🥀 𝓚𝓐𝓑𝓐𝓝𝓐𝓣𝓐 𝓢𝓐𝓜𝓟𝓤🥀

59 4 1
                                    


"Cristina, nasaan sila ina at ama?" Tanong ko sa kanya habang nakahiga sa higaan ko.

"Umalis po prinsesa may pupuntahan lamang sila" tugon niya naman habang nililinis ang kwarto ko.

"Cristina pupunta muna ako sa labas ako lamang ay magpapahangin" paalam ko sa kanya at tanging tango lamang ang kanyang itinugo ln at umalis na rin ako.


Habang ako ay nagdidilig ng mga bulaklak may biglang tumakip sa aking mga mata kaya bigla akong kinabahan atsaka ginawa ko ang self defense na tinuro sa aking guro sa PYSCHICAL EDUCATION

Hinawakan ko ng marahan ang kanyang kamay atsaka inikot ito.

"A-a-aray!!" Sabi ng isang boses na napakapamilyar

Pagtingin ko ay napagtanto ko si

ALMIRO!

Paanong nakapasok siya? Dali-dali naman akong tumingin sa paligid baka may mga kawal na nakabantay at salamat naman ay wala. Agad ko naman siyang hinablot atsaka nagpunta sa isang punong acacia na alam ko walang taong dumadaan.

"Anong ginagawa mo dito Ginoong Almiro?" Takang tanong ko.

"May sasabihin kasi ako binibini" ngiting sabi niya.

Nandiyan nanaman yung HEARTBEAT KO!

"A-ano?" Utal kong tanong.

"Nakatanggap kasi sila Ina at Ama ng imbitasyon mula sa hari na may gaganaping pagdiriwang sa kaarawan ng nag-iisang anak ng hari na babae ngayong Ika-pito ng gabi" Tuwang sabi niya.

Napa-ubo naman ako sa huling sinabi niya, pinapaalala na naman ang gaganaping piging sa linggo. ANO RAW? NGAYONG GABI IBIG SABIHIN LINGGO NA NGAYON

"Wag kang mag-alala binibini ako din ay sasama kina Ina at Ama gusto ko din makita kita sa piging gaganapin" nagagalak niya sabi.

Sasabihin ko na sana na ako ang kanyang tinutukoy ng dumating bigla si cristina. Alam kasi ni cristina kapag wala ako sa harden ay pumunta lang ako dito at take-note siya lang ang may alam nito.

"Ipag-umanhin niyo sana na ako ay nakabala ngunit pinapatawag ka na binibini" hingal niyang sabi.

"Oh siya ginoong almiro ako ay aalis na" paalam ko sa kanya atsaka tinalikuran na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa palasyo.

HAYSSS,, KUNG ALAM MO LANG ALMIRO.

Pagdating namin sa palasyo ay nandoon sila ina at ama na may dalang malaking lalagyan agad naman akong napansin ni ina at nginitian ako.

"Anak buksan mo" Sabi ni ina na may mga ngiti sa labi.


Laking gulat kong binuksan ang malaking kahon na may naglalaman ng isang dilaw na magandang toga o should i say Gown at grabe ang bayet laglag panga ko sa ganda nito. Hindi ko inakala na magsusuot ako ng ganito dito sa panahong ito. Para akong nag debut hehehe.

"Nagustuhan mo ba ang regalo galing sa amin ng iyong ama?" Masayang tanong niya.

"Maraming Salamat po Ina" masayang sabi ko atsaka niyakap siya.

"Maraming Salamat din po Ama" pasalamat ko sa kanya at saka niyakap siya.

"Solo para ti hija(Just for you Hija)" ngiting sabi at niyakap ako pabalik. Napayakap na lang ako ulit kahit hindi ko naiintindihan ang kanyang sinasabi.

"Oh siya tulungan niyo ang prinsesa na dalhin ang damit na susuotin niya mamayang gabi" Utos ni ina sa mga katulong


Sinunod naman nila ang pinag-uutos ni Ina kaya umakyat na sila papuntang kwarto ko at agad naman ako sumunod sa kanila.

Beauty And The Villain(Te amo del pasado)-ONGOING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon