Chapter 10
"Dumating na ba Mommy 'yung dress na inorder ko online?" tanong ni Kiana pagkakita niya sa kanyang Mommy na nanonood ng T.V
"Yes anak, eto 'o," sabi sakanya ng Mommy niya pagkaabot ng box kung saan naglalaman ng damit ni Kiana na gagamitin niya para sa pageant, "Anyway, three days nalang at pageant na, right?"
"Yes Mommy," sagot ni Kiana, "I have to go upstairs na kasi susukatin ko pa ito Mommy."
Umakyat na sa kwarto si Kiana at binuksan ang box, "Oh my God! I am so excited!"
Pagkabukas na pagkabukas ni Kiana ay tumambad sakanya ang kanyang mamahaling dress na inorder. Kulay asul ito at lace ang telang ginamit, napaka elegante nito tingnan at halatang mamahalin.
"OMG! THIS IS SO PERFECT," wika ni Kiana
Sila Bianca at Sabrina naman ay bumisita kila Kiana. Akmang magdodoor bell na si Bianca ngunit agad na bumukas ang napakalaking gate ng pamilya ni Kiana.
"You're here for Miss Kiana?" tanong ng isang butler na mukhang nasa 30's na
"Yes, nandyan po ba siya?" tanong ni Sabrina
"Oo nandito siya, ihahatid ko na kayo," sabi ng butler
Sumakay pa ng kotse sila Sabrina upang marating ang bahay nila Kiana, parang hindi na nga ito simpleng bahay dahil mala-mansyon na ito. Dumiretso na sila Sabrina at Bianca sa kwarto ni Kiana.
"Kiana, ano sa tingin mo ang oras na?" tanong na seryoso ni Bianca ng makita niya si Kiana
"Uuuhhh... bakit? It's 8:34am na!" gulat na gulat na sabi ni Kiana
Umupo naman si Sabrina sa mini sofa ni Kiana, "Yup, and we're late," sabi ni Sabrina
"OMG! Wait lang maliligo langako at magbibihis!" sabi ni Kiana at agad siyang pumunta sa C.R
***
Ipinark ni Sabrina ang kotse niyang kulay pink na sakay-sakay ang kanyang dalawang kaibigan. Pagkababang pagkababa nila ay agad na lumapit sakanila ang president ng school newspaper.
"Sabrina, Bianca at Kiana," tawag ni Judy ang president na kapwa nasa 4th year highschool na rin
"What?" sabay sabay na tanong ng tatlo
"Uuhh... kayo ang nasa front page ng newspaper natin ngayon," paliwanag ni Jody habang kinakagat kagat ang kanyang kuko niya na may nail polish na sira-sira na kulay orange
Kinuha ni Kiana ang bag niya sa kotse, si Bianca naman ay nagpamewang at si Sabrina naman ay tinaasan ng kilay si Judy.
"Alam naman namin na kami lagi ang front page ng newspaper 'e you don't need to inform us anymore," sabi ni Sabrina
"Pe-pero! Kasi 'yung nasa front page... ano kasi 'e... tingnan niyo na lang," sabi ni Judy sabay abot kay Sabrina ng newspaper at takbo
Tiningnan ni Bianca at Sabrina ang school newspaper at natahimik sila sa nakita nila.
"Tss... ano bang promblema ng babaeng iyon? Siguro insecure lang sa atin," sabi ni Kiana at ng hindi nagreact agad si Sabrina at Bianca ay kinilabit niya ito, "Hey! What's wrong!?"
"L-look Kiana," sabi ni Bianca sabay hila sa braso ni Kiana papalapit sakanya sabay turo sa front page
"Oh... my... God..." bulong ni Kiana ng mabasa niya ang headlines, "This can't be happening."
"This is so unreal," sabi ni Sabrina
"Girls, what are we going to do?! Sinisiraan nanaman tayo ni Queenie! And I can't believe it na ganito ang gagawin niya!" sabi ni Bianca
BINABASA MO ANG
Don't Touch Us We're Famous (COMPLETED)
Chick-LitBITCHES ARE HERE! Sila Sabrina, Kiana at Bianca ang tatlong babaeng kilala at hinahangaan ng buong Greenveil University. Pero, paano kung makita nila ulit si Queenie? Ang babaeng nang agaw sakanilang mga dating kasintahan at ngayon ay nagmamataas at...