🥀𝓚𝓐𝓑𝓐𝓝𝓐𝓣𝓐 𝓛𝓘𝓜𝓐🥀

43 11 1
                                    


Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng puno ng acacia malapit dito, basta malapit lang hehe hindi ko pa kasi kabisado ang lugar nito atsaka tumakas lang ako sa palasyo nabo-bored na kasi doon.
Nakasuot lang ako ng simpleng baro't saya at nakabraid nanaman yung hair ko, ayaw ko kasi ang style sa buhok noon nakakatanda!

Pinagmasdan ko ang lugar dito at nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa buhok ko, TEKA KANTA BA YUN!?
Isang linggo na ako dito pero hindi parin ako nakakabalik sa taong 2019, Napabuntong hininga na lang ako atsaka hinahablot yung mahahawakan kong damo,HMMMMM!!

~Noo'y umibig na ako
Subalit nasaktan ang puso
Parang ayoko ng umibig pang muli
May takot na nadarama
Na muli ay maranasan
Ayoko ng masaktan muli ang puso ko

Ngunit nang ikaw ay makilala
Biglang nagbago ang nadarama

Para sa'yo
Ako'y iibig pang muli
Dahil sa'yo
Ako'y iibig nang muli
Ang aking puso'y
Pag-ingatan mo
Dahil sa ito'y muling magmamahal sa'yo
Para lang sa'yo-

"Napakaganda ng iyong tinig binibini" sabi ng pamilyar na boses.

Napatayo naman ako ka agad atsaka tumingin sa likuran ko at hindi ako nagkakamali nandito si Almiro! Anong ginagawa niya dito?.

"Nagtataka ka siguro kung bakit ako naririto" saad niya atsaka umupo sa tabi ko umusog naman ako ng kunti.

"Wag kang matakot hindi ako nangngagat binibini " aniya na para bang iniinis ako. TEKA PARANG NANGYARI NATO SA AKIN AH! DE JAVU?

"Ako matatakot,No way!" pagtanggi ko.

Agad naman siyang ngumisi at napatulala ako sa kanyang gwapong mukha at Infairness ang puti ng mga ngipin niya, SANA ALL! sa akin nagiging pareho sa kulay ng mais.

"Alam mo dito din ako nagpupunta noong ako ay bata pa lamang, dito ako naglalaro mag-isa at paminsan-paminsan dito din ako nagbabasa" aniya atsaka tumingin sa langit. Agad naman akong nalungkot sa sinabi niya.

Pinagmasdan ko lang ang anggulo ng kanyang mukha hanggang tinatawag niya na pala ako.

"Binibini, maari ko bang malaman kung saan ka nakatira?" Tanong niya, TAE NAMAN OH! ANO BA ANG SASABIHIN KO!

"BINIBINI!!!!" Sigaw ng babae,

Pagtingin ko si Cristina na tumatakbo, "HAYSS,,SALAMAT SAVIOR KA TALAGA CRISTINA".

Napahinto naman siya harapan namin at humihingal.

"Binibini hinahanap na po kayo ng iyong ina" hingal niya sabi, " Halika ka na" aniya atsaka hinablot ako. BAKIT BA PALAGI NA LANG AKONG HINAHABLOT.

"BYE-BYE ALMIRO" Paalam ko sa kanya atsaka kumaway alam kong hindi niya naintindihan ang sinabi ko ngunit kumaway naman ito.

"Prinsesa Beatrisa, Bakit po kayo hindi nagpaalam sa akin na ikaw ay aalis" sabi niya na may halong pangamba.

"Nag-iingat naman ako Cristina, wag kang mag ala-ala" pampakalma kong sabi sa kanya.

"Bakit ba ako hinahanap ni Ina?" Tanong ko sa kanya.

Beauty And The Villain(Te amo del pasado)-ONGOING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon