"PRINSESAAAAAA BEATRISAAAA!!" sigaw ni Cristina habang tumatakbo, ARGHHH!! ANG INGAY TALAGA NITONG BABAE NATO.
'Bakit ba siya sumisigaw!?'
"BAKIT?" Tanong ko
Nandito kasi ako sa harden dinidiligan ko yung halaman dito, nagmaka-awa pa nga ako sa isang katulong na ako lang ang magdidilig, dahil nabobored na talaga ako.
Lumapit naman sa akin si cristina as in sobrang lapit talaga atsaka may ibinigay siyang sobre.
ANO KAYA ITO?
"ANO ITO?" Napasigaw kong sabi
"Shhhhhh..wag kayong sumigaw mahal na prinsesa" banta niya sa akin
"Galing kay Ginoong Almiro yan prinsesa, Nakita niya kasi ako sa palengke at Ipapabigay ito sayo" sabi niya na parang kinikilig. GRABE NAMAN ANG TAO NOON MADALING KILIGIN, PERO INFAIRNESS FIRST TIME KONG MAKATANGGAP NG SULAT O.M.G!
Binuksan ko naman ang sobreng puti at binasa ito.
Binibining Beatrice,
Inaanyayahan sana kita sa simpleng piging namin dito sa aming tahanan kung saan tayo unang nagkita ngayong Disyembre 18 sa Ika-7 ng gabi sana ikaw ay makarating.
Naghihintay,
ALMIROHUH? WHAT'S PIGING? BA'T BA ANG LALIM NG TAGALOG NOON! DUDUGO TALAGA ILONG KO.
"PRINSESA?" Tawag sa akin ni cristina, tumingin naman ako agad ni cristina.
"What's pigi... Ay este Anong ibig sabihin ng piging?" Tanong ko kay cristina at parang nalilito din siya kaya ibinigay ko sa kanya ang sulat, agad niya naman itong tiningnan.
"HAHAHAHA" Mahinang tawa niya.
Eh??
"Marunong ka naman magbasa diba Cristina?" Tanong ko sa kanya.
"Opo, naman prinsesa tinuruan po ako ng aking ama noong ako ay maliit pa lamang" Tawang sabi niya.
"Ang ibig po ng piging prinsesa ay may gaganapin na salu-salo sa bahay nila Almiro" paliwanag niya atsaka ibinigay sa akin ang sulat muli
Tanging tango lamang ang aking itinugon kay cristina.
"Teka cristina ano ba ang petsa ngayon?" Tanong ko
"Ngayon po ay labing-pito sa disyembre na prinsesa atsaka bukas na po ang pyesta sa bayan ng San Pablo" tugon niya.
HUH!! SO BUKAS NA PALA AT DISYEMBRE NA PALA NGAYON AT HINDI KO MAN LANG NAMALAYAN!
Binasa ko na naman muli yung sulat "KUNG SAAN TAYO UNANG NAGKITA" WAIT! UNANG KITA IBIG SABIHIN SA BAHAY MULI NG MGA ATIENZA YUNG NAG-AKYAT BAHAY AKO, AH BA'T KO BA NAKALIMUTAN NA SIYA PALA ANG IKALAWANG ANAK NG PAMILYANG ATIENZA, ANG BOBO MO TALAGA BEATRICE!!!
Pumasok muna ako sa palasyo at dumiretso sa kwarto ko, anong gagawin ko? Akala niya kasi na nagtratrabaho ako mukhang itutuloy ko na ang magpanggap bilang simpleng babae, HAHAYSS!
Inilagay ko naman ang kanyang sulat dito sa may kahon na katabi ng bulaklak na ibinigay ni lolo sa akin.Lumabas na muli ako at nagpa-alam kay cristina na ako ay magpapahangin lamang.
Ilang minuto akong naglalakad ng makakita ako ng punong acacia na katulad na nasa paaralan ko. OH! SAKTO!
BINABASA MO ANG
Beauty And The Villain(Te amo del pasado)-ONGOING!
Historical FictionIsang salamin ang dahilan kung bakit nagbalik siya sa nakaraang panahon. Ano kaya ang kapalaran niya doon? BUSTEDNAMANUNULAT-🥀