Kabanata 3

629 75 46
                                    

AN: Support lang ang hinihingi ko para tuluyan ng magbago si Gulf. Charot. Kindly comment vote and comment. 'Yun kasi ang tanging paraan para magsipag akong isulat 'to. Huhu.

--

Tuluyang Pagkadurog

"Dada." Tumakbo si Emjie ng makita akong papasok ng bahay. Napaluhod naman ako para saluhin ang yakap ng anak ko.

Gaya ng ginagawa niya, hinalikan niya ako sa lahat ng partes sa mukha ko.

"How's my baby? Behave din ba gaya ng sinabi ni Dada?" tanong ko kay Emjie.

Tumango siya, "Opo. We made so much fun, Dada. Granny told me a story about you when you're at my age. She even told me that your so cute, pareho daw po tayong kyut, Dada. Granny is really a good story teller, Dada. And I want more about you, Dada."

Bagama't nabigla ako sa sinabi ni Emjie, ngumiti nalang ako sabay gulo ng buhok nito.

"Hayaan mo, ku-kuwentuhan kita para mas makilala mo si Dada."

"Yehey! Talaga po?" tumango ako. "Kuwento niyo rin po saken Dada kung paano kayo ikinasal ni Daddy, ah. Gustong gusto kopong malaman 'yung love story niyo."

Nawala 'yung ngiti ko. Naramdaman kona lang na kumirot iyong dibdib ko dala ng nakaraan na pilit kong kalimutan. Ang nakaraan na naging dahilan ng pagbabago ng lahat kasama na doon ang ugali ng asawa ko. Ang sakit pala isipin. Tanaw ko sa aking sistema ang nagawa kong katangahan.

Mali ang pinili kong landas. Mali ang matali ako sa kasalang hindi naman ako 'yung mahal ng mahal ko. Nagpadalos dalos ako sa kagustuhan ko na naging dahilan para mas mapalayo ang mga mahal ko.

Sana, hindi kona lang inisip ang bagay na iyon. Sana, bago ko maisip na gawin iyon ay tumatak na sa puso't isipan ko na marami din akong masasaktan.

Tama si Mew, makasarili akong tao. Wala na akong ibang inisip kundi ang ikakasiya ko. Sarili kong kapakanan lang ang inaatupag ko.

May naramdaman akong malambot na kamay na humaplos sa mukha ko. Natauhan ako ng makita ko ang anak kong ngumingiti sa harapan ko at kitang kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya na hindi ko makita kay Mew.

I smiled back just to ease the pain inside. Pinigilan ko ang sarili kong 'wag umiyak sa harapan ni Emjie.

"Of course, sweety." Then, I hugged him.

Doon ko pinahid 'yung luha sa mata ko. Hindi ko namamalayan na naluha na pala ako.

Kailangan kong maging matatag para sa anak ko. Kahit siya lang, kahit alam kong darating 'yung araw na mawawala saken si Mew. Handa kong tanggapin kapag dumating iyong panahon na handa kona siyang palayain.

Basta 'wag lang mawala ang anak ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala pa si Emjie sa buhay ko.

Narinig kong tumikhim si Bright sa likuran ko.

"Tito Handsome!" Natutuwang sigaw ni Emjie ng makita si Bright.

Bigla ay tumakbo ito at mabilis na tumalon kay Bright para yakapin ito. Nabitawan naman ni Bright ang mga paper bags na bitbit niya at mahigpit ding niyakap si Emjie.

"Yes, son. Ako nga, wala ng iba."

"Na-miss po kita ng sobra, Tito Handsome. Antagal niyo na pong hindi namamasyal dito sa bahay. Akala kopo ayaw niyo na sa akin." Lumungkot ang boses ni Emjie sa huling sinabi niya.

Hinaplos naman ni Bright ang ulo ni Emjie tsaka ngumiti ng matamis, "Anong ayaw? Who told you that, son? Papakulong natin."

Umiling si Emjie, "Ako po. Papakulong niyo po ba ako?"

A Husband's Suffer | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon