OCHO

163 14 0
                                    

After that day. I asked Yellow to visit her twin wherever her grave is. She said yes.

Ayos na ang sasakyan ko kaya ayun ang ginamit namin papunta. Pero dumaan muna kami sa flower shop. Ang sabi niya Tulips daw at sunflower ang bilihin dahil ayun ang paboritong bulaklak ng kambal niya. Bumili rin kami ng kandila at kulay dilaw iyon.

Ako naman ay nairita sa cellphone kong tunog nang tunog. Notification lang naman iyon sa browser tungkol sa mga articles.

“Do you miss your twin?” I started the topic while driving.

“No,” sagot niya. Nasa shotgun seat.

“Huh? Why?” naguguluhan kong tanong.

“Because I know she’s just everywhere,” nakangiti sabi ni Yellow.

Ngumuso ako. “Ayan ka nanaman, you’re scaring me,” sumbong ko.

Tumawa ito. “Bakit ka natatakot? Mabait ang kambal ko. Sobrang bait kung alam mo lang…” malungkot niyang kwento.

Kaya tumahimik na lang ako. Nang makarating na kami, pinark ko sa gilid ang sasakyan at bumaba, kinuha ang mga bulaklak at kandila sa compartment.

“Hindi ka pa ba bababa?” tanong ko nang hindi siya gumalaw.

“Parang ayaw kong makita ang puntod niya,” malungkot niyang sabi. “Sige na, mauna ka na, susunod ako.” Ngumiti ito ng kaunti.

“Hindi ko alam kung saan banda,” ani ko.

“Sa bungad lang makikita mo agad ‘yon,” paliwanag niya. “Mas gusto ni Sunshine ang sunflower kaya ang tulips lagay mo na lang sa gilid!” bilin pa ni Yellow.

Naglakad ako kaunti at bumungad na agad sa akin ang puntod ni Sunshine.

R.I.P.

YELLOW SUNSHINE MONTIEL

September 17, 1997 – August 9, 2019

Napakunot ako ng noo. Magka-iba sila ng last name? Tumingin ako sa likod para tingnan si Yellow. Pero wala akong nakita. Sarado rin ang mga pinto ng sasakyan.

Mukhang hindi niya nga talaga kaya puntahan ang kambal niya. I wonder what happened?

Nilapag ko ang mga bulaklak. Nilagay ko ang sunflower sa mismong puntod at ang tulips naman sa gilid tulad ng sabi ni Yellow. Nagsindi na rin ako ng kandila. Nagdasal saglit. May hangin namang umihip sa akin at kinilabutan ako kaya bumalik na ako sa sasakyan. I hate ghost, it’s really freaking me out.

Pagbukas ko ng sasakyan wala si Yellow sa loob. Luminga-linga ako para hanapin siya ngunit tanging ibang mga dalaw lang ang nakita ko. Napansin ko naman ang sticky note sa manibela at kinuha iyon.

SORRY, HINDI KO TALAGA KAYA…
-Virgo Exspiravit

Napabuntong hininga ako habang nakapamewang. Wala na akong nagawa kung hindi ang magmaneho na lang papuntang condo niya. Alam kong doon naman ang diretso niya.

Agad akong bumaba sa sasakyan pagtapos mag-park sa building ng condo ni Yellow.

“Uyy, Sir, sa’n ang punta niyo?” tanong ni Kuya Guard.

Nakakunot noo ko siyang tiningnan. “Sa girlfriend ko, Kuya Guard,” natatawa kong sabi dahil alam niya naman ‘yon.

“Akala ko break na po kayo?” nagtatakang tanong ng Gwardiya.

“Hindi po. Paano niyo naman nasabi?”

“Hala, Sir… baka niloloko kayo ng girlfriend niyo. Nitong nakaraang araw lagi ko siyang nakikitang may kasamang ibang lalaki. Kanina nga rin ay nakita ko, hinalikan pa sa pisngi.”

Lalong kumunot ang noo ko. “Baka nagkakamali lang po kayo,” naguguluhan kong sabi.

“Alam ko po ang itsura ni Ma’am tanda ko po ‘yon. Hindi ba ayun po ‘yong naka jacket?”

Tumango ako. Hindi ko alam sasabihin. Lumapit sa akin ang Guard.

“Sir, papatunayan ko sa ‘yo, closed ko ‘yong nag-aasikaso sa control room ng CCTV,” bulong niya.

Napatingin ako sa kaniya.

“Ano, Sir? Naku, hindi ako naninira ng relasyon. Gusto ko lang sabihin ang nakita ko. Biktima na rin ako ng ganiyan sa dati kong Misis. Ngayon sumama sa kabit.”

Naeengganiyo ako sa kwento ng Guard kaya pumayag ako. Dalawa naman silang Guard ang nagbabantay kaya sinamahan niya na ako sa loob ng control room.

“Psst, Gelo!” tawag ni Kuya Guard do’n sa nagbabantay.

“Bakit, Kuya Mando?”

Tinuro niya ako. “Tulungan mo naman ako. May huhulihing kabit,” natatawa niyang sabi.

Napangisi ‘yong tinawag ni Kuya Guard na ‘Gelo’. Tumingin siya sa akin at sinenyasan akong pumasok.

“Mga bandang alas tres ko silang nakita, Gelo. Irewind mo,” utos ni Kuya Mando.

Ni-rewind naman nito.

“Iyan, Sir! Kita mo hinalikan sa pisngi!” halos mapasigaw na sa gigil si Kuya Mando.

Ang nakita ko sa monitor ay dalawang magkasintahan. Totoo nga hinalikan no’ng babae sa pisngi ‘yong lalaki pero hindi si Yellow iyon.

“Hindi po ayan ang girlfriend ko,” natatawa kong sabi kay Kuya Mando.

Siya naman ang kumunot ang noo. “Pero, Sir… ayan po ‘yong babaeng naka jacket na sinasabi niyo,” nagtatakang sambit nito.

Natawa ulit ako. “Pamilyar nga rin po sa akin ‘yong babae. No’ng araw na po ‘yong dalawang babae pong naka-jacket ang pumasok. Una ang girlfriend ko.” Tinuro kong sunod ang naka pause na video. “Sunod ay ‘yang babaeng ‘yan,” paliwanag ko.

“Huh, Sir?” naguguluhan niyang tanong. “Eh, isang babae lang naman po ang nakita kong pumasok at ayun ‘yon.” Tukoy niya sa monitor.

“Huh?” Mukhang nagkakalituhan na kami rito.

“Isa lang talaga nakita ko, Sir, promise!”

Humarap ako sa controller. “Ahh… Gelo, right?” Tumango ito. “May copy ka pa ba no’ng ahh… March 15?” tanong ko.

“Magkano ba ang ibibigay mo sa akin, Sir?” nakangisi niyang tanong.

“One thousand,” ani ko.

“Ang baba.” kunwaring reklamo ni Gelo.

“One thousand five hundred.”

“Orayt, deal.” Nilahad niya ang palad niya sa akin at inabot ko ang pera.

Sinimulan niya nang magkalkal. Fifteen minutes bago niya nahanap dahil 3 months ago pa iyon.

Masinsinan kong pinanood ang monitor nang biglang tumunog nanaman ang cellphone ko. Heto nanaman ang notification ng article. Sa sobrang inis pinagtuonan ko ng pansin ‘yon kaysa sa monitor.

“A heart-melting story of a twin who donated her heart after she died. Click to see more…”

The title ring a bell to me.

“Sir! Oh ‘di ba! Sabi ko sa inyo isang naka jacket lang ang pumasok!” sigaw ni Kuya Mando kaya napabalik ako ng tingin sa monitor. Binalik ko na rin cellphone sa bulsa.

Tama nga si Kuya Mando. Isang babaeng naka-jacket lang ang pumasok. Sunod ay ako na. Walang ni anino ni Yellow akong nakita.

Fuck! What the fuck happened?

Napahilamos ako sa mukha sa sobrang frustrated. Hindi ako mapakali. Habang silang dalawa ay nakatingin lang sa akin.

Nakakunot noo akong umalis, naguguluhan pa rin. Pumunta ako sa isang fast food para ipahinga ang sarili. Hindi ako dumiretso sa condo ni Yellow dahil gulong-gulo na ako. Nandito rin ako para basahin ang article na nakita ko kanina. Pakiramdam ko malalaman ko ang sagot dito.

To be continued…

Yellow [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon