"One day you'll see this through my eyes"
***
6:00 ng umaga ng mag alarm ang phone ko, nakadapa ko itong kinuha at pinatay. Gusto ko pang matulog ngunit ng maalala kong may training kami sa volleyball ay napabigwas ako ng bangon at dali daling pumasok sa cr.
6:30 ang start ng training, kailangan kong umabot bago mag 6:30, masyadong brutal ang coach namin kaya kahit ako na malakas ang loob ay natatakot.
Mabilis akong nagbihis at sinuot ang Jersey saka nagsapatos, kinuha ko ang bag ko at dalidaling bumaba at sumakay sa kotse.
6:24 ng makarating ako sa gym at naabutan ko si coach na nakaupo sa trono niya at ang ilang kasamahan ko na nag eexcercise, mabilis kong ibinaba ang bag ko at nakihilera sa kanila.
"Buti di ka na late" bulong ni Phia, isa sa kasamahan ko tinanguan ko lang ito at ginawa na ang dapat gawin.
Nasa gitna kami ng pag papakondisyon ng katawan ng biglang pumasok sa gym ang mga basketball team, at kasama yung lalaki kagabi.
Kung nagtataka kayo kung ano nangyari kagabi ay wala dahil pagkatapos ng sinabi ko ay iniwan ko na siya at umuwi, kita ko sa mukha nito ang pagkaantok, halata rin ang eyebags niya.
Katulad ng mga ka team ko ay naka jersey rin sila, kulay blue ang kulay ng sa kanila at green naman ang volleyball team.
Pinagmasdan ko ang bawat kilos niya, umupo siya sa isang upuan at doon sinandal ang ulo saka pumikit.
"Sino tinitingnan mo?" Ani Phia na ngayon ay nakatingin sa akin.
Umiling ako. "Wala" tumango lang siya at saka tinuloy ang ginagawa.
Agad kaming pinapwesto ni coach ng malapit ng magsimula ang training, malapit na ang intrams sa school kaya hindi na mapakali si coach dahil sa buong buhay niya daw ay never pa siyang natalo, kaya kami ang pinahihirapan.
15 kami sa isang team kaya hinati namin.
Ako at si Grace ang spiker si Phia at Antonette ang blocker at si Sam at Loren ang passer.
Nang ma iserve na ni Loren ang bola ay nagsimula na ang laban, sunod sunod ang palitan ng bola kita ko ang pag ngiti ni coach na parang sinasabing maayos na ang ginagawa namin.
Lamang na ang kabila kaya humahabol kami, hindi naman ito pagalingan kundi dito binabase ni coach kung sino ang dapat na ipasok sa court kapag nagsimula na ang totoong laban.
Nang makitang papunta ang bola sa aking gawi ay dali dali akong tumalon at malakas na pinalo ito patungo sa kabila, ngiti ang binati sa akin ng kakampi ko ng makapuntos kami, napatingin ako sa gawi ng basketball team at doon ko nalaman na nanonood pala silang lahat sa amin, unang nakapukaw sa akin ng pansin ay yung lalaki kagabi na diretsong nakatingin sa gawi ko, napakunot ang noo ko ng makitang nakakunot rin ang noo nito.
Problema mo?
Ng matapos ang practice ay agad kaming dumiretso sa kanya kanyang locker, nakabukod ang locker namin sa pag-aaral at paglalaro, inayos ko ang uniform na isusuot ko bago ako maligo, 7:50 na ng umaga ng matapos kami, maaga kaming pinatapos ni coach dahil may training din daw ang basketball team.
Bihis at nakagayak na ako ng lumabas sa banyo, kita ko ang mga kasamahan ko na nagaayos narin. Kanya kanyang lagay ng mga pampaganda sa mukha.
Lumabas ako dala ang bag ko at ng makarating ako sa gym ay nakita ko agaf ang mga studyante na agad na nagkumpulan. Taka akong nakisingit ng tingin at hindi lumalapit sa gitna, nakita ko ang isang babae kahapon.
BINABASA MO ANG
SOMEDAY
Non-FictionThis story is about sacrificing your love for someone, Can you sacrifice your love for him just to make him happy? See him walking with another woman? See him kissing the woman he loves? See him hug the woman he loves? And to see him marry the woman...