Chapter 02

588 22 1
                                    


"Tara, doon tayo! Gusto ko maglaro sa quantum eh. Tara!" 

"Mukhang masaya at energetic ka yata ngayon, ah. Anong ganap?" kinikilig na tanong ni Madison kay Abigail. Seriously?

"Eh kasi girl, 'e!" kinikilig ding sabi ni Abigail sa kanya. What the hell? Ako talaga ang out of topic ngayon, ganern? Hindi ko alam ang mga pinag-uusapan nila. Hay.

"Bakit nga?" iritado kong tanong tapos humahigkik si Abigail. Tumingin siya sa aming dalawa.

"Eh, kasi, eh! May nakilala akong boy sa Facebook kanina. And I swear, he's so gwapo and hot, shet! Tapos pinakilala niya pa 'yung dalawa niyang kaibigan na gwapo rin at hot. Kinuha ko nga 'yung number nilang tatlo eh! Hihi," kinikilig niyang sabi.

Namilog mata ni Madison habang ako ay napa-pokerface. Kahit kelan talaga, masipag humanap ng lovelife 'tong dalawa. "Talaga?! OMG! Pahingi ako ng number nung isa! Waaaa!"

Nakikinig at nanonood lang ako sa kanila habang kinukuha nila 'yung number ng mga boys daw. Hanggang sa napatingin sila sa akin with matching inosente look.

"Girl, ano ba? Tutunganga ka lang dyan? Here oh! Kunin mo na 'yung number ng isang 'to. Shems! Bilisan mo! Take the chance before it's too late oh!" Pagpipilit sakin ni Abigail. Mas lalo lang akong napapokerface. Jusmiyo.

Umiling ako. "No thanks. Hindi naman ako interesado eh. Maganda ang maging single. No pain and no heartbreaks."

Nagpa-ikot ng mata si Madison. "For fun lang naman eh! Saka magpapakilala lang tayo sa boys. Hihi."

Napabuntong-hininga ako at nagkibit balikat. "For fun? Wag niyo sabihing makikipaglaro ka lang sa kanila at makipagsakitan? Hay. Feelings are not for fun."

"HUGOT!" sabay nilang sabi saka tumawa. Mga baliw. Kaya hayun, tumawa na rin ako. 

"Tara dito tayo, dali!" Hinila kami ni Abigail papunta 'dun sa may catcher ng prizes, ganun? Tapos stuff toys 'yung ihuhuli, gano'n. 

"Punta lang ako ng National Bookstore. 'Kay? May hahanapin lang akong libro," paalam ko sa kanila. 

"Okay. Hintayin ka namin dito ah! Basta bilisan mo," sabi ni Madison at tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. 

Pababa na ako ng escalator saka pumasok sa NBS. Pero dahil sa pagmamadali ko, hindi ko na namalayan 'yung pag-apak ko at nabunggo ko 'yung lalaking nasa harapan ko.

Oh my god!

"Ay sorry! Nabunggo kita. Sorry," pagpapaumanhin ko sa lalaking nasa harapan ko. Pero nung pag-angat ng ulo niya, nakita kong masama ang tingin niya sakin.

Anong problema nito? Wow ha.  

"Tch. Hindi ka ba tumitingin sa daan mo?" sabi niya at nagkibit-balikat.

"Wow, attitude. Nagsorry na ako, look? Ikaw ba? Hindi ka rin ba tumitingin sa daan mo? Edi sana umilag ka nung nakita mo ko diba?" inis kong sabi sa kanya. Nakita kong nagtangis ang bagang niya.

"You're getting in my nerves. Tch. Wag mo nga akong pilosopohin. Tumitingin ako sa daan ko. Ikaw lang ang nananantsing kasi gusto mong matisod sa harap ko," sabi niya na nakapaglaglag panga sa akin. Kapal!

Dumarami na rin ang mga nakakakuha ng atensyon sa amin dahil sa sagutan namin. Gosh, kahiya! "Kapal ha! Umalis ka na nga!" sabi ko saka umalis na sa harapan nung nakakainis na lalaki na 'yun. Hay nako!

Ngayon lang ako nakasalamuha ng bwisit na lalaki. Hay! Haggard beauty.

My Mischievous Boyfriend [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon