Kabanata 1

1K 85 56
                                    

WHEN IT ALL STARTED

NAGISING ako sa dalawang malalambot na kamay na humahaplos sa pisngi ko. Sa pag-angat ko ng tingin bumungad saken ang maliit na mukhang sobrang nag-aalala saken.

"DADA, why are you crying again?" Mababakas ang lungkot sa kaniyang boses.

It's Emjie. Our adopted son.

Emjhie kasi sa letrang MG. Unang letra ng pangalan namin ni Mew.

Bata palang siya inampon na namin ni Mama para naman may masabi siyang apo na galing sa amin ni Mew. And I'm really thankful to have a son like him kahit adopted lang siya. For me, he's a blessing. A miracle. Naging magaan ang loob ko sa kaniya kaya kahit hindi ako sanay mag-alaga ng bata, tinanggap ko siya.

Tinuring ko siyang totoong anak habang 'yong ama niya, ilang taon na niya itong kasama ngunit wala parin sa kaniya ang bata. Kahit ang panisin lamang ito at tawaging son o anak ay hindi niya magawa. Siguro dahil hindi siya galing sa genes ni Mew kaya hindi niya ito matanggap nang basta basta. Hindi niya ito kadugo.

Alam kong hindi namin kadugo o galing sa laman si Emjie pero para saakin, handa kong gawin ang lahat para maging legal ang lahat. Pati sa pangalan ginawa kong legal para matawag kong anak namin siya.

Naging legal nga ako na asawa ni Mew, ito pa kaya.

Nagawa ko'yon dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya. Minsan, kahit anong pigil mo sa ibang bagay na 'wag gawin pero madalas tukso ang puso natin. Nababaliw tayo sa sobrang pagmamahal. Dahil dun nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyari.

Sinira ko ang buhay niya mula nang maging legal na asawa ko siya. Kasalanan ko, inaako ko naman. Tiniis ko lahat ng paghihirap ko bilang asawa niya dahil nga, baliw ako sa pag-ibig. Uhaw ako sa pagmamahal niya. Kailangan ko siya. Gusto ko mang matawa pero totoo, masarap sa pakiramdam makasama ang taong minamahal mo ng lubusan.

Kahit lasang tanga na minsan. Ayos lang. Mahal mo, e. Ano pabang magagawa mo kung tinamaan kana ng husto ng pana ni Kupido.

"Dada, please don't cry. I will always be here, okay? I will never leave you, Dada. Emjie will always be here, will loves you forever." Sabi pa nang anak ko.

Natauhan naman ako. Pilit na ngiti ang ibinaling ko sa anak ko tsaka korin siya hinawakan sa mukha.

Binibiyak ang puso ko kapag nakikita kong malungkot ang anak ko. Hangga't maaari ayokong ipadama sa kaniya ang labis na kalungkutan dahil ilang taon siyang nakadama nun noong nasa bahay-ampunan palang ito.

"Gusto moba malaman kung bakit umiiyak si Dada?" tanong ko sa anak ko. Tumango siya. "Kasi masaya akong nandiyan ka, anak." Naramdaman kong muli ang panunubig ng mga mata ko, "I know you will always be there for me and you will never leave me. Masaya ako kasi dumating ka sa buhay namin ng daddy mo." Pinilit ko ang sarili kong 'wag lumuha sa harapan ng anak ko.

"But daddy didn't loves me. He never did, Dada." malungkot na saad nang anak ko.

Parang may kung anong matulis na bagay na dumiin sa dibdib ko nang makita ko kung gaano kalungkot ang anak ko nang sabihin niya iyon.

Hinaplos ko ang mukha ng anak ko, "Anak don't say that. Daddy loves you. He did. You know that your Daddy is always busy, right? Sobrang busy siya sa trabaho at pagod lang siya umuuwi kaya nawawalan siya ng oras sayo-sa ating dalawa. But daddy really loves you. Okay?"

A Husband's Suffer | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon