SENIOR HIGH NIGHT
***
"Hello!" Masaya nitong bati ngunit kinainis ko naman.
"What do you want?" Diretsong tanong ko habang tinitingnan siya na masayang nakaupo sa upuan ko.
Nagkibit balikat siya. "Gusto lang kitang kamustahin! Hindi mo ba'ko namiss?" Ani Velle.
"Hindi!"
"You're so bwisit talaga! Hindi ka pa ba masaya na natalo mo ko sa volleyball?" Irap nito.
"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko.
"Well...because this is my classroom?" Maarte nitong sabi, sa tagal niyang nawala ay nakalimutan ko ng kaklase ko nga pala tong babaeng to.
"Pero sa pagkakatanda ko ay hindi dyaan ang upuan mo!" Sabi ko pa.
"Ay hindi ba dito? Nakalimutan ko na kasi eh! Saan nga ulit ako nakaupo?" Hindi talaga siya natatanggalan ng arte sa katawan na kahit ang pag sasalita niya ay nadadamay.
Sa inis ko ay kinuha ko ang bag niya saka iyon nilagay sa likod ng aking upuan kung saan siya dati nakaupo.
"Alis!" Walang ganang sabi ko.
Bumuntong hininga siya bago tumayo "Fine!" Aniya.
Umupo na ako sa aking upuan at hindi na siya pinansin, ang akala ko ay nakick out na siya sa school pero hindi pa pala!
Sayang!
Nagsimula na ang klase at wala ang utak ko sa tinuturo ng guro, ng matapos naman ang klase ay pulos pag uusap tungkol sa senior night ang naririnig ko.
"Hoy Reign!" Muntik ko ng masuntok si Thung ng sigawan niya ako at sa tapat talaga ng tenga ko.
"Gusto mong mabugbog?" Banta ko dito saka tinakpan ang aking tenga.
"Syempre ayaw ko!" Aniya.
"Bakit ba?" Tanong ko.
"Uwian na! Nakaupo ka parin diyan!" Sabi nito at tinabihan ako sa upuan.
"Di naman ako uuwi eh!" Tamad na sabi ko.
"We? Di ka aattend mamaya?" Pagtukoy niya sa Senior night mamaya.
"Hindi."
"Bakit?"
"Wala akong susuot eh!" Pag amin ko.
Busy ako sa mga bagay bagay kaya hindi ko na naisip na ngayon nga pala yung senior night, ano pa bang magagawa ko? Wala na.
Masyado akong naging busy kakaisip kay Renzo, iniisip ko siya hindi dahil gusto ko siya, I think about him dahil hindi ko malaman kung baka bukas ay magpakamatay na siya. Tapos dumating pa yung mga kapatid ko, nagparamdam nanaman sila, at sinundan pa nila ako dito sa school.
"Ang kj mo naman! Bakit kase hindi ka bumili?" Si Thung, ano bang ginagawa niya dito? Dapat ay umuwi na siya dahil aattend siyang senior night mamaya, lahat ng kaklase namin ay nakauwi na at siya nalang ang nandito sa room.
BINABASA MO ANG
SOMEDAY
Non-FictionThis story is about sacrificing your love for someone, Can you sacrifice your love for him just to make him happy? See him walking with another woman? See him kissing the woman he loves? See him hug the woman he loves? And to see him marry the woman...