WHO?
Nakatitig ako ngayon sa phone ko, iniisip kung tatawagan o itetext ko ba si Renzo, wala talaga akong balak na kontakin siya, ngunit kapag naiisip ko ang reaksyon ni Sefrix kapag nalaman niya na nawala ko yung bracelet na binigay niya sa akin ay nag-aalala ako na baka magalit siya.
Sa pang limang pagkakataon ay napabuntong hininga ulit ako at tiningnan ang number ni Renzo sa phone ko.
Ano naman kaya ang pumasok sa isip ng lalaking iyon kung bakit kailangan ko pang kontakin siya?
Nahiga ako sa aking kama at tinaas ang aking kamay habang hawak ang phone ko.
tatawag? O tetext?
Inis akong umupo sa pagkakahiga at kumuha ng isang unan saka pinatong iyon sa aking hita, wala namang masama kung itetext ko nalang siya, pero baka hindi niya makita kaya mas mainam na yung tawagan ko siya.
Bwisit naman kasi!
Sa huli ay napili kong itext nalang siya, mainam na iyon dahil naiinis ako kapag naririnig ko yung boses niya.
Reign: HOY!
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya ganyan ang tinext ko. Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi parin siya nag rereply, Wha't wrong with him? Ang sabi niya ay kontakin ko siya ngunit ngayong tinext ko siya ay ayaw naman niyang magreply.
Nahiga na lamang ako at napag desisyunan na hayaan nalang, bukas ko nalang siya kakausapin baka tulog na kaya ayaw mag reply.
Pinatay ko na ang aking phone at nilagay iyon sa side table saka pinatay ang lamp. Ngunit ipipikit ko pa lamang ang aking mata ng biglang nag vibrate yung phone ko.
Agad akong umupo at kinuha iyon, nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay kumunot ang aking noo.
"Hello?" Rinig ko sa kabilang linya.
"Oh?" Sagot ko
"Oh?" Pangagaya ni Renzo "Wala bang lamang respeto yang katawan mo? Nag hello ako kaya dapat nag helloback ka! Anong klaseng sagot yung Oh?" Reklamo niya, ngunit nagtaka ako ng hindi niya maayos na mabigkas ang bawat salita. Naaala ko ang mga lasing sa kanto sa pananalita niya.
Lasing ba sya?
"Lasing ka ba?" Tanong ko.
"Ako? Lasheng? Hindi ako lasheng!" Tanggi niya, ngunit halata naman na lasing siya.
"Ano nanamang drama yan?" Walang ganang tanong ko, huling kita ko sa kanya ay ang yabang pa niya dahil napagsabihan na niyang tanga si Bea, hanggang ngayon ay iniisip ko kung bakit niya sinabi yon ganong dalawang araw palang ata ang nakalilipas pagkayari nilang magbreak.
Pero hanga din ako kay Bea eh! Biruin niyo? Hindi niya alam yung three months rule? Ako nga na walang jowa alam yun eh, nahiya naman ako ng konti.
"Mamamatay na ata ako!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Siraulo ka ba? Nasan ka?" Agad kong tanong.
"Nandito ako sha may...... Shaan nga ba 'to? Shaan ba? Doon sha may ano! Sha ano! Malapit sha ano!" Magulong sabi niya.
"Ano bang ano? Sasapakin kita diyan! Ayusin mo!" Inis na sabi ko.
"Malapit sha ishchool!" Lasing na sabi niya.
Saang malapit na school?
"Yung eksaktong lugar sabihin mo!" Inis na sabi ko. Ngunit hindi siya sumagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/234656986-288-k264306.jpg)
BINABASA MO ANG
SOMEDAY
Non-FictionThis story is about sacrificing your love for someone, Can you sacrifice your love for him just to make him happy? See him walking with another woman? See him kissing the woman he loves? See him hug the woman he loves? And to see him marry the woman...