Chapter 16

215 11 0
                                    


Avery's POV

Habang nasa canteen kaming tatlo, nakaupo kami sa table namin habang ako, kumakain ng chips at may hawak na coke in can sa kanang kamay ko.

"Avery, sobrang pipi na nung coke in can na hawak mo oh!"

Napatingin ako sa coke in can na hawak ko dahil sa sinabi ni Madison. Sobrang pipi na nga. But whatever. "Oo nga kanina pa yan, hayaan niyo na," pabalang na sabi ko sa kaniya. Tahimik lang siyang kumakain ng fries sa tabi ni Abigail.

"Galit ka pa rin ba kay Ethan dahil sa nangyari kagabi?" tanong ni Abigail sa akin. Bulls eye. Kanina pa ako naiimbyerna sa kakaisip kay Ethan. Pero hindi totally iniisip ko siya 'no! Naiinis lang ako sa kaniya dahil sa nangyari kagabi. Psh.

"Oo. Nakakabwisit lang kasi. Siya lang ang kauna-unahang lalaking nang-insulto sa akin nang ganun-ganun lang!" Arghh. Bwisit. Umuusok na ilong ko dahil sa galit. Nakakainis kasi si Ethan. At ano? Feeling niya gwapo ba siya? Heck, di 'no!

Humagalpak sila ng tawa. Naikuwento ko na kasi sa kanila yung buong pangyayari kaya ayan, inaasar na naman ako ng mga bruha. Mga walang support talaga 'tong dalawa e. Itapon ko kaya sa ilog Pasig ang dalawang 'to?

"Wag ka nang magtaka sa lalaking 'yun. Siguro naiinis lang sa'yo iyon kaya nasabi niya iyon. Alam mo namang ayaw niyo sa isa't isa," sambit ni Abigail.

Sabagay. Ayaw naman talaga namin sa isa't isa, e. Pero nakakainis siya ano! Feeling gwapo. Kala niya naman may maibabatbat siya. Psh.

Nang matapos ko nang ubusin ang chips na kinakain ko, tinapon ko na trashcan yung coke saka bumalik sa table namin. Of course, Ethan's fangirls are all looking at me. Intensely. Seriously, anong ginawa ko sa kanila at ang sama sama ng tingin nila sa akin?

Naghalumbaba lang ako sa table namin hanggang sa mabingi ako na tipong hindi na ako makarinig. Nagsimulang magtilian ang mga kababaihan na nasa loob ng canteen. Bwisit, oh. Akala mo naman talaga ay may artista silang nakita dito. Well, sino nga ba tinitilian nila?

Inangat ko ang ulo ko at napatingin sa taong papasok ng canteen. Yung dalawa napalingon na rin sa kaniya at napatigil sa pagkain nila at nakatingin na rin sa taong papasok ng canteen. Ngiting-ngiti siya habang may kasamang babae. Wagas din makangiti yung babae. Oh well, kelan pa siya nambabae? At akala ko ba, boyfriend ko na talaga siya? Akala ko ba sinabi na niya iyon kila Mom and Dad?

At teka.. bakit parang may something sa puso ko dito habang nakikita ko siyang may kasama ng iba? Damn.

Kasama niya yung teammates niya sa basketball team nila. Mga gwapo at mayayaman din. Naglakad na sila patungong counter at nag-order. Hanggang sa pag-order ba naman, nakasunod pa rin ng tingin iyong fangirls niya. Wagas talaga sila magdaydream sa "prince" kuno nila.

"Anyare? Diba boyfriend mo si Ethan? Bakit may kasama siyang babae?" nagtatakang tanong ni Abigail habang nakatingin siya sa akin. Naging maingay na ulit ang atmosphere at nagbubulungan yung mga babae.

"Ewan ko sa kaniya. Wala naman akong pake kung maglandi siya diyan," nakasimangot kong sabi kahit sa totoo talaga ay parang meron talagang bumara sa bandang puso ko.

"Ows? Talaga? Pero kanina nakita kitang nakatingin sa kaniya pati sa kasama niyang babae kanina, parang gusto mo nang i-murder yung babae e," sabi ni Madison at nagtawanan silang dalawa ni Abigail. Napapokerface ako sa sinabi niya.

"Hindi ko ginawa iyon. Psh. Wala naman sa akin kung magka-girlfriend siya ng iba."

"Avery Mia, pwede mo namang sabihin kung ano talagang gusto mong sabihin sa amin. Kulang na lang sumabog ka sa galit habang nakatingin kay Ethan, e. Gusto mo na ba siya?" sabi ulit ni Madison kaya nakapag-react ako agad. "Eww! Anong magkakagusto ako sa kaniya?! Hinding-hindi mangyayari 'yun, ano! Kailangang magka-snow muna sa Pinas bago ako magkagusto ako sa kaniya?"

My Mischievous Boyfriend [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon