Kabanata 4

667 78 68
                                    

AN: Ang inyong komento at pagboto ay nagpapakita ng suporta para maipagpatuloy ang kuwentong ito. Kung wala, walang susunod na kabanata. Balakayojan. Haha.

---

Hindi Kona Kaya

Gulf

Buong buhay ko sa relasyong ito binigay ko lahat. Pagod ko, katawan ko, puso ko halos lahat na talaga itinaya ko. Halos wala nang matira saken. Sa kagustuhan kong maging maayos pa ang relasyon namin napabayaan ko ang sarili ko. Hinayaan kong mabaliw sa pagmamahal ko sa asawa ko.

Naghirap ako, ayos lang saken. Nagdusa ako sa katangahan ko, tinanggap ko. Lahat ng pagakamaling nagawa ko sa nakaraan, sinubukan kong itama lahat. Ganun ako kabaliw sa pag-ibig. Nawawala ako sa tamang pag-iisip. Wala akong mahanap na rason o katuwiran para sumuko dahil mas matimbang parin ang nilalaman ng puso ko.

Hindi mo naman kasi kailangan diktahan o turuan ang puso mo. Sumusunod kana lang kung ano ang binubulong nito. Kahit kinukunsinti kana ng utak mong tama na at tumigil kana, puso mopa rin 'yung hindi sumusuko at patuloy na lumalaban pa.

Lumaban ako. Pinili kong manatili sa tabi ng asawa ko kahit tinutulak na niya ako palayo. Masakit sa puso na ikaw lang mag-isa ang lumalaban at ikaw nalang ang hinihintay para bumitaw.

Hindi ko na kaya.

Tao lang naman kasi ako, nakakadama ng pagod lalo na kung hindi ka naman kayang bigyan ng halaga.

5 years. Ilang taon kona palang minamahal ang asawa ko. Ilang beses narin kaya ako nagpakatanga dahil sa pagmamahal ko?

Huminga ako ng malalim. Nasa kuwarto ako ni Emjie habang binabantayan ko siyang matulog. Umalis si Mew. Saan na naman kaya 'yun nagpunta?

Hindi kopa rin maiwasang mag-alala sa asawa ko. Palagi na siyang umuuwing dis-oras ng gabi. Baka mapano pa siya sa daan? Kung pagsasabihan ko naman siya, palaging sumbat saken na 'wag ko siyang pangaralan. That I'm just his wife. That really hurts, right?

Tinitigan ko ang mukha ni Emjie na mahimbing na natutulog. Ano nalang ang sasabihin ko sa anak ko kung sakaling tuluyan ko nang bitawan ang asawa ko? Dapat kobang sabihin sa kaniya ang totoo?

Hindi puwede. Ayokong lumaki si Emjie na may galit sa puso. Masyadong bata pa ang anak ko para danasin nito ang pait ng buhay. Hangga't maaari, gusto kopang manatili dito para sa ikabubuti ng anak ko. Alam ko kasing mami-miss niya ang Daddy niya kahit 'di naman sila talaga close.

Lumapit ako kay Emjie saka ko hinaplos ang maamong mukha niya.

"Paano ko sasabihin sayo ang totoo sayo Emjie?" Naramdaman kong nag-iinit na naman ang gilid ng mga mata ko. "Na hindi naman talaga ako 'yung mahal ng Daddy mo." Ipinikit ko ang mata ko kasabay ng pag-agos ng mga luha sa pisngi ko, "He never do that. Iba kasi 'yung mahal niya, Emjie. Hindi ako 'yun." Pinahid ko ang luha sa mukha ko, "Darating ang araw na malalaman morin lahat, anak. At ang hangarin ni Dada, mapatawad mo ako." Tahimik akong humahulgol dahil ayokong marinig ako ni Emjie, "I'm really sorry. Sorry for not telling you the truth. Natatakot kasi si Dada, e."

Pumirmis ako ng biglang gumalaw ang anak ko. Tumalikod ako at mabilis na pinawi lahat ng luha sa mukha ko. Kailangan kong maging malakas sa harapan ni Emjie. Ayokong makita siyang nalulungkot nang dahil sa akin.

"Dada," he mumbled. Halatang antok na antok pa siya.

Humarap ako sa kaniya saka ngumiti ng matamis, "Hello, sweety." Tumabi ako sa kaniya, "Let's sleep together na." Bulong ko, agad naman akong niyakap ni Emjie.

"Goodnight, Dada." Sabi niya sa antok niyang boses, humikab pa siya.

"Goodnight din, sweety." Hinalikan ko siya sa ulo at hinaplos ang likod niya para mabilis niyang makuha ang tulog niya.

A Husband's Suffer | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon