Simula

2.2K 73 52
                                    


SIMULA

"GULF! OPEN THIS GODDAMN DOOR!"

Nagising ako sa lakas ng sigaw na iyon. Pilit kong iminulat ang magang-maga na mga mata ko. Nakatulog pala ako rito sa sala. At ang asawa ko, sumisigaw sa labas. Lagot na naman ako.

"Gulf! Tangina, sabing buksan mo ang pinto!" Muli na namang kumalabog ang pintuan na halos wasakin na niya ito.

Natauhan ako dahil sa lakas nun. Nagmadali kong binuksan ang pintuan. Pagbukas ko tumambad saken ang nag-aapoy sa galit ang asawa ko. Hindi ko kinaya ang masamang titig niya sa akin kaya umiwas ako nang tingin. Naaamoy ko rin iyong pinaghalong alak at sigarilyo sa kaniya. Ang tapang nang amoy niya. Naglasing na naman siya.

Hindi naman madalas naglalasing ang asawa ko. Tsaka lang ito nagbi-bisyo kapag may mga bagay na namumuot sa dibdib niya o kaya mga bagay na nais niyang kalimutan.

"Did I tell you not to close this damn door, bingi kaba?"

Nabigla ako nang bigla niya akong daklutin sa braso. Ang higpit ng hawak niya saken kung kaya't nasasaktan ako.

"I'm sorry, akala ko kasi hindi ka uuwi." Malumanay kong sagot.

Kanina pa ako naghihintay sa kaniya dahil sinabi niyang uuwi siya nang maaga. Hindi ko naman inaasahan na iyong umaga sa kaniya ay madaling araw na.

"Bobo kaba?! Kapag sinabi kong uuwi ako, uuwi ako! Kahit kelan hindi mo talaga ginagamit 'yang utak mo! Wala kang silbi!"

Parang binibiyak ang puso ko nang marinig ko sa kaniya 'yon. Asawa niya ako pero nakakaya niyang isigaw saken 'yon.

Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko habang nakatitig ako sa malamig na tingin ng asawa ko.

"Mew, honey."

Hindi ako nakasagot nang may magsalita sa likuran ni Mew. Nang lingunin ko ito ay laking gulat ko nang makita ko ang bagong hired na secretary ni Mew sa kompanya namin ito.

Babae siya. Anong ginagawa niya rito? Dis-oras na nang gabi at wala sa rules ng kompanya namin ang mag-over time?

Don't tell me... NO!

But she called my husband, honey? Was it kind of endearment? Bakit may tawagan silang ganun? Boss niya ang asawa ko dapat tawagin siya nito sa desenteng paraan dahil employer lang ito?

Lumapit sa amin ang babae at maarteng tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Nginisihan niya ako agad sabay baling ang tingin niya sa asawa ko. Ibang klaseng tingin ang ipinukol niya sa asawa ko.

"Oh honey, hindi ko alam na dito pala tumutuloy ang mga trabahador mo." Sabi niya na sa akin na siya nakatingin ngayon.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Trabahador? Hindi man lang siyang nahiya na tawagin ako sa ganung estado gayon nasa teritoryo ko siya. Wala siyang karapatang sabihin 'yon saken dahil asawa ako ng kasama niya. Puwede korin siyang sisentahin dahil sa pambabastos niya sa akin.

Kung ako lang ang masusunod. Pero hindi. Alam kong magagalit sa akin ang asawa ko. Natatakot ako na baka dahil lang dun ay magawa niya akong layasan at tuluyan akong hiwalayan.

A Husband's Suffer | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon