Kabanata 5

761 81 61
                                    

AN: Ang inyong komento at pagboto ay nagpapakita ng suporta para maipagpatuloy ang kuwentong ito. Kung wala, walang susunod na kabanata. Balakayojan. Haha.

---

Decision

Gulf

PAGISING KO, bumungad sa akin ang puting kisame at mga dingding. May nakatusok sa aking kamay. Doon ko napagtantong wala pala ako sa bahay, nasa hospital ako.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Kung sinuman ang nagdala saken dito. Wala kasi akong maalala bukod doon sa mga nasaksihan ko.

He's back.

"Buhay kapa pala. Akala ko patay kana, tatawagan kona sana ang St. Peter," ani ng pamilyar na boses.

Lumingon ako sa lalaking kapapasok lang. Nakangisi ito saken pero bakas sa mata niya ang awa.

"Win," nakangiti kong tawag sa pangalan niya.

Tuluyan siyang lumapit saken saka ako niyakap. I hug him back. Gusto ko sanang umiyak kaso ayoko naman na makita niya akong nasasaktan.

"It's been a long time, na-miss kita." Aniya in between our hugs.

"Ako rin." Ngiting tugon ko. "Paano ka napunta rito?"

Sa pagkakaalala ko sobrang busy si Win dahil sa dami ng kasong pinagkakaabahalan niya.

Kumalas siya, "Someone is calling me over the phone, hindi ko malaman kung sino pero sinabi niya sakin na nandito ka sa hospital. Ayoko sanang maniwala kasi uso ang budol budol gang ngayon pero pumunta parin ako. Kilala ko naman ang hospital na'to kaya ayun, hindi na ako nag-dalawang isip na pumunta rito."

Biglang nalukot ang mukha ko sa nalaman. Hindi ko alam pero may ideya ako sa taong 'yon. Siya ang naghatid saken dito at hindi ang asawa ko.

Narinig kong ngumisi si Win, "Sa ganiyang hitsura mo alam kong may problema ka. Ayoko sanang tanungin pero kamusta pala ang buhay may asawa? May nagbago ba?"

Nagulat ako sa biglaang tanong ni Win. Mataman ko siyang tinignan. Seryoso parin siya habang hinihintay ang sagot ko.

Huminga ako ng malalim tsaka nagkibit balikat. "Ayos lang naman," pagsisinungaling ko.

Ngumisi si Win, "That's not a very good answer. Kilala kita, Gulf. Kilala korin ang ugali ng asawa mo. Kahit matagal na tayong 'di nagkikita, mata mo palang alam ko ng nahihirapan kana." Himig ko ang namumuong tensyon sa tono ng boses ni Win.

Yumuko ako, "Mahal ko ang asawa ko, Win. Alam mo 'yon." Malungkot kong sabi, gusto ko ulit umiyak pero walang namuong luha sa mata ko.

"Mahal kaba niya?"

Doon na uli ako nasaktan. Tila bombang sumabog sa harapan ko ang katanungang iyon. Mahal ko siya pero hindi niya ako mahal. Ang sakit lang.

"Sorry to pranked you, Gulf! Pero ang tanga tanga mo! Sa sobrang katangahan mo puwede ka nang gawan ng rebulto pamalit sa rebulto ni Jose Rizal para naman magkaroon ng kalayaan mag-celebrate ang mga martir na katulad mo!" Aniya sa masungit na boses.

Napayuko nalang ako. Masakit mang isipin pero tama lahat ng sinabi ni Win.

"Pinabayaan mo ang sarili mo dahil sa taong 'yon!" Pagpapatuloy niya, "Look at yourself, muntikan mo nang patayin ang sarili mo dahil sa ka-walang hiyaan na ginawa ng asawa mo!"

Tinignan ko ang kanang kamay ko. Nakita kong nabendahan iyon ng puting tela. Nalipat ang tingin ko sa pulso ko na bakas din ang sugat doon.

Tumulo ang luha ko sa bagay na nasaksihan ko. Muntikan ko nang patayin ang sarili ko dahil sa labis na pagmamahal ko sa asawa ko.

A Husband's Suffer | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon