Kabanata 7

946 95 92
                                    

Secretary vs Wife

KINAUMAGAHAN, nababahag parin ang damdamin ko sa mga bagay na nangyari kagabi. Alam kong masama parin saken ang makapag-isip ng kung anu-ano pero hindi ko maiwasan dahil sa daming nangyayari ngayon.

Una ang kompanya. Nasa alanganin ngayon ang kalagayan nito dahil sa mga documents na nawala. Kasama pala sa nawala 'yung mga kontrata na napag-kasunduan ng asawa ko sa mga biggest shareholders ng kompanyan. At isa sa mga iyon ang matinding ebidensya dahil malaking pera ang shares na nandun.

Pangalawa naman ang pagbabago ni Mew. Sa kabila ng pagiging problematic niya kagabi nagawa n'ya kaming hagkan sa noo ni Emjie. May sinabi pa siya na muling nagpagulo sa desisyon ko na dapat ay gagawin ko.

"I'm really sorry for everything. Sorry for the years that I caused you too much pain and heartbreaks. I want you to know how important you are to me. I need you, Gulf. I badly need you. I want you to wake me up in my nightmares even it causes you a lot of pain. I can't do this alone. And I really hope that you can still forgive me despite for everything that I've done. Babawi ako this time."

Gusto ko mang sabihin na panaginip lang ang lahat pero gising ako kagabi. Dinig na dinig ko 'yung boses niya habang sinasabi 'yon. Nagpanggap lang akong natulog. Halos buong gabi hindi ako pinatulog sa narinig ko mula sa kan'ya.

Nang magising ako, mahina parin ang katawan ko. Pisting Mew kasi. 'Di ko mahanap 'yung antok ko. Kung anu-ano kasing kalokohan ang sinasabi saken kagabi. Balak pa akong paasahin sanay na nga akong umasa sa kan'ya noon pa. Sorry siya dahil hindi ko masyadong dinibdib 'yung sinabi niya kahit sabihin nating sinsero siya.

Baka kasi nandun na naman 'yong baka umaasa na naman ako sa wala. Hay. Kapagod pala.

Namulatan ko naman na wala si Emjie sa tabi ko. Nang tignan ko ang orasan, alas-otso na pala. Ginagabi na ako gumising.

Sumandal muna ako ng ilang saglit sa uluhan ng kama bago nagpasyang bumangon.

Tinungo ko ang banyo ni Mew saka naghilamos at nag-toothbrush. Tinignan ko 'yung reflection ko sa salamin pagkatapos. Ngayon kolang natitigan ng mabuti ang mukha ko. Grabe na talaga ang ipinayat ko. Nagmukhang pale na 'yong mukha ko. Gusto kong tanungin 'yong sarili ko kung tao paba ako sa lagay na'to?

Ang martir ko kasi. By this time, isasama kona ang sarili ko sa priorities ko para 'dina ako tuluyang mabasag uli.

Bumaba ako. Nadatnan kong nanonood si Emjie sa may sala. Nang makita niya ako nagmadali siyang tumakbo papunta saken.

"Good morning, Dada!" Masiglang bati niya tapos hinalikan ako sa lahat ng partes ng mukha ko. Morning routine 'tong ginagawa ng baby ko.

"Good morning, sweety." Ngiting bati ko naman sa kanya.

"You know what Dada? Daddy is in the kitchen. He's busy cooking for our breakfast."

Napakunot noo ako sa sinabi ni Emjie. Ipinilig kopa ang ulo ko para matanaw ko ang kusina. And there he is, abala sa pagluluto. Naka-apron siya ng itim pero walang damit at naka-boxer short lang.

Wala sa sariling napalunok ko. Bakit pakiramdam ko, ang init ng panahon.

"Dada, ang macho ni Daddy, no? Gusto ko ganyan katawan ko paglaki ko." Bulong naman ng anak ko sa'kin.

A Husband's Suffer | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon