“Bakit mo ginawa ‘yon?” kunot noong taong ni Yellow.
“Hindi pa ba halata, Yellow?”
“Bakit mo ginawa ‘yon?” ulit niya pa.
“Kasi mahal kita, Yellow! Alam kong hindi parehas ang nararamdaman natin pero ito lang paraan ko para hindi ka lumayo sa akin!”
“Alam mong ayaw kong mabuntis. “ Ramdam ko na ang galit sa boses niya.
“I know. Gusto ko lang malaman mong pakiramdam nang magkaroon ng pamilya. Ayaw kong magsalita ka nang tapos. Sana ma-realize mong, ang daming hindi magka-anak diyan pero ikaw na pwede, ayaw mo,” paliwanag ko.
“Dave…” malungkot niyang wika.
“Please, Yellow. Subukan mo ako. Hindi ko ipapangakong hindi kita sasaktan, pero gagawin ko ang lahat. Magiging mabuting asawa’t ama ako. Tuturuan kitang mahalin ako,” desperado kong sabi.
“Dave… mali e, mali. Hindi pwede. Sarili mo ang sinasaktan mo. Mahal din kita, Dave.”
Nanlaki ang mata ko.
“Pero ayaw ko. Hindi pwede. At hindi ako buntis. Pakiusap.”
Pagtapos niyang sabihin iyon bumukas na ang pinto. Tapos na ang ride. Tumakbo na rin siya palabas samantalang ako ay naiwang tulala.
“Sir, tapos na po ang ride. Baka hinihintay na po kayo ng girlfriend niyo,” natatawang sabi no’ng baklang Operator.
Nginitian ko lang ito at bumaba na. Si Yellow ay hindi ko na mahanap. Siguradong umuwi na ‘yon. Gusto ko man siyang puntahan sa condo niya ay hindi ko ginawa. Papakalmahin ko muna siya. Papalamigin ko muna ang sitwasyon.
Narito lang ako sa condo. Malalim ang iniisip. May parte sa aking masaya dahil mahal niya rin ako! Ngunit napapaisip pa rin kung bakit paulit-ulit niyang sinasabing hindi pwede.
Kinabahan ako.
Paano kung hindi totoong ayaw niyang magka-anak? Paano kung may asawa pala siya at walang anak dahil baog?
O isa siyang transgender?
Fuck, Dave! Mga Pinag-transgende
Si Yellow lang ang nagpapabaliw sa akin ng ganito. I have exes before pero hindi ko naramdaman sa kanila ang mabaliw nang ganito.
Lumipas ang ilang araw hindi nagparamdam si Yellow at nirerespeto ko iyon. Hinihiling ko lang na sana ay kung buntis siya ay sana hindi niya ipalaglag.
Not until two weeks came. It was too long for me. Two weeks without her. Two weeks lonely, two weeks craving for her, her presence and her love.
Sira ang kotse ko kaya taxi lang ako ngayon. Pumara ako ng isang taxi. Binaba no’n ang bintana at sinabi ko ang destinasyon ko.
Kilala ko ang driver. Ito ang driver na sinakyan namin ni Yellow. Now that I remember her again, I’m so desperate to come to her.
Matagal akong tiningnan ng driver at nag-aalangan pa kung isasakay ako. Hay. Nakikita niya ba na wala na akong kasama. Wala ng milagro ang mangyayarhe
Sa huli ay binuksan ni Manong ang pinto at sa shotgun seat ako umupo.
“Sir, nakaheadset po ba kayo no’ng huling sakay ko sa inyo?” tanong ni Manong habang nagda-drive.
“Hindi po,” nagtataka kong sagot.
“Sigurado po kayo? ‘Yong nilalagay po ng mga kabataan sa tenga nila, ‘yong maliit po may iba ibang kulay pa nga po iyon e.”
“Ahh… earphones nga po ‘yon. Bakit po?”
“Wala po.” Ngumiti si Manong at nagpatuloy na sa pagmaneho.
Buong byahe ay laging patingin-tingin sa akin ang driver. Baka type ako, wews. Malapit na ako sa condo ni Yellow nang magsalita si Manong.
“Naku po, Sir. May aksidente po ata ro’n hindi na po tayo makakapasok, lakarin niyo na lang po kung nagmamadali kayo,” sabi niya.
“Gano’n po ba. Sige po, ito po ‘yong bayad. Salamat, Manong.” Tinanggap niya ang bayad at bumaba na ako
.
Isasara ko na dapat ang pinto nang may sinabi pa ang driver.
“Sir, no’ng nakaraang sumakay po kayo binuksan niyo ‘yong isang pinto ng sasakyan ko tapos binuksan niyo pa po ‘yong kabila, bakit po?”
“Huh?” naguguluhan kong tanong.
“Tapos, Sir may parang kinakausap po kayo sa tabi niyo kaya akala ko naka headset po kayo,” habol pa no’ng driver.
Humarurot na ito paalis. Hindi man lang ako nakasagot. Nanatili pa ako ro’n saglit, naguguluhan sa sinabi ng driver.
Kaunting lakad lang naman ang gagawin kong papunta sa condo ni Yellow. Dumaan muna ako sa Mercury Drug para bumili ng chocolates, bilang bawi ko sa kaniya kahit papaano.
Mahaba pa ang pila at ako pa ang pinaka dulo. May napansin akong pamilyar na lalaki sa harap ko.
Tinapik ko ito. “Hey, Bro. Remember me?” tanong ko sa kaniya.
Nanliit pa ang mata niya, kinikilala pa ako. Pumorma ng pa ‘O’ ang labi nito nang mapagtanto.
“Yellow’s boyfriend,” sabi ko pa
Napatahimik ito. “Y-Yeah. Can we talk after this? Diyan lang sa labas saglit lang, pre,” anyaya niya.
Nagdalawang isip ako. Gustong-gusto ko nang makita si Yellow. Pero saglit lang naman daw kaya pumayag ako.
Nauna siya sa akin sa cashier. Nang matapos, sinenyasan niya akong nandyan lang siya sa labas kaya tumango ako.
Nang turn ko na sa cashier masungit akong tiningnan no’ng babae. Siya rin iyong pinagpalitan ko ng pills.
“Good afternoon, Sir, suki card po?” tanong niya.
“Wala ulit,” nakangiti kong sabi. Mukhang bad mood siya.
Tahimik lang. Tanging pag-punch lang ng product ang maririnig. Nang hindi makatiis nagsalita ‘yong babae.
“Sir, ‘yong pills na binigay niyo sa akin ay expired na pala one year ago pa!” mahinag reklamo niya.
“Huh?” naguguluhan kong tanong.
“Nahihirapan po kasi ako magbilang ng date kaya hindi ko nasabi sa inyo agad,” sabi ng babae.
Napatahimik ako.
“Gano’n ba?” Naguguluhan pa rin ako.
Dumukot ako ng isang libo at ibinigay sa kaniya iyon. Lumaki naman ang ngiti no’ng cashier at ibinigay na ang pinamili ko.
“Salamat, Sir! Sa uulitin,” maligaya niyang paalam.
Habang naglalakad palabas napa-isip ako. Kaya ba sinabi ni Yellow na hindi siya buntis dahil alam niyang maling pills ang napulot ko?
Paglabas ko ng store nakita ko ‘yong lalaking naghihintay sa akin.
“Hey. I’m Luke by the way,” panimula niya.
“Hey, Luke.”
Tumahimik sandali. “Are you sure you are Yellow’s boyfriend? I mean until now?” Dahan-dahan niyang tanong.
“Are you sure you were his ex?” napipikon kong sagot. Alam kong hindi totoong may relasyon kami ni Yellow pero nakakainis ang tanong niya.
May kinalikot siya sa cellphone niya at may pinakitang picture sa akin.
“Here.” In-slide niya pakanan ang daliri niya sa phone para ipakita ang maraming picture nila ni Yellow.
May picture pa na nag--celebrate sila ng anniversary. Picture nila habang kumakain sa labas. May picture din na nakahalik si Yellow sa pisngi niya.
I gritted my teeth. I’m trying to control my temper. Even my fist is ready, maybe anytime I would be glad to punch him. Nandito lang ata siya para pagselosin ako. Pero kusang lumuwag ang higpit ng kamay ko sa sunod niyang sinabi.
“Yellow is dead one year ago.”To be continued…