Chapter 4

2K 84 22
                                    

Chapter 4

Umahon na si Kiana mula sa swimming pool ng sakto niyang marinig ang pag bukas ng sliding door.

"Sabrina I really love your pool," puri ni Kiana sabay kuha ng towel

"Thanks, where's Bianca?" tanong ni Sabrina pagkalapag ng tray na may nakapatong na tatlong juices

Kumuha si Kiana ng isang juice at tinuro si Bianca na nasa gilid ng palm tree, "Ayan nagseselfie,"

"Bianca! Halika muna dito nagdala ako ng juice!" aya ni Sabrina agad namang lumapit si Bianca at kumuha

"Alam niyo girls, the best talaga ang nangyari kahapon," sabi ni Bianca "At alam niyo na ba ang balita?"

"Ano 'yun?" tanong nila Sabrina at Kiana

"OMG! Hindi talaga kayo updated, Well, nakipagbreak lang naman si Matt kay Queenie," wika ni Bianca sabay sip niya sakanyang juice

Napalapag naman ng kanilang baso sila Sabrina at Kiana at sabay na napa O-M-G!

"Totoo ba iyan? Saan mo naman 'yan narinig?" tanong ni Kiana

"Well, connections," pangiti ngiting sagot ni Bianca

"Kwentuhan mo pa kami! What had happen? Poor Queenie!" sabi ni Sabrina ng patawa tawa

Umayos na upo si Bianca at nagsimulang magkwento, "Ganito kasi 'yun may mga nakakita daw na si Queenie ay tumatakbo papunta sa practice ng basketball team nila Matt, she looks super pathetic daw kasi as in nasira na 'yung takong niya sa kakatakbo at pagdating niya sa practice?" muling nagsip si Bianca sa kanyang juice "Nadatnan niya si Matt na napaka cold na sakanya, sinabihan siya ng masasakit na salita at iniwan siya ni Matt na tulalang umiiyak,"

"OH MY GOD! Really?! Buti nga sakanya!" sabi ni Kiana

"I never thought na magiging ganito ang epekto ng ating unang ginawa ha? I thought walang masyadong gulo ang mangyayari but I'm wrong!" sabi ni Sabrina

"Ako din, I guess dyan na nagtatapos ang mission natin? Ang galing talaga! Akala ko pa naman magiging challenging ito but hindi pala," sabi ni Kiana

Pumasok na ang tatlo sa mala-mansyong bahay nila Sabrina, nagstay sila sa may balcony ng biglang may tumawag kay Kiana.

"Wait lang, girls," sabi ni Kiana at naglakad siya palayo

"Hello? Elliot? Honey?" sabi ni Kiana pagkasagot sa tawag

Paghinga lamang ang naririnig niya hanggang sa may nagsalita na bigla, "Hmm... Queenie you're so hot," sabi ng isang lalaking boses

"Elliot... wag ka nga masyadong maingay," sabi naman ng babaeng boses na alam ng lahat na si Queenie iyon. Nabitawan ni Kiana ang kanyang cellphone sa gulat, nahulog ito at bumagsak dahilan upang tumakbo ang kanyang mga kaibigan papunta sakanya.

"Kiana? Anong nangyari?!" tanong ni Bianca sabay pulot sa Iphone ni Kiana, "Nagulat ako sayo!"

"Are you okay?! Namumutla ka ha? Sino ba 'yung tumawag? Tell me!" sabi ni Sabrina and then she shook Kiana's shoulders

Unti-unting napatingin si Kiana kay Sabrina. Ang mga mata niya ay naluluha na, namumutla din siya, nanginginig at malamig.

"S-Sabrina... si Elliot... kasama ni Queenie," sabi ni Kiana sa mahinang tono at agad itong napaiyak ng malakas agad naman siyang niyakap ni Sabrina

"Ba-Bakit sila magkasama?! What the hell is wrong with him?!" sigaw ni Bianca

"I don't know Bianca," sagot ni Kiana sabay hagulgol ulit "Sabi pa nga ni Elliot, 'Queenie, you're so hot',"

Don't Touch Us We're Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon