FINAL

271 19 13
                                    

Note: if you're the read-the-ending-first kind of reader, this is not the right time to do that. I repeat it is not the right time to do that. You would be spoil to the highest level. No one wants that...

--

“Y-Yellow!” nahihirapan kong sigaw. Ramdam kong may nakasalpak sa bunganga ko.

Pakiramdam ko sumisid ako nang sobrang tagal at umahon. Hingal na hingal ako, pakiramdam ko ay sobrang pagod.

Pangalan niya agad ang unang lumabas sa bigbig ko matapos napabangon sa pagkahiga. Puti ang suot ko pati ang paligid. Marami ring aparatos ang nakabit sa akin, sa aking mga kamay pati sa ilong at bibig. Nasa Hospital ako.

“Omaygash! Omaygash! You’re awake na!” sigaw ni Rina.

Nakaramdam naman ako ng pagsakit ng lalamunan. Parang sobrang tagal hindi nadapuan ng tubig.

“T-Tubig,” nahihirapan kong utos.

“Water! Water! Ahhh… tubig!” Agad na kumilos si Rina.

May natagpuan naman siyang bottled water sa gilid at binuksan niya iyon. Inalalayan niya akong tanggalin ang intubation sa bibig ko. Agad kong ininom ang binigay niya. Wala pang segundo ay ubos ko na agad.

“T-Tubig p-pa,” nanghihinang utos ko.

Natataranta naman si Rina at muli akong binigyan.

“D-Diyan ka lang ah! I will call the Doctor! Omaygash!”

Nagmamadaling tumakbo si Rina. Samantalang ako ay naiwang nanghihina pa rin. Ilang minuto ay may pumasok na babae.

“Son! You’re awake, thank God!” masayang sabi ni Mommy at lumapit sa akin.

May pumasok ding lalaking naka-puti— ang Doctor. Nakangiti siya nang lumapit sa akin. Pumasok din ang isang babaeng Nurse kasunod no’n ay si Rina na sobrang saya ang mukha.

Pamilyar ang mukha sa akin ng Doctor at Nurse.

“Can you speak, Sir?” the Doctor asked.

“Y-Yes,” nahihirapan kong sagot.

May kinapa ang Doktor sa bulsa ng dibdib niya. Nang walang makapa ay tinawag ang Nurse.

“Marylle, can I borrow your flashlight.”

Agad namang kumilos ang Nurse at nakangiting binigay sa kaniya ang parang hugis ballpen. Tinutok niya iyon sa mata ko kaya medyo napapikit ako sa silaw. Tiningnan niya rin ang ibabang mata ko.

Sunod na ginawa ng Doktor ay kinuha ang kaniyang stethoscope at itinapat iyon sa dibdib ko. “Please, inhale deep, Sir.” Sinunod ko siya at nilipat niya sa likod ko ang stethoscope. “Inhale deep, again, Sir.”

There is something sa pagtawag niya ng “Sir” sa akin. Pamilyar talaga siya.

“Doc Fernandes how is he? Okay na ba siya?” nag-aalalang tanong ni Mommy.

“Hindi biro ang ma-commatose ng 1 year. I think we call it miracle. He is fully awake, what a very good news,” masayang sabi ng Doctor. “Huwag lang po natin siyang hayaang ma-stress at pahinga ng kaunti hanggang bumalik ang lakas niya,” bilin pa ng Doktor.

“Thank God!” naluluhang sabi ni Mommy.

Tumingin sa akin ang Doktor at ngumiti bago lumisan. Naiwan naman ang Nurse na tinawag niyang ‘Marylle’ para asikasuhin ako. May inayos ito sa dextrose ko at binalik ang intubation sa bibig ko.

“Sir, ako po ang pangalawang Nurse na nag-aalaga sa inyo. ‘Yong naunang Nurse matagal na pong wala dahil sobrang tagal ninyong na comatose,” kwento no’ng Nurse habang may inaayos. “Tawagin niyo na lang po akong ‘Mary’ gustong-gusto ko po talaga napapalapit sa mga pasyente ko. Lagi ko po kayong kinakausap minsan, Sir, naririnig niyo ba ako habang tulog kayo?” natatawang tanong niya.

Kahit ako ay natatawa. Mamaya ay umalis na rin ang Nurse. Lumapit sa akin si Mommy at hinalikan ako sa noo.

“I’ll call your Tito siguradong matutuwa ‘yon,” emosyonal na paalam ni Mommy.

“Ako naman tatawagan ko sila Patrick!” masayang paalam din ni Rina. Pumunta siya sa gilid at umupo.

Napatunganga lang ako. Ano bang nangyari?

“Gising na siya…! Yeah… oo… pumunta na kayo!” narinig kong sabi ni Rina sa kabilang linya.

Maya-maya may maiingay na pumasok sa kwarto.

“Oh! Bro, you’re awake!” salubongi ni John.

“I miss you, Bro!” si Patrick, na dapat lalapitan ako para yakapin ngunit humarang si Rina.

“Ops! Wala munang lalapit kay Kuya. Mahina pa raw siya sabi ni Dr. Fernandes!” babala ni Rina.

Hinawakan naman ni Patrick si Rina sa ulo at hinawi. “Ay sus! Sunod-sunuran ka ro’n sa crush mong Doktor eh bakla naman ‘yon!” pangangasar ni Patrick dahil patuloy pa rin naharang si Rina.

Sumimangot si Rina at wala ng nagawa kung hindi ang tumabi. Marahan akong niyakap ni Patrick.

“Hindi ako sanay makita kang dilat,” natatawang wikai ni Patrick.

Tinapik naman siya sa balikat ni John. “Tarantado! Ano gusto mo ma-comma ulit ‘yan!” saway niya.

Muli kong tinanggal ang intubation sa bibig ko. “K-Kuya?” napatanong ako. “R-Rina called me ‘Kuya’.” nanghihinang tawa ko.

I’ve never heard Rina call me “Kuya” before, nakakapanibago. Lahat sila napatahimik. Si Rina naman ay parang naluluhang lumapit sa akin. Marahan niyang hinawakan ang dalawa kong pisngi.

“Don’t tell me, you also have amnesia, Kuya!” she tantrum. “I’m your beautiful little sister!!!”

“Half-sister!” pagtama ni Gelo.

Hindi ko napansin si Gelo nasa likuran pala at nakaupo. Anong ginagawa ng controller dito?

Tinapik si Gelo ng katabi niyang si Luke. “Dude, galaw-galaw din kasi kay Rina hindi ‘yong puro pangangasar,” rinig ko pang bulong ni Luke kay Gelo. “Baka sa isang taong natulog ‘yan si Dave nakalimot na,” balik ni Luke sa akin.

What are they doing here?

“Kuya, I’m your little sister.” Tiningnan ni Rina nang masama si Gelo. “Half-sister… and this is our fraternal twin brothers. This is Patrick and John,” parang batang paliwanag ni Rina.

“Alam mo napakadaya mo, bakit si Kuya Dave lang ang tinatawag mong ‘Kuya’,” reklamo ni John.

“Ang papangit niyo kasi!”

What the? They are my siblings? And what Luke and Gelo doing here?

Biglang tumayo si Luke. “Dude, baka pati kami kinalimutan mo na,” natatawang drama ni Luke.

“Maling-mali ka, Tol. Nasa Bro Code ‘yan, walang kalimutan,” pailing-iling pang sabi ni Gelo.

They are my friends?

“Teka. Teka.” Parang medyo bumalik na ang lakas ko. “Ano bang nangyayari?” naguguluhan kong tanong.

Lahat sila ay napatikom ang bibig at nagkatitigan. Parang nagtuturuan pa kung sino ang magkukwento.

“Lumabas na nga kayo!” parang batang reklamo ni Rina. “Ang dami-daming bwisita! Hindi ba ang sabi ni Dr. Fernandes apat lang ang pwedeng bisita!”

Tinulak ni Rina palabas ang apat.

“Okay! Okay!” rinig ko pang pagsuko ni Patrick.

Tumahimik na ang kwarto. Ako na lang at si Rina ang natitira. Pagbalik niya yinakap niya ako ng mahigpit.

“Namiss kita, Kuya,” umiiyak na sabi ni Rina.

Hinagod ko ang buhok niya kahit gulong-gulo na sa nangyayari. Parang nasasaktan akong makitang umiiyak ang… kapatid ko.

“Ano bang nangyari? Bakit nakaratay ako rito?” tanong ko.

Lalo itong napaiyak. Lumayo siya sa akin pinapahiran ang mga luha niya.

“Remember the night na nag-away kayo ni Mommy? I heard you two na nagtatalo. You wanted to see your father because ever since you didn’t know him. Ikaw ang unang anak ni Mommy sa unang niyang asawa but I treated you as my real real big Bro,” simula niya. “Alam mo bang nasaktan ako when I heard that, Kuya. Kasi akala ko ayaw mo na sa amin. Mommy didn’t wanted to let you saw your real Father dahil may ibang asawa na ‘yon. Ayaw lang ni Mommy maging family wrecker that was what I heard,” paliwanag niya.

Tahimik lang akong nakikinig.

“That night, I heard your door shut. So apparently you walked out, nagtanong ako no’n kay Mommy no’n kung saan ka pupunta, ang sabi niya pupunta ka lang sa condo mo, nakangiting sabi ni Mommy ‘yon pero alam kong nasasaktan siya. Hindi niya sinabi sa ‘yo ang rason kasi kahit siya ayaw kang masaktan. After an hour may tumawag kay Mommy ang sabi nabangga ka raw ng truck then hindi ka na nagising,” malungkot niyang kwento.

Mariin naman akong napalunok sa mga narinig.

“Akala ko mamatay ka na, Kuya! Kainis ka kasi e!” iyak ni Rina.

Muli ko siyang yinakap at hinagod ang likod para aluhin sa pag-iyak. Maya-maya ay tumahan na rin ito. Narinig naman naming bumukas ang pinto.

Si Mommy iyon. Habang nakangiti, napahawak si Mommy sa dibdib niya nang nakita ang posisyon namin ni Rina.

“Rina, tulungan mo muna si Kuya Mando at Yaya Andeng na dalhin ang mga pagkain paniguradong gutom na ‘yang Kuya mo,” utos ni Mommy.

Si Rina ay parang ayaw pa bumitaw sa akin.

“Magrereklamo ka pa?” Pinanlakihan siya ng mata ni Mommy.

Nakangusong kumalas sa yakap ko si Rina at parang batang nagdadabog palabas. Tumingin ako kay Mommy. Papalapit siya sa akin.

“Mommy, sino si Kuya Mando at Andeng?” tanong ko.

“Kuya Mando is our Family Driver and Yaya Andeng is one of our Yaya, why?” Naguguluhan ang mukha ni Mommy sa tanong ko.

Napatahimik ako.

Biglang sinuklay ni Mommy ang buhok ko. Nakangiti sa akin.

“You really have your Father’s eyes,” malungkot niyang wika.

At this point, I remember a bit about what Rina told me.

“Hindi naman ako masasaktan dahil may ibang pamilya ang totoo kong Tatay. Gusto ko lang siyang makita. Masaya na ako sa pamilya natin ngayon. Kay Rina, kay Patrick at John, kay Tito at sa ‘yo, Mom,” alo ko.

“Yes, anak. Kaya nagsisisi ako kung bakit hindi na lang kita pinagbigyan,” tugon ni Mommy.

“It’s okay, Mom. Tapos na. Ang importante ayos na ang lahat. Gising na ako,” nakangiti kong sabi.

“Ma’am saan po ito ilalagay?” Someone interrupt us.

“Dito na lang sa gilid, Kuya Mando,” sagot ni Mommy.

Nagulat ako sa nakita. “Ikaw ‘yong Guard sa condo ni Yellow!” Turo ko sa driver namin.

Nakakunot niya akong tiningnan. “Ano po ‘yon, Sir?” naguguluhan niyang tanong.

“Ma’am, ito po saan ilalagay?” Si Andeng naman ang pumasok.

“Andeng!” Nanlalaki ang mata ko.

Napangiti siya sa akin. “Hi, Sir Dave. Gising ka na po!” masayang sabi niya.

“Ikaw ‘yong house keeper… na patay na!” Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko.

“Dave, ano bang sinasabi mo?” natatawang tanong ni Mommy.

“Mommy! Ang bigat naman pala ng ipinapadala mo! Buti tinulungan ako ni Ate!” Nagrereklamong dating ni Rina.

Ibinaba niya sa upuan ang mga pagkaing hawak niya.

“Kuya, may surprise ako sa ‘yo!” masayang balita ni Rina.

Ipinakita niya ang taong may hawak na malaking bulaklak, nakaharang sa mukha niya iyon kaya hindi ko makita ang kung sino siya. Unti-unti niya namang binaba ang bulaklak.

At parang tumigil ang mundo ko.

“Anak ng tokwa na pwedeng sahog sa lugaw! Gising ka na nga!”

Tumakbo siya sa akin. Pinaulanan niya ako ng halik at yinakap ng mahigpit. Ang mga tao naman sa paligid ay natawa.

Bumalik ‘yong babae kay Rina at piningot ang ilong nito. “Ako dapat ang unang makikita ni Dave pagkagising niya epal ka talagang paslit ka e!” nanggigil na biro nito kay Rina.

Lahat sila ay tahimik dahil hindi ako kumibo. Tahimik lang ako at hindi makapaniwala.

“Teka, Ate baka hindi ka niya maalala. Ganiyan din siya kanina e,” rinig kong bulong ni Rina. Napanguso naman ‘yong babae at masungit na nakatingin sa akin.

Gusto ko nang umiyak.

“Kuya! This Maria Sunshine Yellow Montiel! Ang pinakamaganda mong girlfriend!”

Hindi ko na mapigil ang traydor kong luha. Kusa tmulo iyon nang sunod-sunod. Nakita ko namang lumambot ang mukha ni Yellow kaya lumapit siya sa akin hinawakan ang dalawang pisngi ko.

“Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalala niyang tanong.

“Amoy panis na laway ka.” Hindi ko alam pero ayun ang sinabi ko.

Hindi naman totoo ‘yon. Gusto ko lang ulit makita ang nakasimangot niyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Saya, pangungulila, halu-halo.

Pabiro akong sinampal ni Yellow. “Tarantado ka ah!” nanggigil niyang sabi. “Pagmagaling ka na, hindi ka makaka-score sa akin ulit,” pabulong niyang banta.

Natawa naman ako.

I remember everything. It’s all clear.

Rina is my little sister, Patrick and John are my little twin bros. They were not my friends.

Ang baklang operator sa ferris wheel ay si Doctor Fernandes. At ang Nurse na si Mary ay ang babaeng cashier sa Mercury drug.

Luke wasn’t Sunshine’s ex. And Gelo wasn’t CCTV controller, they are my high school friends.

Kuya Mando wasn’t Yellow’s Guard on her Condo’s Building. He is our family driver. While Andeng, I felt sorry for her, pinatay ko pa siya at worst ginahasa pa raw at pinagsasaksak but the truth she’s our youngest maid.

And my Yellow…

It wasn’t true that she has a twin. She’s one and only. My one and only love. My one and only Yellow.

Fuck! It was all dream. Dreams are always weird. Na-shuffle lahat sa utak ko. Panaginip ko  ‘yon lahat mula sa isang taong comatose.

The End.

--

You made it here! Thank you for reading! xoxo.

Yellow [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon