Chapter 3

20 0 0
                                    

Balak ko na sanang hindi replyan si Primo kaso baka akalain naman niya ay ang snob ko kaya nireplyan ko na lamang den

"Hello Primo ! " reply ko pa sa kaniya , maya maya ay iseen na lamang niya iyun kaya naman naisipan ko na lamang mag sorry sa kagagahan ng kaibigan ko kanina " Uy Primo , pag pasensyahan mona si Yuki ah sadya lamang ganun yun mapagbiro " dagdag ko pa

Maya maya ang nag reply na siya " Ah okay lang yun . " napakaikli naman yatang mag reply nitong si Primo jusq dai , nag isip pa lamang ako ng sasabihin ng bigla ulit siya nag reply

" Saka alam ko naman na biruan lamang yun hindi ko kailangan mapikon lalo na't babae yun " dadag pa niya

Ah sus mabait naman pala itong si Primo e akala ko kase masungit alam mo yun halos lahat ng mga reply niya sa group na yun may tuldok letse , akala ko talaga masungit to e hari den to ng mga tuldok ata

" HAHAHAHAHAHAHAHAHHAAH ay sus akala ko talaga masungit ka e , lagi ka kasing nag tutuldok parang galit o kung ano " reply ko pa

"Hindi lahat ng nag tutuldok galit , malay mo trip lang nila , masyado kang judgemental e ." reply pa niya , jusq ano ba naman ito akala ko lang naman pero para talaga siyang galit , ano ba naman yan Angel kung ano ano iniisip dahil sa tuldok na yan

"Ah sorry na HHAHAHAHAA akala ko lang naman e " reply ko pa

" Mali ang akala mo Ms. Gonzales " WOW PUTCHA na yan ha mala prof pala dating nitong si Primo e

" AH SORRY HO SIR AH " reply ko pa sa kanya nakakahiya naman dito kay Primo e , alam ba niya ang akala , pero syempre gusto ko pa den to maging kaibigan

" So friends ?" dagdag ko pa , naka ilang minute na ay wala pa den itong reply , siguro madame ding kausap to no ? o kaya naman may ginagawa to , nag offline na lamang din ako at nag simula ng pag aralan yung pinapagawa sa akin ni Dad , masyado tong masakit sa ulo ni wala akong maintindihan dito ang nasa utak ko ngayon ay makalabas o makagala kasama ng mga kaibigan ko din

Pasadong Alas 6 ng gabi ng tinawag na ako para sa hapunan , pag baba na pag baba ko pa lamang ng hagdaan ay nakita ko si daddy na may kinakausap sa sala , ang akala ko ba ay kakain na agad akong dumiretso sa kusina at dun ko nakita si mommy na nakaupo at hinintay ako

" Ma , tayo lang ang kakain paano si daddy ?" tanong ko pa sa kanya

" Hindi makakasabay ang Daddy mo kita mo naman may kausap pa , kaya kumain kana diyan " pilit ngiti niyang saad , napabuntong hininga na lamang ako , simula kasi ng lumago ang negosyo naming at naggng kilala ay madalas na walang oras sa amin si Daddy , saka lamang siya naandito pag may kalokohan ako o ano , hindi na den naming siya nakakasama kumain siguro kung makakasama man ay pag maaga siyang umuwe , wala den kaming bonding time mag ama hindi katulad ng dati

Natapos na lamang ako pagkain at umakyat na sa aking kwarto para mag handa na sa pagtulog , wala naman ako masyadong gagawen ngayon saka hindi ko talaga maintindihan ang pinapaaral sa akin ni Daddy , bahala na

Pag pasok ko sa aking kwarto ay kumuha ako ng damit na pang tulog at nag punta ng banyo para makapaglinis ng katawan

Habang ako ay nag toothbrush napapaisip ako kung nag reply na kaya si Primo ? kaya naman dali dali akong nag ayos ng katawan at nagbalik sa aking kwarto at saka nahiga , binuksan ko ang aking cellphone at tininganan kung nag reply na ito , pero wala pa den , chineck ko na lamang ang group namen , nag iingay naman siya dun pero ako hindi nireplyan baka ayaw niya ako maging kaibigan bahala siya , nag offline na lamang ako at natulog

Nagising ako sa yugyog ni mommy , pinababa niya ako , gusto daw ako makausap ni dad , pamihadong tungkol ito sa paaralan na gusto kung pasukan this senior high , sana ay pumayag siya na mag UST na lamang ako , nag ayos ako at bumaba , uupo pa lamang ako ng bigla itong nag tanong

" Kumusta ang pinapaaral ko sa iyo naintindihan mo naman ba ? "tanong niya , pag sinabe kung hindi ay mapapahamak ako lalo nito ,kinakabahan talaga ako pag si Dad na masyadong mataas expectation's niya sa aken

" A-ah o-opo Dad "kinakabahang sagot ko

" Mabuti naman kung ganun , Nakapili ka na ba ng school na gusto mong pasukan ngayong Senior High kana ? " tanong pa ulit niya , mas lalo ako kinabahan baka kase hindi pumayag si dad

" Sa ano po ....."

"Sa ? "

"S-sa UST k-ko po b-balak pumasok sana " kinakabahang sambit ko , SHITTT sana pumayag , sana pumayag

" UST , sure ka na ba ?" tanong pa ni dad

"Y-yes po " sana pumayag talaga , sana pumayag

" Sige kung yan ang gusto mo " pagpayag pa niya , yes ! yes yes !

" T-talaga dad ?" naniniguradong tanong ko pa

"hmm" sagot pa niya , dahil sa sobrang saya ko ay napatayo at niyakap siya , yes sa wakas , bumalik na ako sa aking upuan at tinapos ang aking pagkain , excited akong sabihin to kay Yuri omg omg !

Pag katapos kong kumain ay agad akong umakyat ng kwarto ko para maibalita ito kay Yuri , pero bago ko pa man maibalita kay Yuri napansin ko ang notif ko sa tg , nag reply kaya si Primo , kaya naman tiningnan ko muna iyun

Nagreply na si Primo , at hindi lang yun minention niya ako ng ilang beses sa group namen para mag sorry kase natagalan siyang iseen ako , kaya naman panay ang galaw sa kanya ni Yuki

" Ikaw Primo ah , akala ko ba ako ang bet mo baket si Angel ang minemention mo diyan WHHHAHAHAHAHAH nagtataksil ka HAHAHAA " sabe ni Yuki duon , siraulo talaga , sa halip na replyan ang group ay sa dm na lamang ako nag reply

"Ayos lang yun saka baka busy ka den atleast friends " maya maya ay nag seen agad siya

" Ofc angel , friends hahaha " reply pa niya

" Oh maalam ka palang tumawa HAHAHAH akala ko kase puro tuldok at pagsusungit ang alam "

" ayan ka nanaman judgemental ka lagi hahaha maalam naman akong tumawa " sagot pa niya , mag rereply na sana ako ng nalala ko ang ibabalita ko kay Yuri

" Uhm Primo usap tayo mamaya ah may sasabihin lamang ako sa kaibigan ko " pagpapaalam ko

" Sure , Intayin kita usap later Miss Gonzales "

" Sige brb prof primo WHAHAHAHHAHA " agad agad kung tinawagan si Yuri para ibalita sa kaniya ang magandang balita , naka ilang ring pa bago niya ako sagutin

" HOOOOOOOYYYYYYYY MAYYYY SASASABIHINNNNN AKOOOOOO " excited na excited kong sabi

" Ano yun ? " takang tanong pa niya

"SA UST NA DENNNN AKOOOOOOOOOO !!!!!! " masayang sambit ko pa

" OMGGGGGGGGGGGGGGGG !!!!! OMMMMGGGGGG!!!! " nailayo ko ang aking cellphone sa aking tenga nakakabingi masyado

"OMGGG MAGKAKASAMA TAYO " dagdag pa niya

"ikr WHAHAHAHAHAH excited na ako " sabe ko pa sa kanya

" AKOOO DENNNNNN !!! " halatang masayang sambit niya , madame pa kaming napagusapan bago kame nag paalam sa isat isa , dinadalaw na ako ng antok kayat nag linis na lamang ako ng katawan at natulog . 

Unexpectedly Where stories live. Discover now