Kabanata 9

853 81 24
                                    

Sana mapatawad mo ako, Gulf.

Hindi ako makatulog nung gabing iyon. Ayaw akong dalawin ng antok ko. Patuloy parin sa sistema ko ang pagsusumamo sa akin ng asawa ko na para bang pinag-sisihan niya ang mga nagawa niyang kasalanan sa akin noon.

May bahagi sa akin na masaya ako dahil nagbago na siya. Pero paano kung temporary lang 'yon. Paano kung sa bilis ng pagbabago niya ay ganun din kabilis ang pagbalik niya sa dating siya. Natatakot ako. Nandito parin iyong takot ko. Hindi na ako mapalagay. Lalo na kapag nalaman pa niya ang pinaka-tatago kong sikreto.

That night, wala naman talagang nangyari sa amin. Palabas lang naman lahat ng iyon para maagaw ko si Mew kay Art. Iyong sinabi kong nag-sex kami, partes lamang iyon ng mga plano ko para mas kapani-paniwala. Iyon kasi ang tanging solusyon para mas masaktan ko si Art.

And it's indeed success. They broke up. Then, we ended marrying each other as I want it to be. Ang kasiyahan kong iyon ang nagpa-lakas sa akin para manatili parin sa tabi ng asawa ko kahit ilang taon na niya akong gustong ipag-tabuyan. Dahil mahal ko siya, handa kong tiisin ang anumang hirap basta para sa kan'ya.

Kaso, humantong sa huli na napagod na ako. Gusto ko munang dumistansya sa kan'ya dahil pakiramdam ko, hindi lang iyong puso ko ang nabasag kundi pati narin ang pagkatao ko. I need space. Pero mukhang ayaw niyang ibigay.

At nung gabing iyon na humihingi siya ng tawad sa akin, wala na. Naging malambot na naman ako. Mabuti nalang kumontra ang isip ko kaya nagawa kong tumakbo dahil aakmang hahalikan niya ako nun.

Umiyak ako nung gabing iyon. Alam ko sa sarili ko na hindi kopa kasi kaya. Gusto kong murahin 'tong sarili ko kung bakit ganito nalang ako kabilis bumigay sa mga salita niya. Still, I can't bear to lose him, I still love him. Ang pagmamahal kona lang sa kan'ya ang natatanging rason para manatili muna sa tabi niya. Afterall, bumabawi na siya, diba? Hindi lang sa anak ko, maging sa akin narin. Desisyon kona lang ang kulang kung mapapatawad kopa ba siya, kahit alam na ng puso ko na kayang kaya ko siyang patawarin.

Siguro may punto siya, kailangan niya ako ngayon. At some point, kailangan din siya ni Emjie. Gagawin ko muna 'to para sa ikakabuti ng anak ko. Mahal kopa rin si Mew at hindi ko kayang iwan s'yang mag-isa gayong kailangan niya ako.

Sa pagdaan ng ilang mga araw, saksi ako sa malaking pagbabago ng asawa ko. Malayo na siya sa dati. Tila may mabait na espiritung sumanib sa kanya kaya naging mabait siya bigla. Nakaka-panibago.

Tuwing umaga, nagluluto siya ng almusal bago pumasok sa trabaho.

Umuuwi narin siya ng maaga na labis kong ipinagtaka.

Madalas pa 'yung bonding moment nila sa gabi ni Emjie kahit pansin mong pagod siya sa trabaho. Dagdag mona 'yong problema sa kompanya.

Nagkakasundo na silang dalawa sa mga bagay na gusto nila pareho na madalas ikinagalit ni Mew noon sa anak ko.

Kapag nga naglalaro silang dalawa ng games sa tv, nainggit si Emjie sa boxer na Spongebob ni Mew kaya binilhan niya 'to. Ayun, sabay silang naglalaro sa tv na naka-boxer tuwing gabi.

Hindi narin siya umuuwi ng lasing.

Hindi na nag-uuwi ng kahit na sino.

Madalas kapag napagtatarayan ko siya, siya pa 'yong palaging sumusuko.

Hindi narin matigas ang ulo niya. Ewan kolang sa baba.

Ginapangan din kaya ako ni Mew habang natutulog si Emjie. Joke. Ayoko rin namang may mangyari sa amin. Baka mabuko ang sikreto ko na birhen pa ako.

Masasabi kong ginagawa niya lahat para makabawi siya. Aminin ko, natutuwa naman ako dahil nakikita kong masayang masaya ang anak ko. Ang mga ngiti at halakhak ni Emjie ay tila ba isang musika sa akin na gustong gusto kong marinig kada oras. Ganun ko kamahal ang batang iyon.

A Husband's Suffer | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon