6

92 58 37
                                    

A/N: sorry kung medyo non-sense yung chapter 6🙂

BROTHERSSSS?

***

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?" sigaw ko ng bumungad sa akin ang apat na lalaking matagal ko ng hindi nakikita.

"Oh! Reign! You're home!" Bati ni Mykel.

Pumasok ako sa loob at masamang tiningnan ang tatlong lalaking nanonood sa sala.

"Anong ginagawa niyo dito?" Pag uulit ko.

"Ako nagluluto!" Sabi ni Mykel na kakalabas lang galing sa kusina at may apron pa.

"Ako nakaupo!" Si Vinz habang prenteng nakaupo sa sofa.

"Ako nakahiga!" Si Kevin na nakaunan pa sa hita ni Vinz habang nakahiga sa sofa.

"Ako kumakain!" Maliit na boses na sabi ni Sefrix habang hawak ang isang bowl ng popcorn.

Inis kong pinatay ang T,V at hinarap silang lahat.

"Sino nagsabi sa inyo na pwede kayo dito?" Galit na tanong ko sa kanila.

Kita ko ang pagngiti ni Sefrix habang nasa harapan niya ako, si Kevin naman ay umupo galing sa pagkakahiga niya.

"Ako!" Taas kamay na sagot ni Mykel.

"Bakit ba kayo nandito?" Inis na sabi ko.

"Pinatatawag ka ni mama." Si Mykel habang papalapit sa akin.

Kumunot ang noo ko nang marinig ang salitang iyon, hindi ko inexpect na hahanapin papala niya ko! Kung kailan nasanay na akong mag isa saka sila magpaparamdam na akala mo ay wala silang ginawa sa akin?

"Hindi na'ko uuwi!" Diretsong sabi ko at umupo sa isang single sofa.

"Anong hindi uuwi? Ilang taon ka ng hindi umuuwi sa bahay Reign!" Ani Mykel.

"So what? Wala namang may pakielam kung uuwi  ako don eh!" Mapait na sabi ko.

"Reign! Bakit ba ang tigas ng ulo mo!" Bulyaw sa aking ni Mykel.

"Eh bakit ba ang kulit niyo!?" Sigaw ko.

"Reign I'm still your brother! Kaya wag mo akong sisigawan!" Maotoridad na sabi niya na ikinairap ko.

"Sa pagkakaalam ko wala na'kong mga kapatid." Sabi ko at padabog na umakyat sa taas at pumasok sa kwarto.

Hindi ko alam pero saktong pagsara ko ng pinto ay agad na tumulo ang luha na matagal ko ng pinipigilang lumabas, bakit nasasaktan nanaman ako? Bumalik nanaman yung sakit na ginawa nila sa akin!

"Hindi kita anak!"

Biglang bumalik sa utak ko lahat nung nangyari sa akin, akala ko nakalimutan ko na? Ayoko ng maalala yung ginawa nila!

SOMEDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon