4

132 77 39
                                    

A/N: Sorry sa mga typo, ieedit ko yung mga mali kapag natapos yung chapter 5.
Stay safe!

"BRACELET"

Ang pag ibig ay hindi madaling bagay, yung iba sinasabi na kapag nagmahal ka sobrang saya, pero isipin mo nalang ang kabaligtaran non kapag iniwan ka ng taong sinasabi mo na mahal ka.

Everyone has to say goodbye sooner ar later, hindi mo madidigtahan ang puso na nagsawa na mahalin ka, lahat pwede kang iwan dahil hindi lahat maaari kang samahan, maaaring ngayon buo ka pa, pero baka bukas piraso ka na dahil iniwan ka ng taong akala mo mananatili sa tabi.

Nag I-I love you sila sa isa't isa, nagsasabihan ng mga sweet na salita, oo masarap pakinggan, pero ang akala mong I love you niya sayo na totoo ay isa lang palang paglalaro.

It hurts when you feel na parang wala lang sa kanya yung pinagsamahan niyong dalawa, yung ang dali ka niyang palitan tapos ikaw halos patayin mo yung sarili mo kasi hindi siya mawala sa isip mo.

Kawawang Renzo, minahal ang maling tao.

"Reign, naranasan mo na bang masaktan?" Tanong ni Renzo, nakaupo ulit kami sa gilid ng railings ng rooftop at tinatanaw ang lawak ng buong school.

"Oo naman, kapag nag vo-volleyball ako nasasaktan ako kapag tumatama yung bola sa akin." Patay malisyang sagot.

"Eh? Hindi naman yung ganyan yung tinatanong ko eh!" Nakita kong sumimangot siya.

"Ano ba yung tinatanong mo?" Nakangising tanong ko.

"Kung nasaktan ka na? Yung kunwari iniwan ka ng taong mahal mo, katulad ng nangyayari sa akin." Malungkot na sabi niya.

Bumuntang hininga ako bago tuluyang humarap sa kaniya.

"Wala namang taong hindi pa nasasaktan, except kung bagong panganak ka. Maraming tao ang nasasaktan dahil nagmamahal sila, the more na minamahal ka the more na masasaktan ka." Sabi ko at inalis sa kanya ang paningin.

"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh!" Sabi niya.

"Nandoon na yung sagot sa tanong mo! Diba sabi ko walang taong hindi nasasaktan? So kasama na ako sa taong yon!" Nakasimangot na sabi ko.

"Ano namang nangyari? Bakit ka nasaktan?" Tanong nanaman niya.

"Bakit gusto mong malaman?" Taas kilay na tanong ko.

"Because I'm curious!" Sabi niya habang nakangiti.

Bumuntong hininga nalang ako at kinuha ang bag sa gilid ko at tumayo na.

"Gabi na, uwi na'ko!" Sabi ko at hindi na siya hinintay na magsalita dahil mabilis akong naglakad patungo sa pintuan at bumaba na.

Ng makababa ako ay naabutan ko si Thung na may tinitingnan sa phone niya, nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa parking lot.

SOMEDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon