Chapter 6
Maagang nagising si Sabrina ngayong sabado upang simulan na ang paghahanda sa nalalapit na pageant.
"Take it easy," sabi sa kanya ng kanyang pinsan na si Jiro na nakahiga sa sofa nila Sabrina
"Easy?! What the hell do you mean by that? I need to win this pageant!" sabi ni Sabrina habang binibilisan ang pagtakbo sa treadmill
"Woah, easy missy! Sino bang kalaban mo sa pageant? First time mo maging ganyan kapraning ha?" tinanggal ni Jiro ang shades niya at pumasok sa loob ng mini gym galing kasi siyang balcony, oo may sofa sa balcony nila dahil billionaire ang pamilya nila Sabrina
"Just shut up, bakit di mo na lang ako i-cheer dito baka sakaling makatulong ka pa," sabi ni Sabrina
Nagslow clap naman si Jiro at ngumiti, "I love it kapag ganyan ka, when you lose your confidence over someone because you think that she can do better than you,"
Umalis sa treadmill si Sabrina at bago niya duro-duruin si Jiro ay biglang pumasok sa mini gym si Kiana, "Oops... I'm really sorry, akala ko si Sab lang ang nandito,"
"Come in Kiana, nakakainis kasi itong pinsan ko 'e," sabi ni Sabrina sabay beso beso kay Kiana "Where's Bianca?"
"Nagcr lang siya sandali," sagot ni Kiana at lumapit naman siya kay Jiro, "Hi Jiro, long time no see,"
"Long time no see din," pangiti ngiting sabi ni Jiro "So, how are you?"
"I'm fine, how about you?" tanong ni Kiana
Naupo bigla si Jiro sa malaking sofa sa may balcony, "Oh, you know napaka busy ng aking buhay, buisness here and buisness there after 2 days nga lang ay pupunta na akong Hongkong para sa isang buisness meeting,"
"Hey Jiro, pwedeng patayin mo 'yung aircon dito? Tamang tama na kasi 'yung kahanginan mo para malamigan kami 'e" pangbabara ni Sabrina habang nakapamewang pa
Napangiti naman si Jiro, "Mag exercise kana nga dyan! Ang taba ng braso mo!" hirit nito at agad naman siyang pinanglakihan ng mata ni Sabrina
Dumating na si Bianca at agad na napaupo sa sofa, "Such a stressful day!" sabi nito sabay tanggal ng kanyang mamahaling sun glasses
"Why? Anong nakakastress sa araw na ito maliban sa presence ni Jiro sa kwartong ito?" tanong ni Sabrina agad namang napailing si Jiro
"Si Finn kasi kailangan kong dalhin sa pet shop, ipapagroom," sabi ni Bianca sabay buntong hininga "You know naman na wala akong masyadong time at wala akong tiwala sa yaya ko baka lasunin niya pa ang aso ko."
Napangiti naman si Jiro at humarap kay Bianca, "You know sweetie-"
"OMG! Shut up! You're so gross! Just shut up, hindi na nga kita pinapansin Jiro 'e that means I don't want to talk to you." sabi ni Bianca ng nakataas ang isang kilay
"Okay, okay. Geez... Dyan na nga kayo girls, aalis na muna ako. Papayat ka pa Sabrina pangit mo," sabi ni Jiro ng nakangisi kay Sabrina "Kiana take care and Bianca sweetie take care din, love you,"
Umalis na si Jiro sa mini gym at magpapahinga pa daw siya dahil bukas ng maaga ay may pupuntahan siya. Natira na lamang ang tatlo sa gym.
"Allergic ako sa pinsan mo Sab! He is so creepy! Yucks! Kadiri!" iritang sabi ni Bianca
Hindi naman siya pinansin ni Sabrina at tuloy lang si Sabrina sa pagtakbo sa treadmil.
"Hey Sab, tumigil kana dyan isang oras kana kaya dyan, ako ang napapagod sayo," sabi ni Kiana habang kumakain ng strawberries
Itinigil ni Sabrina ang treadmil at pumunta sakanila habang nagpupunas ng pawis sa noo, "At kayo anong ginagawa niyo? Sitting pretty lang kayong dalawa dyan! What if matalo tayo ni Queenie? OMG! That will be a nightmare!"
Napatayo naman si Bianca, "Actually, may naisip kaming plano ni Kiana para siguradong manalo na tayo,"
"Ano 'yun? Sana sinabi mo na kanina," iritang sabi ni Sabrina at umupo na rin siya sa sofa at uminom ng malamig na tubig
"Here it is," sabi ni Kiana at lumapit siya ng pagkakaupo kila Bianca at Sabrina "Maglalagay tayo ng kuto sa buhok ni Queenie,"
"WHAT?" sabi ni Sabrina
"Yup, maglalagay tayo! Siguradong magkakagulo sa buong campus dahil pag uusapan ang magiging kutuhin na si Queenie at dahil doon ay mawawalan siya ng mga taga suporta," paliwanag ni Bianca
"OMG! Ang talino niyo! But, saan tayo hahanap ng kuto? Wala ako 'nun ha, kadiri," sabi ni Sabrina
"'E di sa mga maids mo?" suggestion ni Bianca
Mukha namang gulat na gulat si Sabrina, "A-Ano? May kuto ang mga maids ko?"
Nagpatawag ng isang general meeting si Sabrina sa loob ng malamansyong bahay. Nakahilera ang lahat ng mga kasambahay sa harap niya habang si Sabrina ay palakad lakad sa harap nila at ang dalawa niya namang kaibigan ay nakasandal lamang sa ding ding.
"May natanggap akong balita," panimula ni Sabrina "Karamihan daw sa inyo ay may nakakadiring parasitikong naninirahan sa inyong mga buhok!"
Lahat ay nagulat sa sinabi ng kanilang amo at agad na nagbulungan at nagtanungan kung sino iyon.
"Sino dito ang aminadong meron nga silang kuto?" tanong ni Sabrina "Geez, nandidiri ako sa salitang kuto!"
"S-Si Kathlyn po may kuto!" sumbong ng isa nilang kasambahay na may make up na napaka kapal
Napataas naman ang kilay ni Sabrina at unti-unting nilapitan si Kathlyn na nakayuko na lang at nanginginig sa takot, "Is it true Kathlyn? OMG! YOU ARE SO GROSS!" panglalait ni Sabrina at nagtawanan naman ang dalawa niyang kaibigan "Anyway ikuha mo ako ng dalawang kuto mo na nakakadiri at ilagay mo dito," inabot niya ang isang maliit na plastic container "Dapat lalaki at babae ha? At pagkatapos mong malagyan ay lumayas kana sa pamamahay ko."
Kinuha naman ni Kathlyn ang container ng mangiyak ngiyak at umalis na sila Sabrina, Kiana at Bianca para magpahangin sa may garden, "Sobra akong naiistress! Biruin mo 'yun? One of our maids has this fucking lice!"
Ilang saglit pa ay dumating na si Kathlyn at inabot ang container na may lamang kuto, "Ma'am sorry po."
"Ayoko ng sorry mo! Lumayas kana." madiin na sabi ni Sabrina agad namang tumakbo papasok ng bahay ang kasambahay upang kunin ang kanyang mga gamit
"This is it, mapapabagsak na talaga natin si Queenie." pangiti ngiting sabi ni Sabrina

BINABASA MO ANG
Don't Touch Us We're Famous (COMPLETED)
ChickLitBITCHES ARE HERE! Sila Sabrina, Kiana at Bianca ang tatlong babaeng kilala at hinahangaan ng buong Greenveil University. Pero, paano kung makita nila ulit si Queenie? Ang babaeng nang agaw sakanilang mga dating kasintahan at ngayon ay nagmamataas at...