Chapter 13

1.3K 54 5
                                    

Chapter 13

Mag aalas dos na ng madaling araw ay busy pa rin ang tatlo sa kaka ayos ng mga invitation para sa birthday party ni Kiana.

"Gosh, hindi ko na maramdaman ang mga kamay ko sa sobrang pagod," wika ni Sabrina habang nagriribbon at idinidikit ang bawat ribbons na ginagawa niya sa invitation card, "Hindi pa ba tayo magpapahinga?"

"No way in hell Sab, maatim mo bang makita si Queenie na masayang masaya sa birthday niya kasama ang mga fans natin?!" sabi naman ni Kiana habang naggglue ng mga sequins sa card

Itinali na ni Bianca ang kanyang buhok atsaka nagsalita, "Ano ba girls? Sa Sunday na ito! We have to get going!"

Biglang tumunog ang phone ni Bianca at agad niya itong sinagot, "Hi! Ready na ba 'yung listahan?"

"Hey? Anong listahan?" bulong ni Sabrina kay Bianca

Sumenyas naman si Kiana na hindi niya alam ng tumingin sakanya si Sabrina.

"Good! Sige, we will meet you later, sa Krispey Kreme, okay?" wika ni Bianca ng nakangiti, tumango tango ito, "Okay, bye."

Pinatay na ni Bianca ang tawag at ngumiti kila Sabrina at Bianca.

"Sino 'yun?" tanong ni Sabrina sabay subo ng strawberry flavored lollipop

"At ano 'yung listahan? Saka bakit natin siya imemeet mamaya? Nako ha," sabi ni Kiana habang naka indian seat

Ngumiti ngiti si Bianca at nagsalita, "Listahan iyon ng mga invited sa birthday party ni Queenie,"

Nagulat naman sila Sabrina at Kiana, "What?! Woah! Paano? Paano mo nakuha? Sino 'yun?" tanong ni Kiana

"Matt," maikling sagot ni Bianca

"Bakit si Matt? Si Matt ang nagbigay ng listahan? But, why? 'E diba sila ng bitch na iyon," sagot ni Sabrina sabay roll eyes, "Ang pangit nila!"

"Bitter much Sab?" natatawang sabi ni Kiana

"Hey, we owe him," sabi ni Bianca, "At pumayag ako na kapag naibigay niya 'yung listahan ay iggrant ko 'yung wish niya which is hindi niya pa sinasabi."

"Geez, bakit ka pumayag Bianca?!" sabi ni Sabrina habang nakahawak sa forehead niya

"It's the only way, girls," wika ni Bianca sabay subo ng candy

Napabuntong hininga na lang si Sabrina at Kiana, "Sab, okay lang 'yun ano ba ang pwede niyang hilingin diba?" sabi ni Kiana

Tiningnan ng masama ni Sabrina si Kiana at Bianca, "Anything," sabi ni Sabrina saka siya dumiretso sa rest room

Pagdating sa rest room ay naghilamos si Sabrina. Ayaw na niya ulit makita si Matt, bumabalik nanaman sakanya lahat ng nangyari isang taon na ang nakakaraan. Lahat ng sakit ay babalik nanaman sakanya, kung paano siya iniwan at ipinagpalit ni Matt.

"Hindi nila alam kung anong ugali ni Matt," sabi ni Sabrina sa harap ng salamin

***

Natapos nilang gawin ang lahat ng invitation ng mag aalas dos na ng hapon. Makikipagkita pa sila kay Matt kaya naman agad na silang nag ayos.

"Tutulungan tayo ni Matt," sabi ni Kiana kay Sabrina habang naglalagay siya ng mascara

Tumahimik naman si Sabrina. Lumapit si Bianca kay Sabrina at hinawakan niya ang kamay ni Sabrina.

"Sorry Sab," sabi ni Bianca

"Ano ka ba Bianca? Okay lang 'yun, promise," sabi ni Sabrina, "For Queenie, we will do anything para mapabagsak siya."

Don't Touch Us We're Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon