8

69 40 14
                                    

Pimples

***

"Why are you here?" Tanong ko sa apat na lalaki na naabutan ko sa kusina pag kagising ko.

Nakasuot pa ako ng panjama at oversize shirt, hindi pa ako nag hihilamos at hindi ko rin alam ang itsura ko. Basta bumangon lang ako para magluto at sila ang naabutan ko.

"Oh! You're awake! Come here and eat your breakfast!" Ani Mykel na may hawak pang sandok at naksuot ng apron saka pumasok sa kusina. Is he a chef or what?

"I said why are here? It's only 5:30 in the morning! Napaka-aga pa!" Sabi ko saka umupo sa upuan.

Maaga akong nagising dahil may practice kami sa volleyball, isa isa kong pinagmasdan ang mga kapatid ko. Vinz is sitting on his chair while texting someone on his phone. Ang aga aga may katext agad! Si Kevin naman ay malayang nakasubsob ang mukha sa lamesa at natutulog.
Habang si Sefrix naman ay nakaupo lang sa kaniyang upuan at pinapanood ang mga kilos ko.

"Nalaman namin na may practice ka sa volleyball kaya inagahan namin ang punta dito para maipag luto ka!" Sabi ni Mykel saka nilagay ang taban niyang mangkok sa lamesa na may lamang sabaw.

"Kaya kong magluto! Saka paano kayo nakapasok dito?" Tanong ko.

"We just opened the door!" Sabad ni Sefrix, tinaasan ko siya ng kilay.

"Not funny!" Sabi ko ngunit ikinatawa niya. "So paano nga kayo nakapasok dito!" Pag uulit ko.

"May susi kami!" Sabad naman ni Vinz habang hawak ang kaniyng phone.

"Ng bahay ko?"

"Yeah!" Aniya

"Saan niyo nakuha?" Nagatataka kong tanong.

"Secret!" He gave me a wierd smile.

Umirap nalang ako saka pinagmasdan ang pagkain na nakahain sa mesa. Mukang masarap at ang dami pa.

"Sino nagluto nito?" Tanong ko.

"Me!" Ani Mykel na nakaupo na ngunit suot parin ang kulay pink kong apron.

"Marunong ka?"

"Of course! Chef ako eh!" Aniya na kinagulat ko.

"You're a chef?" Gulat na tanong ko.

"Yes!" Nakangiti nitong sabi.

May kung ano akong naramdaman sa akin dibdib, sa tagal naming hindi nagkita hindi ko na alam kung ano na ba sila! Kung ano na ang ugali nila, ang mga ayaw nila, at ang mga gusto nila. Simula pagkabata tinuring akong prisesa ni Mykel, Vinz at kevin at si Sefrix ang munti naming prisipe, ang saya siguro kung nandoon ako noong mga panahong natupad ni Mykel ang pangarap niya. Pero dahil sa ginawa nila hindi ko naranasan na makita manlang sila na masaya habang tinutupad ang mga pangarap nila.

"Hoy! Kevin!" Kalampag ni Vinz sa lamesa upang magising si Kevin.

"What!" Inis na ungol nito at nakapikit pa ang mga mata.

"Kakain na!" Ani Vinz.

Tamad na inangat ni Kevin ang kaniyang ulo habang nakapikit.

SOMEDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon