Chapter 5
Napalingon sila Sabrina at Bianca kila Elliot at Kiana. Hindi maitago sa mukha ni Kiana ang galit kay Elliot, napatayo ito at muntik niya na itong sampalin ngunit napigilan niya ang sarili niya, "Anong kailangan mo cheater?" tanong ni Kiana
"K-Kiana, mali ka ng iniisip," sabi ni Elliot at ng subukin niyang hawakan si Kiana ay agad na umiwas ito
"Don't touch me Elliot! Nakakadiri ka!" sigaw ni Kiana sabay hila kila Sabrina at Bianca at sibat palabas ng classroom
Dumiretso sila sa malapit na Starbucks at doon naglabas ng hinanakit si Kiana. Si Sabrina at Bianca naman ay nakikinig sakanya habang umiinom ng kanilang inorder.
"Tama lang ang ginawa mo Kiana! Dapat lang na naging ganoon ka sakanya," sabi ni Sabrina
"Naguiguilty ako kasi nasigawan ko siya, mahal na mahal ko siya pero kapag naaalala ko ang boses niya sa tawag kahapon.." naibaba niya ng malakas sa table ang latte niya dahilan para mapatingin sakanya ang halos lahat ng customer sa Starbucks "Nanggigigil ako, parang gusto ko na lang siyang sakalin hanggang sa mamatay siya,"
"Okay lang 'yan Kiana," sabi ni Bianca at bigla siyang nagroll-eyes "And Kiana! Sinong matinong boyfriend ang uunahin ang kaligayahan niya kesa sa girlfriend niya?!"
"Wait girls, hindi ba magfefebruary na? Hindi ba magkakaroon ng Valentine's Ball ang school natin?" tanong ni Sabrina
Ang dating mukhang malungkot ni Kiana ay naging masaya gayundin naman si Bianca.
"I almost forgot! Sa dami ng ginawa natin nakalimutan ko na 'yan!" sabi ni Bianca at nagnod naman si Kiana
"And ofcourse there will be a pageant," sabi ni Sabrina ng nakasmirk
"OMG! Oo nga pala! Nakakaexcite naman! Wait, ano nga ulit ang pageant?" tanong ni Bianca
"The pageant? The Search for The Valentine's King & Queen of Hearts," sagot ni Kiana
Inilabas ni Sabrina ang Iphone niya at hinanap agad ang calendar, "Okay, we still have 15 days left to prepare,"
"Si Queenie? Sa tingin niyo sasali siya?" tanong ni Bianca
"OMG, tinatanong pa ba 'yan? Of course sasali siya alam mo na pafamous effect," sagot ni Kiana
Pumasok na ulit sa school sila Sabrina, Kiana at Bianca. Sa third subject na sila nakaattend since napasarap ang stay nila sa Starbucks. Tahimik na nagtatake notes ang tatlo ng may biglang kumatok sa classroom, si Principal Willows.
"Good Morning, nandito ako para iannounce na magkakaroon ng botohan para sa magcacandidate sa pageant na 'The Valentine's King & Queen of Hearts'," wika ni Principal Willows at agad namang napuno ng bulungan ang classroom, mukhang lahat ay excited na malaman kung sino ang mga nominated.
"Geez, kung makapag react ang mga kaklase ko para namang mainonominate sila," bulong ni Sabrina sa kanyang sarili
Pumwesto sa unahan si Principal Willows at binuklat ang isang bond paper na maayos na nakatiklop sa loob ng kanyang pants. Sinuot niya na rin ang kanyang salamin, "Sabrina Anne Marie Guacali Filavesca, Kiana Cara Louise Sacrino Villadorte at Bianca Jane Gail Bellerotti Hariford," napa iling si Principal Willows "Bakit ba napakahaba ng mga pangalan niyo? Anyway, 'yan lang ang nominated dito sa section na ito. Bye, thank you sa time,"
Agad na lumapit ang kaklase nilang lalaki na isa sa mga photographer ng campus news paper nila, "Okay! Sabrina, Kiana and Bianca, picture please,"
Nagpapicture na ang tatlo at matapos ito ay nagdismissed na ang teacher nila. Pumunta na sila sa cafeteria para kumain ng lunch at umupo pa rin sila sa dati nilang pwesto.
"I'm super excited! Anyway, hindi na masyadong nakakaexcite since every year tayo ang nanonominate," sabi ni Bianca pagkaupo
"You think there's no excitement in this pageant? Paano kung sabihin ko sayo na nanominate din si Queenie?" wika ni Sabrina
"HELL NO," sabi ni Kiana na may mukhang hindi makapaniwala
"HELL YES," sagot naman ni Sabrina "I don't know nga kung bakit nanominate ang pangit na 'yun,"
"Talagang manonominate siya dahil si Sir Xander ang pumipili," wika ni Bianca
"What?! But that's unfair! Bakit siya lang?!" pagmamaktol ni Kiana
"And also isa sa tatlong judges si Sir Xander so, get ready na," sabi ni Bianca
Sumubo ng isang pirasong lettuce si Sabrina at pagkatapos niya itong lununin ay agad siyang nagsalita, "Pandaraya iyon! At dapat nga wala na sa school na ito yang Xander na 'yan, well, kailangan talaga isa sa atin ang manalo," uminom siya ng tubig and then she continues "I don't want to see her sitting on the throne at may crown pa!"
"Sinabi mo pa," sabi ni Bianca at Kiana
Pagkatapos kumain at matapos ang ilang subjects na inaattendan nila ay umuwi na agad sila. Hinatid ni Bianca sila Kiana at Sabrina sa kanya kanya nilang mga bahay. Si Sabrina naman ay agad na sinalubong ng kanyang Mommy,
"Who's the prettiest of them all?!" bati ng kanyang Mom
"Of course me!" sagot ni Sabrina sabay yakap sa Mom niya "Have you heard the news Mom? Isa ako sa mga nominated for the pageant!"
"Oo naman! Tinawagan ako agad ni Principal Willows tungkol dyan," sabi ng kanyang Mom, ang Principal kasi nila ay matalik na kaibigan ng Dad ni Sabrina, "Sab, I know you can win this pageant, okay? You have my full support!"
"Yes Mom and I know naman na you will give me your full support and I assure you ako ang mananalo sa pageant," sabi ni Sabrina ng nakasmirk
![](https://img.wattpad.com/cover/29006581-288-k477781.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Touch Us We're Famous (COMPLETED)
Chick-LitBITCHES ARE HERE! Sila Sabrina, Kiana at Bianca ang tatlong babaeng kilala at hinahangaan ng buong Greenveil University. Pero, paano kung makita nila ulit si Queenie? Ang babaeng nang agaw sakanilang mga dating kasintahan at ngayon ay nagmamataas at...