Chapter 8
"OMG, you look so desperate Sab," sabi ni Bianca pagkakita niya kay Sabrina na may dala-dalang Krispy Kreme donuts "Itapon mo nga 'yan!"
Napatingin si Sabrina sakanyang dala-dalang box of donuts, "What? No! Hindi ko ito itatapon!"
Napa roll eyes naman si Kiana at nagpameywang inagaw niya bigla ang box at ibinigay sa namamalimos na batang nadaanan nila, "Okay, close topic."
Napahinto sa paglalakad si Sabrina at napatingin kay Kiana, "What the Fuuuck?! Bakit mo 'yun ginawa?!"
"Sab! Listen to me! You have to relax, ganyan kana ba talaga katakot kay Queenie na manalo sa pageant kaya mo susuhulan ang mga judges?" paliwanag ni Kiana
"No, sorry. I-I just... I feel..." hindi malaman ni Sabrina ang sasabihin niya napahawak na lamang ito sakanyang noo "Naiistress lang talaga ako."
Hinawakan ni Bianca si Sabrina sa braso at ganoon 'din naman ang ginawa ni Kiana sa isa pang braso ni Sabrina at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
"Everything is going to be fine," wika ni Bianca
"Yes, kahit na anong gawin ni Queenie hinding hindi siya mananalo sa pageant," sabi ni Kiana
Patuloy na silang naglakad papunta sa pet salon na pinag iwanan ni Bianca ng kanyang aso. Tahimik lamang ang paligid at maaliwalas ang daan.
"Sana hindi ako malate sa pagsundo kay Finn, kapag pa naman nalalate ako 'e sobrang nag aalala siya," sabi ni Bianca
"Kanina pang umaga mo pa ba siya iniwan?" tanong ni Kiana habang pinagmamasdan ang isang flower shop sa kabilang kalsada
"Yup, ang aga ko nga nagising 'e then after ko siya iwan doon dumiretso ako sa gym," sagot ni Bianca
Nakasalubong nila bigla si Carl ang president ng isang math club sa school. Kilala si Carl dahil sakanyang makapal na eyeglasses, braces at syempre sa galing nito sa Math.
"Sabrina! Kiana! Bianca! Hindi ko inaasahang makikita ko kayo dito!" tuwang-tuwang sabi ni Carl
Tiningnan ni Sabrina si Carl mula ulo hanggang paa at nagsalita, "Two words one finger, shut up or else I'll kill you."
Agad na nanglaki ang mata ni Carl at unti-unting naglakad backwards at tumakbo.
"I love that line," sabi ni Bianca
"Wait, napapagod na ako," sabi ni Kiana at huminto siya sa paglalakad "Ang layo pala ng pet salon na 'yan! Sana nagkotse nalang tayo."
"Kasi naman bakit ka ba kasi nakahigh heels dyan? Pwede ka namang mag sneakers na lang," wika ni Sabrina kay Kiana
"Oh sorry, hindi niyo naman kasi sinabi sa akin," sabi ni Kiana sabay roll-eyes at nagpatuloy na sila sa paglalakad
Ilang saglit lang ay natatanaw na nila ang pet salon ng biglang iistretched ni Sabrina ang dalawang braso niya upang pigilan ang dalawa niyang kaibigan na magpatuloy sa paglalakad.
"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" sabi ni Sabrina
"Hmm... alin?" tanong ni Kiana
"OMG! 'Yung kotse ni Queenie!" sigaw ni Bianca at agad siyang sinitsitan ni Sabrina
"Yup! Pero bakit nandyan 'yan?" sabi ni Sabrina
Binantayan nila ang kotse na nakahinto sa tapat ng pet salon at ilang saglit lang ay nakita nila si Queenie na lumabas ng pet salon hila hila ang leash ni Finn ang aso ni Bianca.
"OMFG! MY DOG!" sabi ni Bianca at ng susugurin niya na ito sana ay agad siyang pinigilan ni Sabrina, "Get off me! Si Finn!"
"Hey! Hey! Calm down! Tumawag na tayo ng taxi at susundan natin 'yan!" sabi ni Sabrina at agad naman siyang pumara ng taxi at sumakay na silang tatlo
"Kuya sundan niyo 'yung pink na kotse!" sabi ni Kiana pagkasakay "Dalian niyo!"
Agad na umandar na ang taxi at sinundan ang pink na kotse kung saan nakasakay si Queenie at ang aso ni Bianca, "OMG! I can't believe Queenie kidnapped my dog!" sabi ni Bianca ng mangiyak ngiyak "I hate her! I fucking hate her!"
"Hey, Bianca! Calm down! Masusundan din natin 'yan," sabi ni Kiana sabay pat sa shoulder ni Bianca
"How can I calm down?! My dog is in her car! Hindi ko alam kung saan niya dadalhin iyon! Malay mo nilalason na ni Queenie bitch ang aso ko!" sigaw ni Bianca
"Ma'am relax ka lang ha? Nakakatuliro ka kasi Ma'am 'e," balisang-balisang paliwanag ng driver na pawis na pawis na
"Ayan! Ayan! Lumiko siya!" sabi ni Sabrina sabay turo sa pink na kotse ni Queenie
"Mga Ma'am... Sandali lang po, ubos na gas ko," sabi ng driver
"WHAT THE HELL?!" sigaw ni Bianca at bago pa niya pagsusuntukin ang driver ay agad siyang pinigilan nila Sabrina
"Bianca! Ano ba?!" sigaw ni Sabrina
"Do you know kung sinong nasa loob ng kotse na pinapasundan ko sayo?! PAANDARIN MO ITONG TAXI! DUMBASS!" sigaw ni Bianca habang niyuyugyog ang tabi ng driver's seat
"Bianca! Relax! Ano ba? Wag mong sipain 'yan!" sigaw ni Kiana habang pilit na ibinababa ang paa ni Bianca na panay ang sipa sa upuan sa tabi ng driver's seat
"Ma'am! Wag niyo sipain!" sigaw ng driver, "Hindi ito aandar kasi walang gas!"
Agad na parang natauhan si Bianca at agad na umayos ng upo inayos niya rin ang kanyang blonde na buhok na kanina ay maayos na nakacurl, "Go, magpagas kana."
Matapos magpagas ay agad na sinundan na nila ulit ang kotse, "Ma'am dumiretso siya sa palengke."
"What are you waiting for? Go!" sabi ni Bianca sabay roll-eyes
Huminto ang taxi sa gilid ng isang stall kung saan may mga tinitindang gulay at prutas, "Dito na lang, how much?" tanong ni Kiana
Matapos nilang magbayad ay agad na rin silang bumaba sa taxi at nagtago. Pinanood nila si Queenie na ibaba si Finn mula sa kotse, "Fucking bitch!" sabi ni Bianca
Tinanggal na ni Queenie ang leash at ilang saglit pa ay umalis na ito at iniwan si Finn na tulala at nakasteady lang sa pwesto. Ilang saglit pa ay para bang nagmamarsya na sa pwesto ang aso at tumitingin sa mga taong dumadaan, nakakaramdam na ito ng kaba at pag aalala kung nasaan na siya at kung nasaan na ang kanyang amo.
"Let's go," sabi ni Kiana pagkaalis ng kotse ni Queenie
Tumawid na sila sa kalsada at agad na tumakbo si Bianca kay Finn at niyakap niya ito ganoon din naman ang aso niyakap si Bianca, "Baby, I'm sorry..." sabi ni Bianca "I'm sorry, I love you Finny! May masakit ba sayo? Sinaktan kaba ng pangit na unggoy na iyon?!"
Inabot ni Sabrina ang leash ni Finn kay Bianca at agad namang kinabit ni Bianca ang leash, "Tara na Finn."
Umalis na ang tatlo at pumara ulit ng taxi pauwi, "Buti nalang nakita natin agad si Queenie," sabi ni Kiana
"Oo nga 'e, hindi ko alam gagawin ko pag nawala si Finn sa akin," sabi ni Bianca habang yakap yakap si Finn "Oo nga pala, bukas na ang start ng practice, right?"
"Practice ng ano?" tanong ni Sabrina
"Come on! 'Yung practice ng rampa sa pageant?" sagot ni Bianca
Napagasp naman sila Sabrina at Kiana, "OMG! I almost forgot that! Sa sobrang dami ng nangyari ngayon nakalimutan ko na may pageant pa pala," sabi ni Kiana
"Magddress bukas right?" tanong ni Sabrina
"Yup! So, kailangan bongga ha? Ang alam ko kasi simula pa lang ng practice nandoon na ang judges at ginegrade na ang bawat candidates," paliwanag ni Bianca
"Okay girls, this is it! Kailangan bukas magmumukhang basahan si Queenie kapag katabi tayo okay?!" sabi ni Sabrina
"Okay! Let's show her kung anong itsura niya pagkatabi tayo, siguradong mangliliit siya," sabi ni Kiana ng nakataas ang isang kilay
***
Author's Note:
Hi! Everyone! I need 100 views, 15 votes and 3 update requests para ituloy ko itong story ko :)
Maraming Salamat! As soon as mareach na 'yung target para ituloy ko yung story na ito agad agad na akong mag uupdate! Promise :D
BINABASA MO ANG
Don't Touch Us We're Famous (COMPLETED)
Romanzi rosa / ChickLitBITCHES ARE HERE! Sila Sabrina, Kiana at Bianca ang tatlong babaeng kilala at hinahangaan ng buong Greenveil University. Pero, paano kung makita nila ulit si Queenie? Ang babaeng nang agaw sakanilang mga dating kasintahan at ngayon ay nagmamataas at...