🥀 𝓚𝓐𝓑𝓐𝓝𝓐𝓣𝓐 𝓦𝓐𝓛𝓞

39 4 2
                                    


Anim na araw na ang lumipas simula nong ginanap ang pyesta dito at ngayon naman ay magpapasko hindi nga ako makapaniwala ito ang unang pasko ko dito sa sinaunang panahon na ito at malapit na din ang bagong taon. Anim na araw rin ako hindi nagpapakita kay almiro, Narito lamang ako sa harden ko habang tinitingnan ang ibinigay sa akin na rosas noon ni almiro inilagay ko ito sa isang bote na ako mismo ang nagdesinyo.

NAALALA NIYA KAYA AKO?

Ano ba ang pinag-iisip mo beatrice may nobya na ang tao na iyon, Hayss ERASE! ERASE! sabi ko habang sinasampal ko ang aking pisngi pero mahina lamang.

"Prinsesa tila ikaw ay may problema" sabi ng isang boses sa likuran ko, agad ko naman itong tiningnan at tama nga ako nandito na naman si asungot.

"Anong iyong ginagawa dito Prinsipe Damian?" Tanong ko sa kanya na hindi tumitingin.

"Gusto ko lang sana na yayain kitang mamasyal sa bayan ng San Pablo dahil parang naiinip kana dito" sabi niya.

Tama nga siya anim na araw na hindi na ako lumalabas baka napansin rin niya na-bo-bored na ako dito. Pagtingin ko sa kanya ay napakalaki ng kanyang ngiti at sa pagkamatarungan gwapo din siya at sa bawat ngiti niya ay lumalabas ang biloy sa kanyang pisngi. Aangal na sana ako ng magsalita nanaman siya muli.

"Wag kang mag-alala prinsesa pina-alam ko na sa iyong ina na tayo ay mamamasyal" dagdag niya pa

"Ako ay magbibihis muna" sabi ko sa kanya at pumasok sa loob ng palasyo




Tahimik lang ang aming biyahe papuntang San Pablo pero itong isa na ito palaging nakatitig sa akin o di kaya ay biglang ngumingiti ano naman kaya problema nito.

"Ehhemm" tikhim na sabi ko "Prinsipe Damian Ano ang iyong pinagtatawanan?" tanong ko sa kanya with naiinis-na-ako-look.

"Wala lang mahal kong Prinsesa, Hindi ko kasi akalain na magsusuot ka ng ganyang kasuotan at tingnan mo rin ang iyong buhok para kang isang bata" ngising sabi niya.

Na-iinsulto ba ito! Ano naman kung ang sout ko ay yung damit na pinasuot sa akin ni cristina noong umalis kami noon at naka-braid lang naman ang buhok.

"Ngunit prinsesa ang iyong ganda ay nangingibabaw parin" dagdag niya pa.

HMM?Naiinis parin ako.

"Ginoo at binibini nandito na po tayo" sabi ng kutserong sinakyan namin na kalesa.

Nagbayad naman kaagad si damian kay manong atsaka bumaba na rin kami at nagsimulang maglakad.

"Halika, prinsesa puntahan natin ang iyong paboritong kainan dito" sabi niya.

Huh? paboritong kainan? Baka ang tunay na Beatrisa Tsk!


Napahinto naman kami sa isang restaurant dito na mukhang mamahalin dahil sa loob nito ay napakaraming mga antigo na bagay na para bang mula sa mga espanyol sabagay spanish style noon. Agad naman kaming umupo sa bakanteng upuan at lamesa sa may pinto ng restaurant na ito tinawag naman ni damian ang isang waiter atsaka nag-order nang makakain namin.

Habang naghihintay kami sa pagkain namin ay panay naman kwento itong isa at ako naman ay panay narin sa kakatawa, para gusto ko na rin makaibigan si prinsipe damian dahil hindi naman siya boring kausap parang nagiging close na rin kami.

"HAHAHAHA" Hagakhak kong tawa ng biglang

"Prinsipe Damian!" Tawag ng isang boses ngunit babae

Napatayo naman ka agad si Damian sa harap ko at kumakaway ito, agad ko naman nilingon kung sino ang kinakawayan niya ng biglang nanglaki ang mga mata ko sa gulat na napagtanto ko kung sino ito, siya yung kausap ni almiro noong nagpunta ako sa bahay nila at napakalakas rin ng kabog ng dibdib ko nang napagtanto kung sino ang kanyang kasama at walang iba ay si Almiro.

Beauty And The Villain(Te amo del pasado)-ONGOING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon