Chapter 12

1.4K 55 10
                                    

Chapter 12

Binuksan ni Bianca ang pinto ng classroom at sama samang pumasok sila Sabrina, Kiana at Bianca.

"Napa aga ata tayo," puna ni Bianca pagkapasok nilang tatlo sa classroom, "Konti pa lang tayo."

Nagdabog papunta sa upuan si Kiana at nagsalita, "I told you! Sana nag SM muna tayo."

"Are you dumb Kiana? Kailan pa nagbukas ng ganito kaaga ang SM?" wika ni Sabrina pagkababa niya ng kanyang hermes na bag sa table niya

Inirapan ni Kiana si Sabrina, "Alam kong sarado pa, duh," palusot ni Kiana

Naglakad si Bianca patungo sakanyang upuan at naupo pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang paboritong lipgloss, "Ouch, ubos na nga pala 'yung lipgloss ko."

"Mamaya punta tayong SM bili tayo," sabi ni Sabrina ng nakangiti

Bigla namang may babaeng lumapit kay Bianca, kaklase nila ito at siya ay member ng fansclub ng tatlo.

"Uummm... A-Ate Bianc-" bago pa matapos ang sinasabi ng babae ay agad siyang siningitan ni Bianca

"Gosh, don't call me Ate kasi it makes me look older than you," sabi ni Bianca, "Miss na lang."

"So-Sorry po At- I mean! Miss Bianca! Ano po kasi..." sabi ng babae, "Alam niyo po fan na fan mo ako! Sobra! Kasi-"

Itinaas ni Bianca ang kanyang empty lipgloss, "Here's my lipgloss of care," nakangiti niyang sabi sa babae, "Oh! Look! It's fucking empty!"

"Uuhh... Hi girl, medjo bad trip ngayon si Bianca 'e," sabi ni Kiana sa babae na mukhang maluha luha na

"Tsk! Ano ba Bianca? Pwede bang magpakaplastic ka naman, pigilan mo inis mo," bulong ni Sabrina kay Bianca

"Oh well, I am sorry... Alam mo naman medjo nakakainis itong araw na ito, pati tuloy ikaw nasungitan ko," sabi ni Bianca nang nakasad face pa

Tumango naman ang babae at nagsalita, "Naiintindihan ko po, sige may pupuntahan pa ako thank you po sa time."

Nagroll eyes naman si Bianca pagkaalis ng babae, "Nasstress ako, wala na akong lipgloss!"

"Mamaya nga bibili tayo, by the way nabasa mo nga pala 'yung post ni Queenie?" tanong ni Kiana

"Saan? Sorry hindi ako stalker 'e," hirit ni Bianca

Nagroll eyes si Sabrina atsaka nagsalita, "Duh, ako rin naman hindi ako stalker ng pangit na 'yun but I can still see it."

Nanglaki naman ang mga mata ni Bianca, "Wait! Sa website ba 'yan ng school?"

"Yup!" sagot ni Kiana

Mayroong website ang Greenveil University, mala-facebook ito. May sarili kang profile, pwede kang mag upload ng pictures or magpost ng status o makipagchat pero ang website na iyon ay exclusive lang para sa mga estujante ng Greenveil University.

"So, anong pinost ng bitch na iyon?" tanong ni Bianca, habang inaayos ayos ang kanyang blonde na buhok.

"Wait, iniscreen shot ko iyon 'e," sabi ni Sabrina sabay labas ng Iphone niya at saka niya hinanap sa galery ng phone niya ang screen capture, "Eto 'o," sabi ni Sabrina sabay bigay niya ng kanyang Iphone kay Bianca

"Pabasa," sabi ni Kiana atsaka siya tumabi kay Bianca

Queenie: OMG! I can't wait na sa birthday party ko, sa mga invited ha? Aasahan kong aattend kayo ;) I'm super excited na talaga!

"WHAT THE HELL?!" sabi ni Bianca na mukhang inis na inis

"Feeling famous talaga 'yung lamang lupa ano?" sabi ni Sabrina sabay kuha ng phone niya sa kamay ni Bianca

Don't Touch Us We're Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon