"ROOFTOP"
***
Naiwang tulala at halata sa mukha ni Bea ang pagkapahiya. I just ignored it as I sat at a table.
"Bakit diyan ka umupo? Doon tayo oh!" Sabi ni Renzo at tinuro ang inupuan ko kanina.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya dahil nakatayo siya. "Ahmm.... I just want to eat alone!" Sabi ko at binalik ang tingin sa pagkain.
"Ok!" Rinig kong sabi niya bago umalis, hanggat sa maaari ay ayoko munang mayroong nakakapansin sa akin.
I want to live alone, because that is the only way to avoid hurting others.
Naniniwala ako na the more na maraming nagmamahal sa iyo ay the more na maraming beses kadin na masasaktan, So i just only need myself, not others.
Kaya kahit alam kong hindi naman kami close ni Thung o ni Renzo ay agad ko silang iniwasan dahil ayokong mapalapit kanino man dito sa loob o labas ng school.
Ramdam ko ang mga tingin na ginagawa ni Renzo sa akin, hindi ko ito pinansin at nagmadaling inubos ang pagkain.
Im curious, about you.
Bumalik ang sinabi niya sa akin kanina, ayokong may nakikielam sa buhay ko kaya simula sa araw na ito ay kahit na makita ko pa siyang umiiyak ay hindi ko na siya lalapitan, ang paglapit ko sa kaniya ng mga nakaraang araw ay tanging ang awa ko lang ang may gusto non at hindi ako.
"Reign!" Nasa loob na ako ng classroom at dahil wala pa ang teacher namin ay bigla nalang sumulpot itong si Thung sa tabi ko.
"Reign!" I heard him call my name again.
I just ignored it like what i always did."Reign!" Thung.
I ignored him and just focused on reading,
I keep ignored him hanggang sa tinigilan na niya ako, aaminin ko hindi ko kailangan ng kahit na sino sa buhay ko, i don't need a friends, a boyfriend at kahit na pamilya.
Yes, sabihin niyo na na masama akong tao dahil wala akong utang na loob sa mga taong mababait ang trato sa akin, kase iyon yung ayaw ko eh. Ayokong nakakatanggap ng special treatment sa ibang tao. Dahil feeling ko lahat ng iyon pakitang tao lang. Oo judgemental ako, pero ganon din naman ang ibang tao diba? Ibang level lang ang sa akin.
I don't need anyone in my life. Myself is enough to be loved by me. Sarili ko lang ang may karapatang magmahal sa sarili ko. Yeah ironic, pero yun ang totoo ayoko ng minamahal ako, mas gusto ko pa yung kinakalaban ako.
"Reign!" Rinig kong sigaw ni Antonette papalapit sa akin.
Nasa loob kami ng gym at magpapractice para sa nalalapit na intrams. Pagkatapos ng klase ay agad na nagpatawag si coach na may practice kami.
"Bakit?" Tanong ko kay Antonette ng makalapit siya sa akin.
"Si Velle binalik ni coach sa team!" Hingal na sabi niya.
"Si Velle?" Nagtatakang tanong ko.
Si Velle, tinaggal na siya ni coach sa team dahil sa bastos at sa madaya siyang maglaro. Once na nakipaglaro ka sa kaniya asahan mo na siya yung mananalo dahil puro pandaraya lang ang alam niya, bukod don ay napaka dumi pa ng bunganga niya, kung ano ano ang sinasabi kapag napapagalitan siya ni coach.
"Papunta na siya dito kasama si coach, magbihis kana!" Paalala ni Antonette bago pumasok sa cr.
BINABASA MO ANG
SOMEDAY
Non-FictionThis story is about sacrificing your love for someone, Can you sacrifice your love for him just to make him happy? See him walking with another woman? See him kissing the woman he loves? See him hug the woman he loves? And to see him marry the woman...