Bella.POV
Nakarating agad ako nang bahay na amoy dugo ang pantalon ko. Naglinis agad ako nang katawan ko at pagkatapos ay nilinis ko na 'rin ang jacket na kinuha ko kanina para takpan ang mantsa sa pantalon ko.
Natapos na ko sa ginawa ko agad ako humiga sa kama ko at ipinikit ang mata ko. Mamaya na siguro ako magluluto, nagsisimula na naman ang katamaran ko.
Habang hindi pa ako nakapikit ay may narinig akong katok. Wala naman inaasahan na bisita ngayon. Baka si madam lang siguro yun. Ang may ari nang apartment na nirentahan ko.
Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa'kin ang likod nang isang lalaki, humarap siya sa'kin kaya agad akong napatingala ako dahil mas matangkad siya sa'kin.
Aba matapos akong iwan sa ere ito siya ngayon sa harap ko na nakangiti pa talaga. Ang sarap niyang suntukin matapos nang ginawa nilang pag-iwan nila sa'kin sa ere.
"Bat ka nandito?" Walang gana'ng tanong ko. Hindi naman na wala ang nakakaloko niyang ngiti. Suntukin ko kaya to.
"Wala man lang ba na 'I miss you' sakin." Diin niya'ng salita nang imissyou. Ang sarap niyang hambulusin nang upuan.
"Umalis ka nag iinit ang ulo ko sayo." Inis kong sabi sa kanya.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa nang ngumiti na naman siya nang nakakaloko. "Wala ka pari'ng pinagbago pandak ka parin." Anak nang, talaga'ng pinapainit niya ang ulo ko.
Bigla na lang siyang pumasok at agad tinitignan ang paligid. "Kingina, umalis ka." Mahinahon kong wika sa kanya.
"Talaga bang galit ka pa'rin samin." Sabay pout niya. Aba siya pa ngayon ang may ganang mag drama sa harap ko.
Anong akala nila sa'kin madaling makalimot. Aba sila kaya ang iwan sa ere kong kayayanin nang sistema nila. Nangako pa kami sa isa't-isa kaso silang dalawa lang pala mang iiwan.
"Sinong hindi magagalit sa inyo." Inis kong sagot sa kanya.
"May rason naman kami kaya kami umalis." Kahit anong rason nila hindi pa'rin nila sinabi sa'kin na aalis sila. "Sorry na pandak na Bella."
"A-anong pandak! Umalis ka kingina mo." Inis kong sigaw sa kanya. Siya pa nga 'tong may kasalanan tapos ako pa ang iinisan niya. "Alis." Pagtataboy ko sa kanya.
Agad naman siya naglakad papunta sa pintuan ay may binubulong. "Nag punta pa naman ako dito para yayain kang kumain sa labas at libre ko." agad naman akong pumunta sa harap niya dahil sa narinig kong libre
"Nagbibiro kaba? Ni hindi mo nga ako nilibre noon." Sarkastikong tugon ko.
Sino ako para paniwalaan siya eh, ang buraot niya pagdating nang libre dahil ayaw niyang gastusin ang pera niya. Himala at mang lilibre.
"Kong iniisip mo na himala dahil mang lilibre ako sayo pandak," kingina naiinis na ako sa pang-aasar niya. "Eh ang swerte mo dahil ikaw ang kaunang-unang malilibre ko."
Ako pa talaga ang maswerte dahil ako ang kauna-una'ng malilibre niya eh, kong bilangin ko kaya lahat nang nalibre ko sa kanya.
"Ano pand--aray!" Agad kong inapakan ang paa niya sa pagtawag niya sa'kin nang pandak. "Ito naman si pan-este si Bella ang dali'ng mapikon." Nakaisip naman ako ng idea na ikakagalit niya.
"Hiyang-hiya naman ako sayo Cason, na nakaihi nang pantalon niya noon," pang-aasar ko sa kanya. "Nang dahil lang sa math na ihi ka sa pantalon mo." Bwelta ko ulit sa kanya at agad naman nang iba ang reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
Double Barrel
Non-FictionTRANSFER Sa isang highschool, laging merong transfer student na mula sa ibang lugar. Iba-iba ang dahilan nang paglipat nila. Ang pinaka-unang problema nang paglipat sa ibang paaralan ay ang salitang 'pakikisama'. Kailanga'ng makisama nang bagong li...