Bella.POVNatapos na kaming kumain lahat, at napag kasya rin namin ang tatlong box ng pizza kaya kaming lahat ay busog.
"Thankyou dun Bella."
"Next time naman iba naman ipa deliver mo."
"Thankyou!"Mga pasalamat nang mga kaklase ko sa'kin. Pagkain lang pala ang katapat nila para hindi na nila ako batuhin nang kong anu-ano.
Alam mo yung ang gwapo nang mga kaklse mo pero ang rumi nang klassroom ang sarap pektusan.
"Bella!" Napatingin ako sa may pintuan dahil dun nang galing ang boses. "Sama ka samin." Si Cv lang pala.
Isa si Cv na naging kaibigan ko dahil may pagka sweet siya sa'kin, kahit ngayon niya lang ako kilala. Isama mo na ang batang itlog ang pangalan ang takaw niya, siya ang kumain nang isang pizza ko kanina.
"Saan?" Tanong ko. Wag nilang sabihin sa cafeteria makikita ko naman ang pinsan kong kulang sa aruga.
"Pupunta kami nang mall." Usal niya. May pasok tapos pupunta nang mall.
Umiling ako."Kayo'ng lahat?" Takang tanong.
Sino ang tuturuan pagdating nang mga prof kong sila lahat ay aalis.
"Maiiwan si Paul dito, masakit ang ulo niya." Akala ko ako lang mag isa dito. "Ano sama ka?"
"Dito na lang ako." Ngiting sagot ko sakanya
Umalis na silang lahat kami nalang ni Paul ang natira sa room. Napag pasyahan ko na maglinis muna. Nahanap ko rin agad ang lalagayan nang walis nakalagay lang pala sa likod nang board. Inuna ko ang mga alikabok dahil ang pangit tignan.
Habang nagwawalis ako ay panay ang tingin ko kay Paul para kasi siyang giniginaw, mainit naman ang panahon. Isiniksik niya kasi ang mukha niya sa lamesa niya, pero ang balikat niya ay panay ang galaw. Baka umiyak lang.
Hanggang sa hindi na ako makatiis ay kinuha ko ang jacket ko sa bag. Nakakahiya man ay inaabot ko parin ang jacket ko sakanya.
"Gamitin mo to, para hindi ka lamigin." Sabay lahad ko sa kanya nang jacket ko. Tinignan niya muna ang jacket bago kunin.
Kukunin rin pala, akala mag papabebe pa...
"S-salamat." Nahihiyang turan niya. Agad din niyang isinuot. "Ang ganda nang jacket mo panglalaki lang, sa boyfriend mo to?" Umiling lang ako.
Kinginang boyfriend yan. Wag ka nang maglita sa ex-boyfriend ko ang sarap nang barilin sa puso para diritso ang patay.
"Ayos ka lang." Ngiting tipid lang sagot niya. Halata naman na hindi siya ayos.
"Oo."
Bigla kong nilagay ang kamay ko sa noo niya. Yun ba ang maayos eh, ang init niya pwede na akong magluto nang itlog sa noo niya.
Tumalikod ako sa kanya at pumunta sa may cabinet. May nakita kasi ako dito kanina mga gamot, asa'n kaya yun ayun! Kinuha ko yun at naghanap nang masakit sa ulo at para sa lagnat niya.
Pumunta agad ako sa kanya at ibinigay ang gamot at tubig. "Inumin mo yan, para mawala nang kunti ang sakit nang ulo mo at lagnat." Tinanggap niya naman yun.
"Salamat, hindi mo naman dapat gawin yun."
"Sino ang gagawa nun ang multo," sarkastiko kong tugon. " kong hindi na kaya nang katawan mo sabihin mo lang para madala agad kito sa clinic."
"Salamat ulit."
"Wala yun magpahinga ka muna, maglilinis muna ako para kasing tirahan to nang mga hayop dito." Tango lang ang naisagot niya sakin.
BINABASA MO ANG
Double Barrel
Non-FictionTRANSFER Sa isang highschool, laging merong transfer student na mula sa ibang lugar. Iba-iba ang dahilan nang paglipat nila. Ang pinaka-unang problema nang paglipat sa ibang paaralan ay ang salitang 'pakikisama'. Kailanga'ng makisama nang bagong li...