang tatapos sa'kin." Ano na naman ba tong iniisip ko.

"Kong yan ang nais mo binibini." Sabay tapon nila nang baril.

Nang wala na akong maramdam sa akong leeg ay agad kong siniko ang nasa likod ko at sinuntok sa mukha niya. Tumakbo sila palit sa'kin at inulan ako nang mga suntok nila, puro lang ako ilag dahil hindi ako makahanap nang tyempo para suntukin sila pabalik. Hindi ko naman alam magaling sila sa ganitong bagay. Hanggang sa hindi ko namalayan na nahawakan na nila ako.

"Ba't hindi mo sinabi samin binibini na marunong ka pala makipag laban. Pinapahirapan mo pa kaming patayin ka."

"Hindi rin naman niyo ko tinanong." Sabi ko na mas lalong kinagalit niya.

Double BarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon