1

232 104 197
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

"Someday you're gonna realize"

***

6:30 na ng gabi ng biglang bumuhos ang makalas na ulan, mabilis akong pumasok sa isang store at doon nagpatila, kita ko ang ibang tao na nagpasukan din dahil walang dalang payong.

Ba't kase diko dinala yung kotse eh!

Yakap ko ang aking bag at nakatingin sa labas kung saan patak lamang ng ulan ang nakikita ko. Walang dumadaan na sasakyan dahil na siguro sa basa ang kalsada at madulas.

7:30 ngunit hindi parin tumitila ang malakas na buhos ng ulan. kailangan ko ng makauwi ng maaga, nilibot ko ang buong store nagbabakasakali na mayroon silang tindang payong, may tuwa sa aking dib dib ng makita ang hilera ng payong malapit sa counter, kumuha ako ng isa at binayaran ito.

Mag e-eight na ng gabi ng makalabas ako ng store isang malakas at malamig na hampas ng hangin ang sumalubong sa akin, dahan dahan kong sinuong ang malakas na patak ng ulan at malamig na hampas ng hangin sa aking balat, ganon nalang ang aking pasasalamat na malapit lang ang bahay na tinutuluyan ko sa store na sinilungan ko kanina.

Wala akong makita ni isang tao sa kalsada puros nasa loob ng mga kainan, wala ring masyadong dumadaan na sasakyan. Basa na ang damit at bag ko ngunit tuloy parin ako sa aking paglalakad.

Papasok na ako sa village kung saan naroon ang inuupahan kong bahay ng may naaninag akong isang tao na naglalakad ng walang panangga sa ulan, basa ang kanyang kasuotan at nakayukong naglalakad, kita ko ang pag angat ng kanyang balikat simbolo na umiiyak sya, may kung anong diin ang naramdaman ko sa aking dib dib.

Ang eksenang ganito ang nakikita ko sa mga pelikula na puros kilig at iyakan lang ang pinapakita, nasa likod nya ako ngunit malayo ang agwat naming dalawa nasa kabilang gilid sya ng kalsada samantalang ako ay nasa isang gilid, ng masabayan sya sa paglalakad kahit na hindi magkatabi ay naaninag ko parin ang mukha nya, pamilyar ang mukha nya sa akin, parang nakita ko na kung saan.

Ng maaninag ko na ang bahay na tinutuluyan ko ay binilisan ko na ang paglalakad, inunahan ko ang lalaki at diretsong pumasok sa bahay, kung bakit sya nagbabasa sa gitna ng ulan ay hindi ko alam, basta para sa 'kin nadaanan at nakita ko lang sya ngayong gabi.

***

8:30 ng umaga ng makapasok ako sa school, naglalakad ako sa hallway ng may nakasalubong akong mga nagtatakbuhang studyante.

Ano'ng meron?

Nakita kong papunta ang mga studyante sa field kaya nabaling ang tingin ko roon  kung saan naroon ang mga nagkukumpulang studyante.

Nagkibit balikat ako bago dumiretso sa paglalakad, pagdating sa ganong bagay ay nawawalan ako ng interest, pag akyat ko sa second floor ay agad na akong pumasok sa classroom, wala akong naabutan ni isa at nasisiguro kong nasa field ang mga iyon.

Umupo ako sa aking upuan sa gilid iyon ng bintana at sa hindi sinasadyang pagtingin ay nakita ko ang pangyayari sa field, sa gitna ng nagkukumpulang studyante ay kita ko ang dalawang tao, isang lalaki at isang babae, nakita kong umalis ang babae  kaya't unti unti narin nawala ang mga studyante, napako ang tingin ko sa lalaki ng makita itong napaupo sa field at tinakpan ng dalawang palad ang kanyang mukha, nakita ko ang pag angat ng balikat nya at ganon nanaman ang diin sa dib dib ko ng makita itong umiiyak, sya yung lalaki kagabi. Kalalaking tao umiiyak!

SOMEDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon