🥀𝓚𝓐𝓑𝓐𝓝𝓐𝓣𝓐 𝓟𝓘𝓣𝓞🥀

35 6 1
                                    

Narito ako ngayon sa silid ni cristina pinag-uusapan namin ngayon ang pagpunta sa gaganaping piging mamayang gabi, baka hindi ako makapunta dahil baka hanapin ako nila ama at ina na wala ako dito. PAANO BA YAN!

"Cristina naalala mo ba iyong pinadalang sulat ni Almiro" sabi ko atsaka itinango niya naman ito.
"Samahan mo akong magpunta sa bahay nila Almiro"dagdag ko pa at ikinagulat niya naman ito.

"Ngunit prinsesa baka kayo ay hanapin ng iyong magulang" pigil niyang sabi sa akin.

"Ako na ang bahala basta tulungan mo lang ako na pumunta sa bahay nila almiro atsaka hindi naman tayo magtatagal doon at tiyak kong hindi magagaglit sila ama at ina dahil pyesta" sabi ko sabay ngiti sa kanya tanging tango lamang ang itinugon niya sa akin.

"Atsaka manghihiram ako ng iyong damit, hehe" dagdag ko pa atsaka umalis na. Gusto ko lang kasi simple lamang ang susuotin ko.

Nagtungo naman agad ako sa harden dito atsaka umupo sa may silya. HMM? Paano ba ako makakatakas?

"Magandang Tanghali Mahal na Prinsesa Beatrisa" sabi ng isang boses na nanggaling sa likuran ko.

Tiningnan ko naman ito at Bakit nandito siya?

Prinsipe Calexto?

"Ano ang iyong ginagawa dito?"sarakastiko kong sabi.

"Binibisita lamang ko ang aking ka-iisang mahal na Prinsesa" nang-aakit na sabi niya atsaka kinuha ang aking kamay hahalikan na sana niya agad ko naman itong hinablot at lumayo sa kanya ng konti, HOKAGE ANG PEG!

"Pasensya na Prinsipe Calexto ako'y muling papasok sa palasyo dahil biglang sumama ang aking pakiramdam, Paalam" paalam ko sa kanya at daling-dali pumasok sa palasyo, EHHHYYYYY!

Nagtungo naman ako kaagad sa silid ko atsaka ni-lock ang pinto "MUNTIKAN NA YON!"
Napaupo naman ako silya ko dito malapit sa bintana ko tinatanaw ko ang paligid dito at grabe ang tanawin napakalinis at puro kulay berde ang makikita mo dahil sa mga punong nakatayo at hindi pa gaano karami ang bahay o gusali man lang. May napansin naman akong may sumisitsit o guni-guni ko lang ba yon!

"PSSSSSTT PSSSTT" isang sitsit na hindi ko naman mawari kung saan.

Sino yon? may MULTO nanaman ba?

Nadako naman ang tingin ko sa isang puno at may isang taong kumakaway mula rito agad ko naman kinusot-kusot ang mata ko.

~Di ko malaman ang nadarama
Sa tuwing ika'y aking nakikita
May kung ano sa damdamin
At abot-abot ang kaba

Sa araw-araw ay nagtataka
Ang puso kong ito o bakit ba
Ang kilos ko'y nababago
Na halos na andiyan ka na

Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Sa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip
O bakit ba
ikaw ang siyang laging laman ng isip ko
Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama anong kaba~

Si Almiro.


What should i do!? Baka malaman niya na.

Agad ko naman tiningnan ang sarili ko buti na lang simple ang suot ko ngayon. Binuksan ko naman yung aparador dito at naghahanap ng panggamit na panglinis. Nakakita naman ako ng tela atsaka nagkunwaring pinunasan ang bintana dito, HEHEHHE, mahirap na.

Beauty And The Villain(Te amo del pasado)-ONGOING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon