9

65 30 28
                                    

New Dean?

***
Mag-isa ako sa loob ng restroom habang nakatingin sa tigyawat ko, pagkatapos ang nangyari sa gym kanina ay hindi ko na ulit nakita si Renzo, pilit kong tinatak sa isipan ko na hindi ako apektado sa mga pinagsasasabi niya kanina, dahil gaya nga ng sinabi ko, hindi ako iiwas dahil kaya ko namang pigilan.

I took a deep breath. Tiningnan ko ulit ang tigyawat ko saka napailing.

Lumabas nalang ako saka dumiretso sa room. Hindi pa naguumpisa ang klase at maingay ang buong klase ng makapasok ako kaya kinuha ko muna ang earphone ko saka nagpatugtog. Nilabas ko rin yung libro sa science saka nagbasa, sa totoo lang yung kanta lang yung naintindihan ko eh, hindi yung binabasa ko. Puro formula at kung ano ano pang number na hindi ko maintindihan ang nakalagay sa buong libro hindi ko alam kung science ba o math yung binabasa ko.kaya imbis na sirain ko ang utak ko sa pagbabasa ay tinanaw ko nalang ang baba kung saan tanaw ko ang mga naglalaro ng soccer sa field.

Naagaw ang aking atensyon ng isang lalaki na ngayon ay sinisipa ang bola. Si Viz yun ah! Ang bilis naman niyang makasali sa soccer team gayong kapapasok lang nila noong isang araw.

"Reign!" Nabaling ang tingin ko sa tumawag sa akin. Hininaan ko ang volume ng phone ko.

"Ano nanamang kailangan mo?" Tamad na tanong ko kay Velle.

Umupo siya sa tabi ko." Paupo ah!"

"Nakaupo ka na may magaagawa pa ba'ko?" Tugon ko.

"Hoy! Wag ka namang ganyan sakin! Ang ganda ganda ng pakikitungo ko sa'yo tapos babarahin mo lang ako?! Mali yon!" Aniya.

"Buti nga binabara lang kita eh!"

"Bakit? May iba ka pa bang balak sakin?" Tanong niya.

"Marami! Katulad ngayon, pinapatay na kita sa isip ko, nakaburol ka na nga eh!" Nakita ko ang inis sa kaniyang mukha.

"Ang panget mong magbiro!"

"Oo kamukha mo!"

Mas lalo pa siyang nainis "ganda ka girl?" Nakataas ang kilay nito.

"Oo, sana maranasan mo din!" Sabi ko saka nilakasan ang volume ng phone ko.

Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil umalis na siya sa tabi ko.

Ba't ba kasi ang tagal ng teacher?

Muli nanaman akong nainis ng may kumalabit sa akin.

"Ano nanam--" napahinto ako ng makitang si Thung iyon. "Oh? Kailangan mo?" Hininaan ko ulit yung volume.

"Nakita mo ba si Renzo?" Tanong nito saka humikab, na animoy tamad na tamad.

"Kanina nasa gym siya." Sagot ko.

"May practice sila?" Kinusot nito ang kaniyang mata.

"Oo" sabi ko.

Nakita kong naghikab ulit siya bago ako titigan. Kumunot ang noo nito saka lumapit sa akin. Umatras naman ako.

SOMEDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon