Kabanata 6

796 74 33
                                    

AN: Alam kong iba-iba ang hangarin niyo sa plot ng story, maaaring hindi niyo magugustuhan 'to at ang mga susunod pa pero hindi ko kayo masisisi. Ayokong baguhin yung old plot nito dahil dun ako mas kumportable.

Happy reading. Vote and comment. Ehehe.

----

Surprises

GULF

IPINIKIT kong mabuti ang mga mata ko. Andaming gumugulo sa isipan ko. Naging maayos na kanina lahat, bakit tila gusto kong umatras. Naalala ko 'yung sinabi saken ni Win ng sabihin ko sa kan'ya na gusto ko nang annulment.

"Hindi madali ang hinihiling mo, Gulf. Alam kong nahihirapan kana sa sitwasyon n'yong mag-asawa. Pero ang annulment, hindi 'yon ang natatanging solusyon para mapalaya n'yo ang isa't isa. Mahirap dahil maraming proseso. Marami kang matatamaan. Isipin mo 'yong makakabuti sa lahat lalo na sa sarili mo. Mahal mopa rin ang asawa mo, at sa palagay ko, kahit papa'no may pagmamahal parin na natitira sa'yo ang asawa mo, 'di niya lang alam kung pa'no n'ya ipapakita at ipadama sa'yo 'yun dahil sa malat ng nakaraan n'yo. Oras at panahon ang kailangan. Palayain n'yo muna ang isa't isa, buuin niyo muna ang sarili n'yo, kapag buo na kayo at na-realize n'yong hindi n'yo na kailangan ang isa't isa, tsaka n'yo na gawin ang annulment at magsimula muli."

Patuloy parin akong binabagabag nun. Buo na ang desisyon ko, eh. Ayoko na. Mahirap bang intindihin 'yun. Pagod na ako. P'wedeng sarili ko naman ang isipin ko?

Kaso, at some point, sa palagay ko, tama si Win. Hindi naman n'ya sasabihin 'yon kung hindi makakabuti saken 'yon. Magiting na lawyer pa ang gaga.

Una kong naisip, ang sarili ko. Unang pagkakataon palang, puro kapakanan kona lang ang iniisip ko. Makasarili akong tao. Gusto ko palaging sarili kona lang. Ginusto korin naman 'to, kaya dapat kong panindigan ang desisyong nagawa ko. Mahal na mahal ko si Mew, kung oras at panahon ang kailangan para mapalaya ko siya sa bagay na alam kong makakapag-pasaya sa kan'ya, ibibigay ko. Para narin sa sarili ko. Gusto koring maging maayos ako, maging buo uli ako. Tama nga si Win. You can't plan destiny.

Ang asawa ko. Alam kong nahihirapan siya. Kitang kita ko kung paaano siya nahihirapan sa piling ko. Nagtitiis s'yang makasama ako kahit napapagod na s'yang pakisamahan ako. Nanatili parin s'ya sa tabi ko. Hindi rin naman naging madali ang magpatawad sa nagawa ko. Kung ako lang naman ang nasa posisyon ng asawa ko, masasaktan ako ng sobra dahil nawala na parang bula nalang ang pinangarap kong tao na tinuring ko nang mundo ko.

Si Mama. Kaya ba s'ya pumayag sa arrange marriage na'to dahil alam n'yang mahal ko ang asawa ko at nakikita n'ya na si Mew ang makakapag-pasaya saken? Bata palang ako, lahat ng gusto nila ginawa ko. Kahit hirap na ako. Kaya ba n'ya ginawa 'yon para sa ikakabuti ko sa future? Mahal ba nila ako o ako lang 'yong hindi nakadama ng pagmamahal nila ni Lolo saken? Kapag may mali akong nagagawa, big deal 'yun sa kanila. Paano nalang 'tong annulment, kapag nalaman nila, alam kong hindi nila ako papayagan.

Pamilya. Maraming ma-a-apektuhan kapag ipinagpatuloy ko'to. Mawawala na naman ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya namin lalo na 'yung pagod na inilaan ng asawa ko ng ilang taon makabangon lang ang kumpanya namin. Tapos ngayon, mauulit na naman. Na ako na naman ang dahilan. Andami ko nang ginawang hindi tama pero ang asawa ko 'yung sumalo. The mere fact na sinira ko ang buhay n'ya pero s'ya parin ang umaako at gumagawa ng paraan para sa mga bagay na maling nagawa ko.

Ang kompanya. Tanda kopa ang mga araw na iyon. Tila isang bangungot na hanggang ngayon hindi parin natatapos. Ang multo ng nakaraan, bumabalik na naman ngayon. Tama bang isipin ko ang sarili kong kapakanan kung marami na naman ang ma-a-apektuhan? Tama ba na iwan ko ang asawa ko at pabayaan na mag-konsomisyon sa problema ng kumpanya? Nung panahong kailangan ko s'ya, hindi n'ya ako iniwan at pinabayaan. Sa panahong 'to, natitiyak kong kailangan ako ng asawa ko.

A Husband's Suffer | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon