🥀𝓚𝓐𝓑𝓐𝓝𝓐𝓣𝓐 𝓓𝓐𝓛𝓐𝓦𝓐🥀

72 12 6
                                    

Friday na naman at nandito ako ngayon sa tambayan ko,maaga nanaman akong dumating ng dahil lang sa masamang panaginip ko, ilang-araw na rin nagsunodsunod na itong panaginip ko na hindi ko naman naiintindihan,, ngayon lang ako naka-experience ng panaginip na ganyan. Hanggang tumunog na yung bell atsaka tumayo nako at naglakad na papunta sa room namin.

Pagkabukas ko ng pinto agad naman akong napahinto dahil nandyan na si Sir Antok-antok at nakatingin sa akin 'ABA'Y HIMALA MAAGA SIYA!
Pinagpatuloy ko lang ang paglakad ko hanggang narating ko na ang upuan ko atsaka umupo.

"Class, I have an announcement to say" panimulang sabi niya "Nag-meeting kasi kami kanina it's all about a tour dito sa ating lugar,,nagpakasunduan naming mga historical teacher na ililibot kayo sa iba't-ibang mga museo dito at ang napili kung pupuntahan natin ay ang pinakalumang bahay dito na malapit sa ating paaralan"excited niyang sabi. "GANYAN TALAGA SI SIR KAPAG HISTORY ANG PINAG-UUSAPAN.

"Kailan naman po,Sir?"tanong ni Amy ang president namin.

"Bukas" tugon niya

"Eh,,sabado bukas sir,baka hindi pumayag ang mga parents namin" katwirang sabi ni Lily

"Wag kayong mag-alala nagpadala na ako ng text message sa parents niyo bawat isa" paliwanag niya.

"Excited na ako,hehehe" sabi ni yvonne

"Magdala lang kayo ng kunting pera atsaka wag na kayong magdala ng malaking bag bukas" dagdag niya "Sige,,aalis na ako at may gagawin ako ngayon atsaka hindi tayo magkla-klase,,maglinis na lang kayo at pagkatapos umuwi na rin,,upang mapaghandaan niyo bukas ang tour natin" aniya saka umalis na

Agad naman naghiyawan ang mga kaklase ko dahil lang walang klase,,Tsk!!agad naman akong umalis at iniwan ang mga kaklase ko atsaka umuwi na magpapahinga ako ngayon

Hihiga na sana ako ng may naalala ako 'yung tanong ni Sir nong nakaraang araw, iba kasi ang tingin sa akin ni sir ,,kinuha ko yung laptop ko sa may table atsaka umupo sa kama, In-open ko yung google atsaka isenearch ang pinakamakasariling kriminal.

*TYPING *CLICK *ENTER

Agad naman lumabas ang pangalan ngunit 'bakit walang litratong nakalagay 'Imposible naman! "ALMIRO ATIENZA ipinanganak noong Hunyo 19,1870 sa bayan ng San Pablo, siya ang tinaguriang kriminal noon dahil sa pagpatay ng mga mabubuting tao at sa kanyang sariling ama kaya nahatulan siya ng kamatayan noong Hunyo 12,1892" Pagbasa ko atsaka biglang kumirot ang baby heart ko "Bakit?" Bulong kong sabi.
Agad ko naman pinatay ang laptop ko atsaka inilagay ulit sa sidetable, humiga narin ako at natulog na, MAAGA PA KASI GIGISING BUKAS!


~"Hindi ako papayag na agawin mo ang minamahal ko sisiguraduhin ko na ikaw ang pinakamakasariling kriminal sa listahan ng kasaysayan,HAHAHA!!!Paalam!"Isang putok ng baril ang nangingibabaw sa ingay ng plazang ito sabay sa pagluha ng isang babae sa pagkamatay ng kanyang minamahal at bigla lamang inagaw ng babae ang baril na hawak ng lalaki at ipinutok ito sa kanyang bibig sabay sabi "Susundan kita mahal ko" bigla itong humandusay at naliligo sa kanyang sariling dugo.~


Bigla akong napabalikwas ng bangon ng dahil na naman sa masamang panaginip ko, 'Palagi na lang ganito.May napansin akong mga basang-luha sa mga mata ko 'Bakit may luha?"bulong kong sabi. Napatingin naman ako sa orasan ko ay mag-aalas singko pa ng umaga,,mamayang alas-syete pa ang lakad namin, 'makatulog na nga ulit! Pinikit ko na ang mga mata ko pero wala na!! Hindi na ako makatulog, Bumangon na lang ako atsaka pumunta sa kusina upang uminom ng tubig, nakita ko naman si Yaya Feli na nagluluto ng agahan mamaya 'Ganyan talaga ginagawa ni yaya,siya kasi ang nauunang gumising sa amin.

Beauty And The Villain(Te amo del pasado)-ONGOING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon