Chapter 6

38 30 0
                                    

Bella.POV

"Bella nandito na tayo." Gising sa'kin ni Cason.

Hinatid niya kasi ako sa apartment dahil masakit ang katawan at ang ulo ko, at para hindi na ako mapagod magnahap nang taxi. Ngayon ko pa narasan na parang mabibiyak ang ulo ko isama mo pa na puyat ako. May pasok pa naman ako tapos hang over pa ako.

"Sige salamat sa paghatid." Sabay baba nang kotse niya.

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil ang sakit. Ano ba ang ginagawa ko kagabi at ganito kasakit ang ulo ko. Sanay naman akong uminom nang marami.

"Mamaya na ako uuwi ihahatid pa kita sa school." Sigurado na siya, eh puyat 'rin siya kagaya ko.

Pumasok na kami sa loob at siya naman ay nahiga muna sa kama ko habang ako nag aayos nang sarili ko para pumasok. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin, like wow ang laki nang eye bugs ko. Ang tagal kasi namin natapos kagabi dahil nag sidatingan ang kaibigan ni Cason kaya ayun puyat ang peg ko.

Nang matapos na ako agad kong inihanda ang pagkain na binili ni Cason para samin at agad ko siyang ginising. Tahimig lang kaming kumain, wala 'rin naman akong gana'ng magsalita. Nang matapos na ay agad na kaming lumabas at sumakay sa kotse.

"Bat tayo tumigil?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Pharmacy anong gagawin namin dito. Kong pagkain lang sana 'yung bilhin ni Cason magiging masaya pa ako.

"Bibilhan lang kita nang gamot." Sabay baba niya sa kotse.

Salamat naman at bibilhan niya ko nang gamot para na akong mag kakasakit ngayon. Idinamay namin kasi nila akong imunom, pero ginusto ko naman talaga.

Sanay naman akong iminom pero bakit ang lakas nang epekto nang alak na ininom ko kagabi ang sakit nang ulo ko isama mo pa ang sakit nang katawan ko. Siguro sa pagsasayaw na'min kagabi kaya ganito ang nangyari sakin. Dun na 'rin kami nakatulog sa bar dahil sa kalasingan namin.

Dumating na si Cason at may bitbit na siyang gamot. Pumasok na siya sa loob at agad ibinigay ang gamot, ininum ko naman 'yun agad para mawala kahit kunti ang sakit nang ulo ko.

Nang makarating na kami sa skwela ay hinatid pa talaga ako ni Cason sa room ko at inaalalayan niya dahil mukha daw akong makakasakit. Habang nag lalakad kami ay tinanong ko bakit ganito ang effect na ininom ko kagabi. Sabi naman niya na ang hard nang pinang inom ko at ayaw kong mag pa awat sa kanila kaya no choice sila na pabayaan ako.

Papasok na kami sa building nang parang nag aalinlangan si Cason pumasok. "Are you joking, abandoned na 'tong building na 'to." Sabay turo niya sa building. Tango lang ang isinagot ko sa kanya.

Naglakad na kami ni Cason at hindi siya makapaniwala na nasa abandoned building ang room ko. Hinatid niya ako hanggang sa nakarating na kami nang room.

"Inomin mo 'yung gamot mo mamaya." Paalala niya. "Baka ako pa pagalitan niya," sino ang tinutukoy niya. "Susunduin na lang kita." Sabay bigay niya sa bag ko.

Matapos niya akong hinatid ay umalis na siya kaagad. Pumunta na ako sa upuan ko nang mapansin ko nasa akin pala nakatingin ang mga kaklase ko.

"Bakit?" Nag tatakang tanong ko. Kibit balikat na lamang ang sagit nila sa'kin.

Umupo na ako sa upuan ko nang mapansin ko na ka tingin pala sa'kin ang batang itlog. "May marumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya pero iling lang ang sagot niya. "Bakit ka ganyan makatingin?"

"Boyfriend mo 'yun?" Sinong tinutukoy niyang boyfriend.

"Sino?"

"Yung naghatid sayo." Ah si Cason na buraot pala ang tinutukoy niya.

Double BarrelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon