Chapter 17: The Past (Part 2)

25 6 12
                                    

"Mali ka kumpadre. Hindi natin alam kung kalian tayo tatraydurin ng mga hampas-lupang iyan. Mas mabuti pa na maunahan natin sila."

Sa kabilang banda, masayang umuwi ang ama ni Felicita sa kanilang tahanan upang ipamalita na nakabuo na siya ng mapayapang kasunduan sa mga magsasaka. Kapwa pumayag ang dalawang panig sa mga kondisyon na kanilang inilatag kaya naman mabilis nilang natapos ang pag-uusap. Nagpadala siya ng tao upang sabihin din ito sa mga Claveria.

Ngunit itinuloy pa rin ng pinuno ng mga Claveria ang maitim nitong balak. Victor was aware of all of that. He was there when his father was ordering his men to secretly plant the bombs and he remained silent. He didn't contribute any ideas but he also didn't try to stop his father from what he is planning.

But he did send a letter addressed to Alamid, telling the farmer's child to meet him in a particular lake at the time specified on the piece of paper. Alamid find that odd because they had never hangout with just the two of them but he just went there thinking that maybe his friend would tell him something important.

Walang kaalam-alam si Felicita sa mga magaganap ng gabing iyon.

While she was busy writing a poem that night, she heard a loud explosion coming from the nipa huts of the farmers. Soon after, a huge fire started eating up everything that could bee seen from there.

She came down as fast as she could from their house. She was about to steal her father's horse when someone had stopped her.

"Felicita anong binabalak mong gawin?" That was Victor.

"Mabuti na lamang at dumating ka! Halika, samahan mo akong magtungo sa tirahan ni Alamid. Natatakot ako na baka kung ano nang nangyari sa kanya." Felicita was trembling from fear that time-fear that her lover would be one of the casualties from the tragedy and a pained heart for all those who have been victimized by such. 'Sino naman kayang halang ang kaluluwa ang gagawa nito sa mga magsasaka?'

"Sandali lamang, Felicita. Huminahon ka." Pagpapakalma sa dalaga ni Victor ngunit bawat segundo na lumilipas na hindi niya nakikitang ligtas ang kanyang kasintahan ay mas lalo lamang nadaragdagan ang kanyang takot at kaba.

"PAANO KO NAMAN MAGAGAWANG HUMINAHON KUNG ALAM KONG NAROON SA PELIGROSONG LUGAR ANG LALAKING AKING MINAMAHAL?" Pagsigaw ng dalaga kay Victor na puno ng pag-aalala ang mata.

"Huminahon ka sapagkat sigurado akong wala roon si Alamid dahil pinapunta ko siya sa isang ligtas na lugar." Pagpapaliwanag ng binata. Nahimasmasan naman ng kaunti ang dalaga sa narinig.

"Kung gayon...alam mo na mayroong magaganap na ganito sa kabila ng mapayapang pakikipagkasundo ng aking ama sa mga magsasaka? Ang ama mo ba ang nagplano nito, Victor? At higit sa lahat, tinulungan mo siya?" May poot sa bawat binibigkas na salita ng dalaga.

"Oo naroon ako ngunit hindi ko naman s'ya tinulungan. Isa pa, gumawa rin ako ng paraan upang hindi madamay si Alamid."

"Hindi mo nga s'ya tinulungan ngunit hindi mo rin siya pinigilan? Anong klase kang kaibigan? Naatim mo na mawalan ng pamilya at kamag-anak si Alamid? ANONG KLASE KAYONG TAO? O TAO PA BA KAYONG MAITUTURING? Ginawa ng ama ko ang makakaya n'ya upang maiwasan ang ganitong pangyayari ngunit anong ginawa n'yo? Yaman at kapangyarihan na lang ba talaga ang mahalaga para-"

The girl's speech was interrupted when she noticed that some civil guards are quietly making their way into the farmer's camp, not being seen by others because of the huge commotion.

"Hindi mo na pala ako kailangang samahan Victor. Hahanapin kong mag-isa si Alamid. Mula ngayon, 'wag na 'wag mo na akong kakausapin. Hindi ko masisikmurang makita pa ang pagmumukha mo."

Hey, Cupid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon