DOS

336 13 1
                                    

Kinabukasan I found myself in front of their door, again. I’m just looking at her room number.

Should I knock?

Paano kung hindi siya ang magbukas ng pinto? Idahilan ko na lang that I am a friend, kaso hindi ba kaya ayaw niya nga magpahatid sa akin dahil strict ang parents niya.

Or baka naman siya ang magbukas.

Luck is not always on me.

“Sir? Hanap niyo po si Ma’am Yellow?” tanong sa akin ng nakapulang house keeper, same age as me, I guess.

Geez, ‘Yellow' pala talaga ang pangalan niya.

“Uhmm… oo.” Nagulat ang house keeper sa sagot ko pero ngumiti na lang ito sa akin. “Why?” nagtataka kong tanong.

“Ahh… wala, minsan lang kasi ang may bumisita riyan kay Ma’am palaging mag-isa.”

“Mag-isa? Ang sabi niya kasama niya ang parents niya sa bahay?” naguguluhan kong tanong.

“Sinabi niya ‘yon?”

“Yes.”

“Hindi totoo ‘yan.” Tumawa siya. “Sinabi niya lang ata ‘yon dahil ayaw niyang may nabisita sa kaniya,” paliwanag nito.

Napangisi ako. Nice move, Yellow. I think I was wrong, luck is always on me.

“Ako nga pala si Andeng,” pakilala no’ng house keeper.

“Dave,” pakilala ko pabalik.

“May tatanong ako sa’yo, Dave,” biglang sabi ni Andeng.

“Ano ‘yon?”

Sinenyasan ako nito na lumapit sa kaniya. “May nangyari ba sa inyo?” bulong niya.

Nanlaki ang mata ko. Hindi sa hiya pero paano niya nalaman? Mukhang nabasa nito ang reaksyon ko.

“Paika-ika kasi maglakad kanina.” Natawa ako sa pagbungisngis niya. “Sige na, katukin mo na.”

“Sige, salamat!”

Umalis na ‘yong house keeper. Napansin ko ang maliit na buton ng doorbell at pinindot iyon. Nakailang pindot na ako ngunit wala pa ring bumubukas. Halatang hindi talaga tumatanggap ng bisita. ‘Pag may tiyaga may nilaga. For the nth time pressing the doorbell, bumukas na ang pinto.

Tumambad sa akin ang inaantok niyang mukha. Kusot-kusot pa ang mata. Medyo magulo rin ang buhok niya at humikab pa ng kaunti. Napangiti ako nang makita ang suot niya. She’s still wearing my things.

“Paano mo nalaman ang baha—”

“Do you miss me? Kaya ba hindi mo hinubad ang jacket ko para isiping yakap yakap mo pa ako?” pangangasar ko.

Sinarhan ako nito ng pinto ngunit naharang ko na ang paa ko bago niya pa magawa. Walang anu-ano’y pumasok ako. Malaki ang condo niya to think na paano siya nakakatiis na mag-isa rito. And there I saw the big glass window sa tapat no’n ay may foam at mga unan. Mukhang madalas siya roon dahil maganda ang view.

“What are you doing?” inis niyang tanong.

“I miss you.” Binuksan ko lang ang TV niya habang nakasalampak sa sofa niyang walang cover.

Napatingin ako sa kaniya nang hindi siya sumagot. Nakatalikod lang ito sa akin habang katapat ang counter top ng kusinang kitang-kita rito sa sala. I examine her, bagay sa kaniya ang damit ko. Bigyan ko pa kaya siya ng damit ko. Hmm…

“Bakit ang tahimik mo?” makanguso kong tanong kahit hindi niya naman iyon nakikita.

Bigla siyang humarap sa akin at galit na lumapit, paika-ika pa rin. Heto nanaman ako at napangiti. I’m so overwhelmed that I’m her first, I don’t know why.

“Get out! Sinong may sabing pwede ka rito?!” Hinila niya ang braso ko habang ako tamad lang siyang pinapanood.

“No.”

“Anong ‘no’? I said get out!” Hindi umubra sa akin ang lakas niya.

Buong lakas niyang hinila ang braso ko. Ngunit madali ko lang siyang hinila at kinulong sa bisig ko. Parehas na kaming nakahiga sa sofa habang magkayakap.

“Please,” nakayuko niyang sabi. “Okay! I know you only want sex with me! Hindi ka ba masaya na ikaw ang nakauna sa akin! Then, fine! Let’s be fuck buddies!” hinihingal niyang sambit.

Nakapikit ko siyang pinapakinggang habang yakap. Fuck buddies huh? I’m aware of that but I never been anyone’s fuck buddies.

“Huwag lang dito sa condo ko! Please!” pahabol niya pa.

“Okay.” simple kong sagot. “What’s with your condo?” bulong ko.

“Now, bitawan mo na ko!” she shoutted. Ang sakit niya sa tenga kaya binitawan ko na siya.

“You lied to me. With your family pala huh,” I started the topic.

“I know you boys! Hindi kayo makuntento kaya susundan niyo! And boom I’m right! And who said I lied to you wala akong sinabing kasama ko ang magulang ko sa bahay ang sabi ko lang magagalit sila!”

“Okay.”

Lalo ata siyang naasar dahil hindi na ako nakipagtalo.

“Ano pang ginagawa mo rito? Umalis ka riyan sa sofa, diyan ako natutulog!” sigaw ni Yellow. “We’ll do ‘it’ some other time ayaw kong mapagod may p-pasok ako bukas, pahinga ko ngayon matutulog ako.”

“Bakit tingin mo sa akin ay puro sex?” nagtatampo kong tanong.

“Bakit hindi ba?” mataray niyang sagot.

I laughed and tapped my thigh. “Dito ka na matulog,” I pleaded.

Sarkastiko siyang tumawa. “Ano ako? Tanga? Alam ko na ‘yang galawang ganiyan,” naiirita niyang sabi.

She’s really impossible. She was virgin pero ang daming alam tungkol sa sex.

“You know… ang dami mong alam, akala ko kulong ka sa sarili mo mundo rito sa condo mo. Hindi kita iistorbohin. Manonood lang ako sa phone ko,” paliwanag ko.

“Bakit ka ba nandito? Umuwi ka na, please I just want to rest.”

“I’m alone, okay?” pag-amin ko.

“I’m sure you have friends.”

“I tried. They are all busy.”

“Then, find someone to fvck!”

Seryoso ko siyang tiningnan. “You really think na gano’n ako?” seryoso kong sabi.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya na may seryosong mukha. Binuhat ko siya papunta sa sofa at pinahiga sa hita kong may unan.

“Sleep,” I commanded. Mukhang hindi na siya umangal.

“Pa’no ako makakatulog? Sabi mo manonood ka? Maiingayan ako,” dahilan niya pa.

“Sleep. I bring my phone and airpods dito na ako manonood. Just don’t leave. Gusto ko lang may kasama.”

Hindi na siya sumagot. Wala pang limang minuto ay nakita ko nang tulog na siya. Nakangiti ko lang siyang tinititigan. Mukha siyang anghel pagtulog. Sana ganito rin siya kabait paggising.

Binalik ko na ang tingin ko sa phone. Baka sabihin pa nito, “Akala ko ba manonood ka, ako lang ata ang papanoorin mo e!”

Fuck! Naririnig ko na agad ang boses niya. I’m really crazy.

Ang totoo hindi ko alam kung anong papanoorin ko. Dahilan ko lang sa kaniya iyon to spend time with her. Then I opened Google and there are lots of random articles.

Top 10 hot hollywood actors who still single in their 40’s. Click to see more…

It’s sound gay. No.

A heart-melting story of a twin who donated her heart after she died. Click to see more…

I don’t like dramas. So, definitely not this.

Top 5 hauntingly true facts about ghosts. Click to see more…

Apparently, clicked the last article. Hell, I admit it, takot ako sa multo tapang-tapangan lang ngayon dahil may kasama ako. And the fact na walang multo sa umaga ‘no.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng marinig ko ang doorbell.

Dahan-dahan kong binaba ang ulo niya sa sofa para hindi maistorbo ang pagtulog niya. Naglakad na ako papunta sa pinto iniisip kung sino iyon, hindi naman raw pala tanggap ng bisita si Yellow. Sumalubong sa akin ang isang lalaki, let’s say na gwapo pero lamang ako ng sampung paligo.

Tumindig ako ng maayos. “Yes?” I asked casually.

“Uhm… is Yellow here?” he asked back.

“And you are his?” I asked curiously.

“Who are you?” he asked a question, again.

Aba, loko ‘to. Lahat na lang ata ng tanong ko tanong din ang balik niya.

Tumikhim ako. “Dave, dude. Yellow’s boyfriend,” I said.

Gulat ang nakita ko sa mga mata niya. Napangisi ako sa reaksyon niya. Hindi ko alam kung bakit ayun ang sinabi ko but it feels joy in my heart. Matagal bago pa siya nakapagsalita.

“It seems… uhmm… so you’re his…” Napalunok pa siya. “By the way, I was his boyfriend, ex-boyfriend. Ang… ang bilis lang,” malungkot niyang sabi.

“Ga’no kayo katagal?” I asked out of curiosity.

“One year, bro.”

“Ow…”

“Well, I hope she choose the right thing. B-Bumalik ako para sana makipag-ayos pero…” Tinuro pa ako nito. “Take care of her, bro. I’m telling you nasa tamang babae ka.” He tapped my shoulder before he left.

Ex naman pala e. I smirked. Luck is always on me, huh.

Babalik na dapat ako pero nakita ko na si Yellow na naglalakad papunta sa akin.

“Gising ka na pala?” I said obviously.

“Nandito ka pa pala?” sabi niya sa sarkastikong tono.“ Sino ‘yon?” tanong niya.

“Uhm… may naghahanap sa ‘yo.”

“Sino raw?” kunot noo niyang tanong.

“Ahh… ex mo.”

“Ex ko?” Turo niya pa sa sarili.

Tumango ako.

“Talaga? Sino? Ano raw pangalan?” Interisado niyang tanong.

“Don’t know? Hindi niya sinabi, nag-iwan lang ng speech at umalis na.”

“Speech?”

“Suwerte mo raw sa akin, huwag mo na ako papakawalan ‘pag ako naging boyfriend mo.” I smirked.

Tumaas ang kilay niya at nakasimangot nanaman. Alright, kakagising niya pa lang pero inaasar ko na. Nakakaaliw.

“Just kidding. He said he’s your ex and I should take care of you, psh,” I said. “Ewan ko ba’t sinabi niya ‘yon?” maang-maangan ko.

Umupo ako sa counter tap sa kaniyang kusina. Siya nama’y mukhang babalik sa sofa para matulog.

Napahinto ito. “Really? Sinabi niya ‘yon?” kuryos na tanong ni Yellow.

“Yup.” Lumiit ang mata ko. “Bakit mahal mo pa?

“Ew… kapag ex, ex na, huwag ng balikan,” masim ang mukha niyang sinabi. “Ano raw name niya?” patuloy niya pang tanong.

“’Ano raw name niya?’ Parang sobrang dami mong namang ex at hindi mo na matandaan,” nakangisi kong wika.

“Yeah,” she said casually.

“Cool, ilan?”

“14 exes.”


Napatawa ako ng malakas. “And you were virgin?!”

“And so?” sabi niya pagtapos umupo sa sofa. “Wala naman akong balak magpakasal. Balak ko tumandang ako lang o kasama pamilya at kaibigan,” sabi niya.

Bigla akong napatahimik.

“If you’d ask me ba’t ako nagboboyfriend?” Tumayo siya. “It was funny but I do Boyfriends just because I need someone who will always buy me chocolates. Isa pa gusto ko rin kahit papaano naramdaman ang ideal ng love na sinasabi nila,” natatawa niyang paliwanag.

“You’re insane,” walang emosyon kong komento.

“I had a boyfriend. Sobrang mahal ko siya, mahal na mahal. Alam kong lumalalim na ang pagsasama namin, nararamdaman ko na ring gusto niya na akong pakasalan kaya nakipahiwalay na ako. Correction nagloko ako kasi hindi niya talaga ako tinantanan, kahit ako nasasaktan na rin, pero paninindigan ko.”

Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.

“But I’m okay now. Kahit ni katiting wala na akong nararamdaman sa kaniya at ayun ‘yong ayaw ko. Feelings fade. Tapos ito pa, pag mag-asawa na kayo ang hassle ng buhay… Mabubuntis ka, ang hirap manganak ‘yong iba namamatay pa. Aalagaan mo pa ‘yong bata. Ang daming bayarin sa bahay tapos ‘yong asawa mo baka magloko pa or either ikaw mismo ang magloko. Kahit sabihin mong aksidente lang ang isang kasalanan it’s still a big NO pa rin,” mahabang paliwanag niya.

“Do you like books? Movies?”

Tumango si Yellow.

“See, dahil ‘yan do’n, iniisip mo na gano’n din ang mangyayari sa ‘yo. You don’t know the future, Honey. Malay mo magbago ang isip mo,” I convinced. “You’re in your 20s but you still think that way.” Napailing ako pagtapos kong sabihing ‘yon.

“Wanna know why I was still virgin?” Hindi ako sumagot. “Because I don’t want to be a mother. Having a baby? Hell no! I hate responsibilities,” pinal niyang sabi.

“So, why you had sex with me?” nakataas kilay kong tanong.

Saglit siyang tumahimik bago nagsalita. “B-Because I was drunk. I don’t know what I’m doing when I’m drunk, minsan lang ako malasing dahil minsan lang ako uminom. N-Naparami lang kagabi,” paliwanag niya.

“And you ask to be my fuck buddies?” masungit kong tanong.

“Duh… uso mag-pills. Tsaka I also enjoyed last night,” she admitted confidently.

I smirked. You should. And you will.

Tumayo ito at dumiretso ito sa kusina at binuksan ang refrigerator niya. Sumunod ako at nakita ang laman nito.

“Woah! Puro softdrinks? May UTI ka na ba?” biro ko.

Tumayo siya ng tuwid at namewang. Tinitingnan ang refrigerator niya. Maya-maya kumuha ito ng isang softdrink at binuksan iyon. Ininom niya iyon at nilapag sa counter tap nang may natitirang pang kalahati.

“Hindi mo man lang niyaya o bibigyan ang bisita mo?” ani ko kahit hindi naman ako mahilig sa soft drinks.

Tumingin siya sa akin at tumaas ang isang kilay nakapamewang ulit. Nginisian ko ito at uminom ang natitira sa bote.

“Kadiri ka! Hindi pa ako nagtoothbrush!” reklamo niya.

Kunwari ko pang ninanamnam ang lasa. “Hmm… kaya pala.”

“Kaya pala ano?”

“Kaya pala lasang panis na laway!” asar ko.

Lumapit si Yellow sa akin at pinaghahampas ako habang tinutulak palabas ng pinto.

“Walang hiya ka! Lumayas ka na nga rito!”

Nagtagumpay siyang palabasin ako. Tumatawa pa rin ako hanggang masara niya na ang pinto.

“See you tomorrow, Babe!” nakangisi kong paalam.

To be continued…

Yellow [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon